Kabanata 7: Illusion

476 14 0
                                        


"Just continue what you we're doing, I just love to watch your beautiful face and your jaw dropping body, love"
 

"Bastos!! " Nagkibit balikat lang ito at nilalaro niya na ang kapangyarihan niya sa kanyang kamay. Kuryente? Kung ganon Tama ang hinala ko siya ang lalaking nag panggap na kaibigan ko at ang taong tumulong sa akin.

"Kung ganon ikaw yung-" napatigil ako sa pagsasalita nang magsalita rin siya.

"Uh-huh" sabi nito at muli akong tinitigan kaya mas lumayo pa ako sa kanya at nilublob ko pa ang katawan ko sa gatas at baka makita niya pa ang katawan ko.

Marahas akong bumuntong hininga at muling nagsalita. "Mamaya nalang kita tatanungin kung bakit mo yon ginawa pero ngayon pwede bang lumabas ka muna mahal na prinsepe?" Taas noong tanong ko kahit abot-abot na ang kabang nararamdaman ko. Bakit ba kakaiba ang tibok ng puso ko pag siya ang kaharap ko.

Tumaas lang ang kilay nito sa akin at mas lalong itong ngumisi na siyang mas ikinakaba ko.

Napaigtad ako nang biglang may kumalambang ng pintuan sa labas. Parang masisira ito anumang oras sa sobrang paghampas dito.

"You fucking moron! Get the fuck out of that room! You bullshit! The emperor is going kill to me if something happens to that princess!" Sigaw nito mula sa labas ng pintuan.

Umirap lang ito sa ere at inilapit sa akin ang isang magarang kasuotan. "Suotin mo ito" kaswal na wika nito at agad na lumabas sa bintana. Napatili pa ako nang bigla nalang siyang tumalon kaya mas lalong lumakas ang pagkalampag at pagsigaw ng kung sino ang nasa labas. "Itigil mo nayan, ayos lang ako dito" pagkasabi ko non ay tumigil rin ito ngunit narinig ko pa siyang nag mura' bago tuluyang umalis kaya napailing nalang ako.

Tinitigan kong mabuti ang sayang binigay niya sa akin. Isang magarbong kasuotan ng prinsesa. Kulay itim ito at may kakaibang disenyo, balot rin ang buo kong katawan ngunit napasimangot ako nang makita kong labas ang likod ko dahil sa damit na ito. Balot nga ang harap wasak naman sa likod.

"Haysst, pwede na ito" wala naman akong pagpipilian.

Nang matapos ko na isuot ang damit ay siyanaman bukas ko ng pintuan at tumambad sa akin ang dalawang gulantang na tagapagsilbi. "May problema ba?" Naguguluhang tanong ko dahil sa reaksyon nila

"Pa-patawad mahal na prinse-"

"Amaris, tawagin niyo nalang akong Amaris pag tayo lang ang nag-uusap" nagtinginan lang silang dalawa kaya matamis ko silang nginitian.

"Ahm- Am-amaris, saan niyo ho nakuha ang damit na iyan? Hindi ho iyan ang inyong kasuotan" nakayukong paliwanag nito.

"Ano?! Kung ganon nasaan ang susuotin ko?" Nag madali nilang kinuha ang isang puting simpleng damit abot hanggang sahig rin ito ngunit hapit na hapit ito sa katawan ko at halos labas na ang katawan ko rito sa dami ng butas na disenyo.

"Throw that thing! She's not gonna wear that" seyosong sabi ng kung sino. Di ko man lang naramdaman na dumating siya.

"Masusunod po mahal na prinsepe" sabay na sabi ng dalawang tagapagsilbi ko at mabilis itong umalis. Tumabi naman siya sa akin at bigla niyang hinapit ang bewang ko kaya aksidenye akong napahawak sa dibdib niya. "You look beautiful" nakakanindig balahibong bulong nito sa akin. Napasinghap nalang ako nang bigla niyang kinagat ang tenga ko at may kakaiba itong dulot sa katawan ko. "And hot" huling sabi nito bago ako bitawan.

Unpredictable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon