Kabanata 15: His Presence

395 11 3
                                    


Masyadong busy ang mga tao ngayong araw dahil sa gaganaping pagdiriwang. Ilang linggo na ang nakalipas at hindi pa rin nagpapakita ni anino si Raidon pero ang delubyong ginawa niya ay hindi parin tumitila umuulan parin sa labas hanggang ngayon. Si Azure naman ay nanatili rito sa palasyo kasama si Frey na nagbabantay sa akin. Ang ibang prinsepe naman ay minsan nalang kung lumapit sa akin dahil parati kong nasa tabi si Azure. Ayaw nila rito dahil isa raw itong traydor ngunit wala namang komento ang emperador ukol dito. Ilang linggo na ang nakalipas at sa loob nito ay maraming nangyari, si Sabrina ay parang tangang nagpabalik-balik rito sa emperyo upang makabalita kung nakabalik na ba si Raidon. Ang kanyang ina at ama naman ay hindi na bumalik pa rito simula nung nangyari at higit sa lahat weird talaga ang emperador.

"Amaris" napalingon ako sa babaeng tumawag sa pangalan ko. Mabilis na tumaas ang altapresyon ko nang makita kung sino ito. Mahaba at kumikinang sa ganda ang kanyang kasuotan na sigurado akong yan ang susuotin niya mamayang gabi sa pagdiriwang. Ngunit siya ay basang-basa dahil sa ulan.

Bahagya itong lumapit sa akin na parang isang mahinhin na prinsesang di makabasag pinggan. "Nakabalik na ba siya?" Napabuga ako ng hangin ng wala sa oras. Yan parati ang bukang bibig ng babaeng ito! Ni hello o kamusta ay wala akong natatatanggap!

"Hindi pa" maikling sagot ko at tinalikuran siya ngunit napatigil ako nang hawakan niya ang braso ko. "Kailan siya babalik?.... Babalik siya diba?..... Mahal niya ako kaya babalikan niya ako..... Hindi niya ako iiwan dito!" Inis kong hinawi ang braso ko, I tilt my head and look at her in disbelief. Boba talaga ang babaeng to! Well, parehas lang naman kami. Hayyss. "Alam mo, wag mo kong dramahan maghanap ka ng taong sasakay sa kadramahan mo" isang malaks na sampal ang dumapo sa pisnge ko. Nanginginig ang kamay niya at magsitulo ang mga luha niyang di ko inaasahan. Lakas ng tama ng babaeng to ah! Ako na sinampal siya ang umiyak! Hanep! Pag siya ba sinampal ko ako yung iiyak? Tangna! Sa dami ng iniisip ko dumagdag pato!

"Mahal niya ako! At ikaw! Pampalipas oras kalang niya! " dinuro-duro niya ako. "Ako ang totoo niyang mahal!" Sigaw niya. I glare at her atsaka malakas siyang tinulak kaya napasalampak siya sa sahig. "Mahal ka? Edi go! Sayong-sayo na siya! Wag kang mag-alala dahil punong-puno na rin naman ako sa lalaking yun! Isaksak mo sya sa baga mo! Hanggang mawalan ka ng hininga!" Hiningal ako sa haba ng sinabi. "Bwesit" bulong ko pa sa sarili at tinalikuran siya na siyang pinagsisihan ko.

Raidon is standing and looking at us with his cold emotionless face. He glare at me and I can see his rage in his eyes. Nag kibit balikat lang ako at limapasan siya, wala na akong pakealam sa lalaking yon. Gawin niya ang gusto niya sa buhay niya magpakasal man siya sa bruhildang yun wala akong pake!

"Love!" Napatigil ako sa paglalakad nang banggitin niya ang mga salitang iyon. Marahan akong lumingon at nakita kong tinutulungan niyang makatayo si Sabrina, he call that girl Love? Aba't gago nga! Napaangat ako ng tingin dahil sa kirot na naramdaman ko. Yes, hanggang ngayon masakit pa rin. Sobra!

Napakagat-labi ako upang pigilan ang luhang gustong kumawala sa mata ko. That endearment was once mine, but now it belong to someone else. Mabilis akong tumalikod at dire-diretso sa paglakad halos hindi ko na makita ang dinaraanan ko dahil sa luhang nag-uunahan sa pagtulo. Damn it! I should not care about it pero ansakit eh!

Patuloy lang ako sa paglakad ng mabilis hanggang sa sinadya kong banggain ang isang katulong na may hawak na mga pinggan. Nahulog ito at nabasag sa sahig na siyang gumawa ng malakas na ingay pati ako ay napasalampak sa sahig at iniinda ang sakit ng pwetan ko. Siguro ngayon ay may maganda na akong dahilan para umiyak?

Mabilis na dumalo sa akin si Zuriel at ang iba pang mga prinsepe. Tinulungan nila akong makatayo at tinanong kong ayos lang ako. Para akong tangang tumango na may ngiti sa labi. Siraulo na talaga ata ako kaya ko sadyang banggain ang katulong.

Unpredictable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon