Kabanata 4: Destined

729 13 0
                                    


Isang mainit na yakap ang sumalubong sa akin nang muntik na akong matumba kasabay noon ay ang pagkawala ng misteryosong lalaki sa paningin ko.

"Amaris! Salamat at ligtas ka" hinihingal na sabi nito sa akin habang yakap ako.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at sinuri ang buo kong katawan. Wala akong imik at tulala parin sa nangyari "May sugat ka" yon lang ang nasabi niya at madilim itong lumingon sa mga bangkay sa nakapaligid sa amin.

"Shit! Gawa mo ba to?!!" Galit na tanong nito sa akin.

Doon lang ako natauhan dahil sa malakas na sigaw niya kaya mabilis akong umiling rito. "May tumulong sa akin Frey" mahinang sabi ko na halos pagbulong nalang. Mas lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Sino?"

"Di ko siya nakita pero malakas na kulog at kidlat ang tumama sa kanila" marahas siyang nagpakawala ng hininga at tinanaw ang parte kung saan ko nakita kanina ang lalaki. Kaya napatingin rin ako doon at napabuntong-hininga upang mapakalma ang sarili ko.

Bigla namang pumasok sa isip ko ang sirena. " ang sirena nasaan siya?"

"Ayos na siya, naroon siya sa mahiwagang bukal. Tayo na at para magamot ng bukal ang sugat mo" tumango nalang ako at nagpatangay nalang sa kaniya.

***
Tumambad sa akin ang napakagandang bukal na may asul at makinang na tubig. Napapalibutan ito ng mataas at berdeng mga puno at mga ibat-ibang ibon na malayang lumilipad sa langit.

Tinuon ko ang pansin sa bukal at doon ko nakita ang sirena. Wala na itong galos at sugat masigla na rin ito.

"Amaris!" Masayang tawag nito sa akin ngumiti ako sa kanya at unti-unti kong hinubad ang aking bestida at botas upang makaligo rin.

Maingat kong nilublob ang katawan ko at dumampi sa balat ko ang malamig na tubig. Pinikit ko ang mga mata ko at nilasap ang masarap na pakiramdam.

. "Amaris" mahinang tawag sa akin ng sirena kaya minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha.

Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. "May problema ba-" di ko matuloy ang sasabihin ko dahil di ko alam kung anong itatawag sa kanya.

"Felisha" patuloy niya sa sasabihin ko 'sana' "wala, nagulat lamang ako sa iyong ganda Amaris" nakangiting usal nito kaya pagod akong ngumiti sa kanya. "Salamat" yon nalang ang nasabi ko at muling pinikit ang aking mata upang makapagpahinga.

***

Sakabilang banda naman ay ang pag-uusap ni Frey at ng sirena gamit ng kapangyarihan nito sa kanilang mga utak upang di marinig ni Amaris ang kanilang pinag-uusapan.

"Naging kulay pula ang mata niya mahal na prinsepe" mabilis na lumapit ang binata sa puwesto ng sirena at nakita niyang maamong nakapikit ang dalaga.

"Di parin ba niya alam ang tunay mong pagkatao?" Doon na nabaling ang atensyon ng binata sa sinabi ng sirena at madilim itong tinignan.

"At wala akong balak ipaalam ito hangga't wala pa siya sa tamang edad reyna Felisha" pilit na lamang ngumiti ang sirenang kanilang tinulungan na isang palang reyna . "Kung yan ang iyong nais kamahalan..... Kailanganko ng umalis, paalam kamahalan." sabi ng sirena at tuluyan ng umalis gamit ang isang mahika.

***
Sa muli kong pagmulat ay nabaling ang atensyon ko sa lalaking katabi ko at nakapikit ring nakalublob sa tubig. "Frey" anas ko sa pangalan niya "hmm" ungol niya na nakapikit parin.

"Umuwi na tayo" sa sinabi kong iyon ay siyang pagmulat ng itim nyang mga mata at tinitigan muna ako ng mabuti na para bang pinag-aaralan ang reaksyon ko. "Frey" tawag ko rito kaya Umahon ito at nagsalita siya ng isang mahika upang matuyo ang aming damit. Umahon din ako upang makapagbihis na.

Unpredictable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon