Kabanata 3: Second Encounter

816 17 0
                                    


"Amaris, malapit na ang kaarawan mo."

"Alam ko Frey" mahinang sabi ko rito. Pumantay siya sa akin sa paglalakad at inakbayan ako, kasabay ng pag-akbay niya sa akin ay ang pagkagulat ko sa biglaang pag kulog at pagkidlat.

"May problema ata ang panahon. Mainit pero kumulob at kumidlat" natatawang sabi nito. Pero di maalis sa akin ang kakaibang pakiramdam.

Pansin ko rin na hindi ito simpleng kidlat lang. Isa itong kapangyarihan na nabuo sa galit. Kung sino man ang may gawa nito alam kong abot langit ang galit niya.

"Anong plano mo sa kaarawan mo?" Mabilis na nabaling ang atensyon ko sa kanya. "Wala akong plano Frey" nasagot ko rito at tumingin ulit sa daraanan namin. Wala akong ganang makipag-usap sa kanya gayung alam kong may tinatago syang lihim sa akin.

"Uhhuh" di na ako sumagot at nag patuloy nalang sa paglalakad.

"Samahan mo ako sa bayan. May ipinabibili sa akin si inay." Mabilis akong tumango ng di sya nililingon.

"Galit kaba sa akin Amaris? Ba't di mo ko masyadong pinapansin?"

"May dapat ba akong ikagalit Frey?" Balik kong tanong sa kanya na syang ikinakunot ng noo nya.

"Tungkol  parin ba ito sa panaginip mo?" Sa halip na sumagot ay inirapan ko sya at nagpatuloy sa paglalakad.

Wala kaming imikan hanggang sa nakarating kami sa bayan. Di ko na mabiling kung ilang beses narin sya bumuntong hininga pag tumitingin siya sa akin. Ilang ulit ko rin syang iniirapan pag nagtatagpo ang aming mata.

Nang malpit na kami sa pamilihan ng mga gamot ay pumasok siya sa loob habang naiwan naman ako sa labas, naagaw naman ang  atensyon ko sa nagkukumpulang mga tao. Dahil sa kuryosidad ay nag madali akong nagtungo roon.

"Manong ano pong meron?" Tanong ko sa matandang kakalabas lang sa kumpulan ng mga tao at mukhang naiirita pa. "Ay hija may nahuling sirena ang mga mangangalakal kaya ibinibenta nila. Sayang nga at wala akong pera!" Nginitian ko nalang siya.

Salamat ho manong" hindi na ito sumagot sa akin at tumango na lamang.

Pagkarating ko roon ay bumungad sa akin ang mahina at duguang sirena, namumutla rin ito at hindi na makaupo ng maayos. Nagkakagulo ang mga tao at inilalabas ang kanilang mga pera upang ipakita kung sino ang mas mayaman sa kanila.

Kung sino ang may pinakamalaking perang may ma ibibigay ay sa kanya mapupunta ang sirenang ito. Ang alam ko ang mga sirena ay maaaring makagamot ng anong uri ng sakit kaya mahal ito kung ibenta.

Kalunoslunos ang sinapit ng isang ito. Di magtatal ay mamatay rin siya.

Nang magtagpo ang aming mata ay naging kulay asul ang mga ito na parang bang nakikiusap sa akin.

Siniwalangbahala ko ang aking napansin at tinalikuran ang sirena dahil alam ko sa sarili kong wala akong magagawa. Kahit balikbaliktarin ko ang mundo isa lamang akong hamak na taong walang kakayahan upang makapagligtas ng isang nilalang. Masakit man ngunit wala akong magagawa. Kung may kapangyarihan lang sana ako tulad ng kay ina at kay Frey......

Nakakaisang hakbang palang ako ay may pumasok na boses sa aking isipan.

"Tulungan mo ako,nagmamakaawa ako"

Unpredictable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon