Kabanata 13: Lost Control

417 15 0
                                    


Abala ang lahat dahil sa pagdating ng emeprador. Mabuti nalang at naayos agad ang palasyo ngunit nag iba ang disenyo nito lalo na ang nasa loob nito. Hindi nila kayang ibalik sa dati nitong anyo ang palasyong na siyang nagpabaliw  ng tuluyan kay Cyver.

"Susmaryusep Lyncoln ayusin mo ang mga bulaklak!" Sigaw niya kay Lyncoln na kanina pa nag-aayos ng mga bulaklak.

"Damnit Cyver! Prinsepe ako hindi taga-ayos ng bulaklak!" Sigaw nito pabalik at inis na ginulo ulit ang inaayos kahit kanina pa ito magulo.

"Santisima naman Zuriel! Umayos ka ng lakad nasasagasaan mo ang mga vase!" Sigaw nito muli nang muntik nang matumba ang vase na nasagasaan ni Zuriel dahil muntik itong matumba.

"Gago! Lumpo ako ngayon kaya hindi ako makakaayos ng lakad!" Sigaw nito pabalik at tuluyan ngang nalaglak ang vase na siyang kinamura ni Cyver.

"Xymon! Yung sahig pakintabin mo hindi yung laspagin mo!" Sigaw nito at nakita ko ngang puro kalmot ang sahig dahil sa malakas napagkuskos nito.

Pinalibot ko ang tingin ko sa mga prinsepeng seryoso sa kanya-kanyang trabaho na mali-mali naman. Dahil sa nangyari ay nalagasan rin kami ng mga tagapagsilbi kaya sila ngayon ang gumagawa nito.

Napapahagikhik ako pag may isang nagmumura sa kanila at sumisigaw na sumusuko na. Mas lalong umiinit ang ulo nila dahil kay Cyver na walang ginawa kundi ang mag-utos at punain ang pagkakamali nila.

"Relax Cyv, pumunta ka muna kaya sa kusina at doon mo naman ipalaganap ang pagkapraning mo" natatawang wika ko. Sinamaan niya ako ng tingin ngunit umalis rin kalaunan.

"Love" mahinang bulong sa akin ni Raidon bago ako hinalikan sa pisnge. Simula noong pag-uusap namin ay hindi na siya lumayo sa tabi ko. Parati narin siyang sweet at clingy. Nagiging madalas rin siyang seloso kahit simpleng pag-uusap ko lang sa ibang prinsepe.

"Hey" nakakunot ang noo nito at halatang galit. "You okay?" I ask. Inutusan kasi siya ni Cyver na kumuha ng ibang ingredients sa gubat kaya heto at kababalik lang niya. Natawa pa ako sa itsura niyang madungis at puno ng balahibo ng ibon sa buhok.

Mabilis na kinuha ng isang tagapagsilbi ang kanyang dala. Lumapit naman agad ito sa akin at mahigpit akong niyakap. "I miss you" napangiti ako sa inasal nito.

"Ilang oras lang tayong hindi nagkikita mahal na prinsepe" natatawang wika ko. Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin kaya mas lalo akong natawa sa itsura niya. Isa-isa kong kinuha ang mga balahibo ng ibon sa kanyang ulo, habang busy ako sa paglilinis sa kanya nang bigla niya akong hinalikan sa labi na siyang ikinagulat ko.

"Raidon!" Suway ko rito ngunit ngumisi lang siya sa akin at muli akong dinampian ng halik sa labi. "Damn! I really miss you princess!" Hinapit niya ako sa bewang at muling dinapian ng halik.

"Raidon! Nakakarami kana!"

Bago pa ito makasagot ay nagulat kaming lahat sa malakas na pagkabasag ng mga vase at nakasalampak sa sahig na si Zuriel.

"Shit! Yung sahig marurumuhan niyo!" Sigaw ni Xymon nang magsitagbuhan kami papalapit kay Zuriel. Tinulungan siyang makatayo ni Lyncoln ngunit marahas niya lang itong tinabig.

"Fuck off!" He screamed kaya mabilis siyang nabitawan ni Lyncoln. Kitang-kita ko ang galit sa mukha niya at panginginig ng katawan niya sa galit kaya ako na ang lumapit para alalayan siya.

Unpredictable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon