"Anak, anak" nagising ako sa malambing na boses ng isang babae, marahan nyang hinahaplos ang aking buhok.
Ngunit hindi ko siya makita nararamdaman ko siya ngunit hindi ko nakikita. "S-sino ka?" Natatakot na ako. Ano ba ang nangyayari? Bakit wala akong makita.
Si ina! Tinamaan niya ako ng kapangyarihan niya. Ramdam kong hindi si ina ang kasama ko ngayon. Nasaan ako?
"Anak" paulit-ulit lang ang sinasabi nya. Bakas sa boses nya ang lungkot at pag-iyak pero sino sya sino?
"Anak"
"Anak"
"Anak"
"Tama na!" Hinihingal kong sigaw, ngunit napapikit ako sa sinag ng araw ng tumama sa mukha ko. Nakahinga ako ng maluwag, panaginip lang pala.
Biglang pumasok sa aking alaala ang nangyari.
Mabilis kong tinignan ang aking dibdib kung saan ako natamaan ng kapangyarihan ni ina ngunit walang mababakas na anumang sugat rito.
Mabilis pumasok si ina na maraming hawak na mga orasyon. "Anak ayos kalang ba?" Akma nya akong lalapitan nang bigla akong napaatras kaya kununot ang noo nya sa akin. "Anak" nagtatakang tawag nya sa akin at agad na lumapit sa akin.
Sariwang sariwa pa sa aking alaala ang nangyari. Hindi ako pwedeng magkamali ang kakaibang nangyari sa katawan ko. Ang paggamit nya ng mahika laban sa akin. Ang nangyari sa bata kay Frey. Naaalala ko ang lahat. Hanggang ngayon ramdam ko parin ang panghihina at kakaibang init sa katawan ko.
"Anong nangyari? Bakit ako nandito ina? Nasaan ni Frey?! Bakit nyo ko nagawang saktan?" Mas lalong kumunot ang noo ni Ina sa akin. "Ayos kalang ba anak? Bakit kita sasaktan? Ano ba ang nangyayari sayo anak?" Nag-aalalang tanong nito sa akin at mahigpit akong niyakap at mahinang hinaplos ang aking buhok. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko pero totoo ang nagyari, totoo yun totoo!
Mabilis akong kumalas sa kanya at tumakbo papunta sa bahay nila ni Frey. Halos nakahinga ako ng maliwag nang makita ko syang nakatayo.
Amaris-" di ko na sya pinatapos ng kanyang sasabihin nang mahigpit ko itong niyakap. "Frey!" Mas lalo pa akong napaiyak.
"Ano ba ang nangyayari sayo anak?" Takhang tanong ni ina. Mabilis akong kumalas at sinalubong ko ang nagtatakang mga mata ni ina gayun din si Frey. Napakagat labi ako. Kahit ako hindi ko rin maintindihan ang nangyayari sa akin. Pero nakakasigurado akong nangyari ang bagay na yon!
"Ina anong nangyayari? Bakit wala kayong naaalala?" Naguguluhang tanong ko rito.
"Anak, walang nangyari ang sabi ni Frey nawalan ka ng malay dahil sa pagod mo sa trabaho baka naman ay nanaaginip kalang anak? Baka naman ay panaginip lang ang lahat anak" mabilis akong umiling kay ina.
Hindi maaaring panaginip ang nangyari, parang totoo ang lahat. Mariin kong tinignan si Frey. Wala rin akong makitang ni isang galos sa katawan nito. Ano ba ang nangyayari? Totoo bang panaginip ang lahat? Pero bakit wala akong maalalang nagtrabaho ako?
"Ina"
"Anak panagip lang iyon, kung ano man iyon nanaginip kalang anak" mahinang sabi ni ina at mahigpit akong niyakap. Siguro nga at panaginip lang iyon. Masamang panaginip sobrang sama.
Dahil di ko alam kung anong gagawin ko pag-nagkatotoo ang panaginip na iyon.
Ang isa ko pang panaginip bago ako nagising yung babaeng malambing at malungkot ang boses. Napakapamilyar pero alam kong di ko pa sya nakikita. Nakakaramdam ako ng sakit pag tinatawag nya akong anak. Ano ba ang nangyayari sa akin?
"Malalim yata ang iniisip mo binibini" napatingala ako sa makisig na lalaking kaharap ko. Pilit akong ngumiti sa kanya at tinugon niya ito ng napakalapad na ngisi.
"Frey" banggit ko sa pangalan niya. Tumabi naman siya sa aking kinauupuan at hiniga ang ulo sa aking kandungan. "Frey!" Maktol ko rito ngunit ngumiti lang ito at ipinikit ang mga mata.
Katahimikan ang namalagi sa amin. Tanging mga huni ng ibon at lagaspas ng puno lamang ang aming maririnig. "Amaris"
"Hmm?" Sagot ko rito. Ngunit nagdaan ang ilang segundo ay hindi na ito sumagot pa sa akin. Kaya napatingin ako sa kanya, nakapikit parin ang mata nito kaya mahina akong natawa mukhang nananaginip ang magaling kong kaibigan.
Mahina kong hinaplos ang kanyang maganda at malambot na buhok ngunit nang hawakan ko ito ay bigla nalang itong naging kulay puti at abo. Kaya mabilis kong binawi ang kamay ko.
"Frey!" Tawag ko sa kanya ngunit parang wala lang siyang naririnig.
"Amaris!... Amaris!..Amaris! Nasaan ka?!" Naririnig ko ang boses ni Frey napapalapit kaya mabilis akong napatingin sa lalaking nasa kandungan ko at nawala na ito..
Takot ang bumalot sa sistema ko. Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa takot at pagtataka. "Amaris!" Mariin nya akong tinignan at hinawakan ang nanginginig kong kamay. "Amaris anong nangyari?"
Natatakot na ako, di ko na alam ang nagyayari sa akin. Tumulo ang luha ko di dahil sa lungkot kundi ay sa takot at pangamba. "Amaris!" Mahigpit nya akong niyakap at marahang hinahaplos ang buhok ko. "Shhh, Ano ba ang nangyari Amaris?" Halos di ako makahinga sa kakaiyak. Di ko alam! Natatakot na ako! Wala akong masagot sa kanya di ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.Sino ang lalaking yon? Sino?
Anong sasabihin ko sa kanya? Na may gumaya ng mukha nya at nakausap ko pa mismo? Pwede bang mangyari yon? Gulong gulo na ako.
Hinayaan nya akong umiyak habang yakap nya. Walang nangahas magsalita ni isa sa amin. Nang maramdaman nyang ayos na ang pakiramdam ko ay sya mismo ang kumalas sa pagkakayakap nya sa akin. "Anong nangyari Amaris? Bakit ka umiiyak? Bakit ka nakatulala kanina at parang takot na takot ka? May nangyari bang kakaiba-"
Di ko na sya pinagpatuloy sa kanyang sasabihin dahil mabilis akong umiling rito. "W-wala Frey, ano kasi... Yung panaginip ko ang sama ng panaginip ko kaya natatakot ako pag naaalala ko" pagsisinulangin ko rito. Nakokonsensya man ako ay wala akong pagpipilian. Ayaw kong mag-alala pa siya at si Ina.
Alam kong di sya kumbinsido sa sinabi ko ngunit tumango na lamang sya. "Tayo na, kanina pa kita hinahanap" inalalayan nya akong matayo.
Nang halos papalabas ng kami sa gubat na pinasukan ko kanina ay naramdaman ko ang kakaibang simoy ng hangin. Nagsitaasan ang mga bahalibo ko sa lamig at kakaiba nitong ihip.
"Amaris" bulong ng kung sinong tao kaya agad akong napatigil sa paglalakad at mabilis na lumingon sa aming likuran nang marinig ko ang pangalan kong tinatawag nya. Parang biglang may tumambol sa puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito ng makita ko ang isang pigura ng lalaking nakatayo malayo sa amin at mariing nakatitig sa akin. Pinasingkit ko ang mata ko para mas makita ko pa sya ngunit mas lalo lang atang lumalabo ang nakikita ko.
"Ayos kalang Amaris?" Agad nabaling ang atensyon ko kay Frey kaya mabilis akong tumango rito at nauna sa paglalakad.
Kakaiba ang nararamdaman ko sa lalaking yun kung sino man siya may kakaiba sa kanya. Ginamit nya pa ang mukha ng kaibigan ko para lang makalapit sa akin. Natatakot ako sa kanya. Natatakot ako sa balak niya at maaaring gawin.
"Amaris, malapit na ang kaarawan mo."
BINABASA MO ANG
Unpredictable Love
FantasyIto ang mundong puno ng pighati at pasakit, mundong puno ng kakaibang nilalang. Mundong puno ng takot at kabihasnan. Mabubuo ang isang di inaasahang pag-iibigan. Hindi hadlang ang isang propesiya para sa taong nag-iibigan ngunit ano ang magagawa ni...
