"This is outrageous!" Sigaw ni Cyver habang nakaluhod sa harap ng nawasak na palasyo. "Paano na?...paano?" Paulit-ulit na sigaw nito habang ngumangawa sa galit. Kanina pa siya nagwawala at halos lahat ay nasinghalan na niya. Ni isa ay wala itong pinalampas."Cyv" I called him pero wala na ito sa sarili niyang nagwawala. Masyadong siyang affected sa nangyari sa palasyo dahil uuwi daw ang emperador na ito ang dadatnan. Siya daw kasi ang inutusan ng emperador na salubungin ang kanyang pagdating.
After what happen ito na ang naging senaryo. Si Cyver na mainit ang ulo , si Zuriel na walang malay But he is fine. Ginagamot na siya at nag hihintay kami sa mga mahikero na darating upang ayusin at ibalik sa dati ang palasyo. Maayos man ang palasyo pero hindi ang mga nasa loob nito. Ang mga ibang prinsepe naman ay tumutulong sa mga sugatan at mga tagapagsilbi na inaayos ang mga naisalbang gamit ng palasyo.
Pagkatapos rin nang nangyari ay hindi ko na nakita pa ang lalaking humalik sa akin.
"Damn that murderer! I'm gonna kill that Ismael!" Biglang sigaw ni Cyver kaya gulat akong mapatingin sa kanya.
"Ismael?" Napatingin siya sa gawi ko. "Oo, bakit? Kilala mo?" Desperadong tanong nito gamit ang nag-aalab na mga mata. Mabilis akong umiling at pekeng tumawa.
"Who is Ismael?" Nagmamang-maangan Kong tanong. Padabog itong tumayo at iritang humarap sa akin.
"Ismael is a killer! Unti-unti niyang pinapatay ang mga holy guardians ng imperyong ito! Ngayon hindi lang siya pumatay! Sinira niya pa ang palasyo!" Halos umusok ang ilong at tenga ni Cyver sa galit. Pinipigilan ko naman ang sarili kong matawa sa itsura niya ngayon.
So that Ismael is a killer? So why did he save me?
"Matagal na talagang problema ng imperyo yang Ismael na yan! Lintek lang! Hindi mahuli-huli dahil matinik!" Dagdag pa nito pero iritado parin.
Marahas nitong binaling ang tingin sa mga nagpapahingang mga prinsepe.
"Ano ba! Nasaan na ang mga mahikero?!" Galit na sigaw nito at kinutusan ang lahat isa-isa. Napabuntong-hininga nalang ako. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka stress at mainitin ang ulo.
So that Ismael is pissing him off?..... Big time? Napailing nalang ako sa naisip. I don't sense any danger in that man named Ismael. I just feel so secure and safe. Di ko alam pero pakiramdam ko mabait na tao siya he is just so mysterious.
"Raidon!" Muling sigaw ni Cyver sa kakarating lang na prinsepe. Nilibot nito ang paningin hanggang sa magtagpo ang aming mga mata pero agad rin akong umiwas.
Cool itong bumaba sa kabayo niya. Si Cyver naman ay hindi na maipinta ang mukha at mukhang lalapain na ng buhay si Raidon. Sino ba naman ang hindi magagalit? Kung kailan kailangan siya ng imperyo ay wala siya! Nandon at naglalandi sa iba! Bwesit!
"What's your problem dude?" Maangas na tanong ni Raidon.
"Gago! Wag mo kong ma dude dude! Saan ka galing aber?!" Nakapamewang na tanong nito. Sa isang oras na nakita kong ganyan ka init ang ulo ni Cyver ang masasabi ko lang, don't mess up with him if you don't want to walk a thousand miles back here.
Kanina kasi ay ininis siya ni Lyncoln at Xymon dahil palpak daw ito sa kanyang misyong ayusin ang palasyo, ayun napadpad sa kung saang kalupaan. Siguro ngayon ay nagmumura na sila ng ilang ulit dahil sa ginawa ni Cyver o baka naman naghihirap na sa kakalakad pabalik dito.
"I'm with my GIRL Cyv" kalamadong sabi ni Raidon at talagang inemphasize pa ang salitang girl. Talagang inangkin niyang babae niya si Sabrina?
BINABASA MO ANG
Unpredictable Love
FantastikIto ang mundong puno ng pighati at pasakit, mundong puno ng kakaibang nilalang. Mundong puno ng takot at kabihasnan. Mabubuo ang isang di inaasahang pag-iibigan. Hindi hadlang ang isang propesiya para sa taong nag-iibigan ngunit ano ang magagawa ni...