Nagpupuyos ako sa galit habang nakaupo. Lahat sila ay masama ang tingin sa prinsepeng nagpanggap na si kamahalan. Yes! Hindi totoong emeperador ang nag-utos na bitayin si Lyncoln kundi ang walang hiyang prinsepeng si Zuriel. The emperor is out of town at sa kanya lamang ito nagpaalam bilang kanang kamay nito at dahil isa't kalahating gago siya nagpanggap siyang emeperador using his magic."Gago ka! Anong pumasok sa isip mo at nagpanggap kang si kamahalan! Pinag-utos mo pang patayin si Lyncoln! At anong test?!" Sigaw ni Cyver sa kanya.
Di ito sumagot at bumalik muna sa kanyang totoong anyo. "I was just doing my job" simpleng sagot nito at pinatong pa ang paa sa ibabaw ng mesa at mariing pumikit.
"He threaten the princess Cyv, hindi pwedeng manahimik ako, I'm in charge of that girl's security and about the test..... It's my own business" kalamado nitong sabi.
"But it is not your job to give that fucking order to kill him! He is your friend!" Sigaw naman ni Cyver.
Nagulat ako nang bigla itong tumayo at masamang tinignan si Cyver. "Wala akong kaibigang mamamatay tao!" Mariing sabi nito at lumabas ng silid.
Katahimikan ang namalagi sa silid. Walang ni isang nagsalita o umimik man lang.
"Damn it!" Pagmumura ni Cyver at lumabas rin ng silid, sumunod din ang mga prinsepe sa kanya, nakita ko pang sumulyap si Raidon sa akin bago ito lumabas. May naiwan namang prinsepeng natutulog dito.
Tulala naman akong nakaupo rito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin o saan pupunta.
Tinitigan ko prinsepeng natutulog at napabuntong hininga. I need to wake him up. Lumapit ako sa kanya at mahinang niyugyog ang balikat niya.
"Hey"
Minulat nito ang kanyang mata at nagtataka akong tinitigan. "What" malamig na sabi nito kaya nag-aalinlangan akong sabihin na umalis na ang mga prinsepe.
"Ah-eh kasi- u-umalis na yung mga kasama mo..."
"So?" Taas kilay na tanong nito sa akin.
"H-hindi kaba aalis din?" Takhang tanong ko rito. Umayos ito ng pagkakaupo at nilibot ang kanyang tingin kaya nilibot ko rin ang tingin ko.
Tumikhim siya kaya mabilis na nalipat ang atensyon ko sa kanya. "Lyncoln hate girls so much because of what happen a year ago that's why he did that to you....." Biglang sabi nito na siyang kinagulat ko. I didn't expect that he will tell me this things.
"I'm Xymon by the way" nilahad nito ang kanyang kamay kaya mabilis ko itong tinanggap. "Amaris" pakilala ko naman. He has a cold and hard hand. I wonder what is his magic?
"And Zuriel is mad because Lyncoln accidentally killed his sister" doon na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Lyncoln and Zera love each other at dahil hindi tanggap ng pamilya nila Zuriel si Lyncoln tinakas niya ito but unfortunately that time ay hinabol sila ng kalaban at natamaan niya ng kapangyarihan niya si Zera and the rest is history." Mahabang paliwanag nito habang hawak parin ang kamay ko at di binibitawan.
That was tragic but that is not enough reason to kill me! Dahil lang sa babae ako ay papatayin niya na ako?! What a psycho!
"And the test..... It's not true Gawagawa niya lang iyon. Ang main agenda niya talaga ay patayin si Lyncoln but unfortunately pinigilan mo. He like you kaya niya sinabing nakapasa ka sa pagsubok bilang asawa niya..." He like me?! How?
"How-"
"I know my friend well princess..... trust me. Gusto ka niya and I can see it. I'm just explaining things to you para aware ka sa mga nangyayari. Alam kong gulong-gulo ka na" at that binitawan niya na ang kamay ko at naglakad palabas na parang wala itong sinabi sa akin.
BINABASA MO ANG
Unpredictable Love
FantasiaIto ang mundong puno ng pighati at pasakit, mundong puno ng kakaibang nilalang. Mundong puno ng takot at kabihasnan. Mabubuo ang isang di inaasahang pag-iibigan. Hindi hadlang ang isang propesiya para sa taong nag-iibigan ngunit ano ang magagawa ni...