Nanahimik na lamang ako. Marami man akong gustong malaman at katanungan pinili ko nalamang itikom ang aking bibig. Ako man ang parating nasusunod sa amin marunong naman akong rumespeto ng pribadong buhay ng isang tao. Kung nais niyang mag kuwento handa akong makinig ngunit kung hindi man nasa tabi niya lang ako."Humingi nalang tayo ng tulong sa lalaking nag dala sa atin dito Frey mas mapapabilis tayo kung saan man tayo pupunta"
"Wala akong tiwala sa isang yon" bumuntong hininga nalang ako sa sinabi niya.
Tadhana nga naman kung dati ay ikinasusuklaman ko ang mga prinsepe at prinsesa dahil wala itong ginawa kundi ang mamuhay ng marangya sa huli ay kakainin ko ito lahat. Isang prinsepe ang kaibigan ko at isa naman akong prinsesang itinakda.
Prinsesa. Isang salitang masarap pakinggan ngunit mahirap panindigan. Masarap mabuhay bilang isang prinsesa ngunit kaakibat nito ang mabigat na tungkulin. Isa lamang akong hamak na mahirap ngunit ngayon bigla nalang naging prinsesang magliligtas sa lahat. Isa lamang akong walang ka alam-alam sa kahit na ano, pero bigla nalang nagkaroon ng malaking responsibilidad. Oo, nag karoon na ako ng responsibilidad at yon ang maging anak subalit di ko akalaing magiging responsibilidad ko ang daang buhay ng mga nilalang na ito.
Bitbit-bitbit ko ang sakit, lungkot, pagkalito, at mga katanungan. Wala akong alam sa mundong ito. Isa lamang akong mangmang at walang kaalam-alam sa mga dapat kong gawin ngunit bakit ako pa ang pinili maging itinakda? Kung ako lang ang papipiliian mas gusto kong bumalik kay ina kaysa humawak ng malaking responsibilidad mas gusto kong maging makasarili pero di rin naman kaya ng konsensiya ko.
"Kailangan natin ng kabayo Amaris para mas mapabilis tayo" tumango nalang ako sa sinabi niya. Wala naman akong alam at di ko rin naman alam ang gagawin kaya mabuti nalang na sumang-ayon. Kanina niya pa ako hinihila kung saan at hindi ko parin matanaw ang papalabas sa palasyong ito.
"Frey, kanina pa tayo sa loob ng palasyong ito. Nawawala ba tayo? Paikot-ikot lamang tayo"
"Shit! They are playing with us!"
"Ano?!!" Wika ko rito. Di na siya sumagot sa akin at nag patuloy lamang sa paghila sa akin. Napapairap nalamang ako pag bumabalik kami sa napuntahan na namin.
"Frey!ano ba! Pagod na ako. Halos isang oras na tayong paikot-ikot rito!" Pagmamaktol ko. Laking pasasalamat ko ng tumigil siya sa paghila sa akin. "Fuck!" Ayan na naman at mainit nanaman ang ulo niya. That Cyver guy is pissing him off and I'm amused of him, siya lang kasi ang kayang bwesitin ng ganito si Frey.
"Cyver! You lunatic! Show you fucking face idiot!" Psigaw na sabi nito at bigla na lamang lumabas ang lalaki sa kung saan.
Kinuha nito ang kamay ko at marahang hinalikan ito. "Ako nga pala si Cyver-" di na niya natapos ang sasabihin niya nang hawiin ni Frey ang kamay kong hawak nito. "Stay away from her! Gago!....... Bring us to Magicis!" Oh ayan! Hihingi rin pala ng tulong!
Ngumisi lamang ito saamin at bigla akong hinila papalayo kay Frey at sa isang kisap mata ay nasa isa na kaming kagubatan. "Anong!-" nilagay niya ang kanyang hintuturo sa aking labi upang patigilin ako sa pagsinghal.
"Shhh, di bagay sa magandang tulad mo ang pagsinghal mahal na prinsesa"
"Ibalik mo ako! Nasaan tayo?! Nasaan si Frey! Ibalik mo ako! Ibalik mo akong hayop ka!" Sigaw ko sa kanya ngunit wala itong ni ano mang reaksyon sa kanyang mukha na parang wala itong naririnig sa akin.
"Malapit lang tayo sa kaharian ng Magicis, tayo na" wika nito at nauna sa paglalakad na hindi ko man lang sinundan. Wala kong pakealam kung nasa Magicis na kami. Hindi ako aalis rito hangga't hindi ko kasama si Frey. Nilayo niya na ako kay ina at hindi ako papayag na ilayo niya ako kay Frey. Sila ang may kailangan sa akin, sila ang magtiis.
BINABASA MO ANG
Unpredictable Love
FantasíaIto ang mundong puno ng pighati at pasakit, mundong puno ng kakaibang nilalang. Mundong puno ng takot at kabihasnan. Mabubuo ang isang di inaasahang pag-iibigan. Hindi hadlang ang isang propesiya para sa taong nag-iibigan ngunit ano ang magagawa ni...