Ako si Amaris Nakhti Levesque at dito magsisimula ang aking magulong kwento.
" Ina! Aalis na po kami ni Frey!" Paalam ko sa aking butihing ina. Nakangiti naman itong tumango sa akin at nag patuloy sa kanyang ginagawang orasyon.
Nakangisi naman akong sinalubong ng aking kababatang si Frey. "Ihanda mo na ang sarili mo sa ating mabigat na trabaho Amaris" pagpapaalala nito sa akin at agad na umakbay.
Agad akong napasimangot sa sinabi nya, "parati akong handa Frey pero hindi pa rin ako sanay" nagtatrabaho kami upang makatulong sa aming magulang pero hindi maatim ng sikmura ko kung paano nila kami tratuhin bilang alipin. Pinapalo, sinisigawan, sinasaktan, at kung ano ano pang paghihirap ang dinadanas namin sa trabaho. Hindi man namin gusto ang ginagawa sa amin ay wala kaming pagpipilian kundi ang maghirap para makaraos sa kahirapan. Hindi rin kami makapagsumbong dahil agad kaming mawawalan ng trabaho na ayaw kong mangyari.
Tahimik kaming nalakbay hanggang maabot namin ang isinusumpa kong lugar. Halos ma durog ang puso ko sa aking nakikita, batang pilit nagtatrabaho at tinatanggap ang bawat hampas ng latigo ng mga walang pusong taong iniisip lang ay pera at kapangyarihan. Maaga akong namulat sa buhay sa labas ng palasyo. Mga prinsesa at prinsepeng nabubuhay sa marangyang pamumuhay samantalang ang sinasakupan nila ay naghihirap. Paano nila nasisikmura ang ganitong gawain? Sila nagpapakasarap sa pera ng bayan habang ang mga taong ito ay naghihirap? Mga walang puso. Di ako sukay akalain na wala silang ginagawang aksyon para dito.
Di ko na kayang makitang nahihirapan ang walang muwang na bata mismo sa aking harapan o kahit sinong tao paman. Nasasaktan ako pag nakikita ko ito. Napakabigat sa dibdib.
"Magnanakaw kang alipin ka!"
Halos takbuhin ko na ang batang nilalatigo at niyakap ko ito para ma protektahan. Napapikit nalang ako nang maramdaman ko ang sakit at hapdi ng paghampas ng latigo sa balat ko. "Tumabi kang alipin ka!" Naggagalaiti nitong sigaw at nilatigo nanaman ako.
Mabilis akong dinaluhan ni Frey at sandaling pinatigil ang lalaki. "Amaris" tawag ni Frey at agad akong hinawakan sa braso ngunit nag pumilit ako at mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa batang umiiyak. "Frey! Tulungan mo ako" lumuluhang tugon ko rito. Umiling lang ito sa akin at pilit akong inilalayo sa bata.
"Ayusin mo ang kasama mo alipin!" Agad na humingi ito ng tawad at yumuko sa harap na syang ikinanganga ko.
Hinila nya na ako paalis at halos ilang beses akong napumura dahil sa rito. Nagpupumiglas ako pero wala akong laban sa lakas ni Frey hanggang sa tuluyan ko ng mabitawan ng umiiyak na bata.
"Ate!ate!!" Halos nagkapiraso piraso ang puso ko sa pagmamakaawa ng bata. Wala akong magawa! Bakit ba ang hina hina ko?! Ang hina ko!! Ang bigat sa pakiramdam! Bakit halos lahat nalang ay ganito ang nakikita at nanasakihan ko sa impyernong mundong ito? Pasakit at paghihirap, luha at pighati, away at patayan. Bakit napakalupit ng mundo bakit walang ginagawa ang mga nakakataas laban dito? Bakit?!
Hindi!...hindi dapat nila ito nararanasan dapat ay naglalaro sila ngayon dapat ay di nila ito nararanasan. Hindi dapat.
"Frey" pagmamakaawa ko ngunit umiling lang ito sa akin. "Ayaw kong masaktan ka Amaris" mas umagos pa ang mga luha ko. "Tama na, ayaw kong pati ikaw ay masaktan Amaris" malakas ko syang sinampal.
"Gumising ka Frey! Paano? Bata lang siya! Walang magliligtas sa kanya bata siya! Bata! Kung kaya mong makitang nasasaktan ang batang yon pwes ako hindi! Hindi ko kayang sikmurain ang ginagawa nila! Nasasaktan ako Frey! Nasasaktan ako!"
BINABASA MO ANG
Unpredictable Love
FantasyIto ang mundong puno ng pighati at pasakit, mundong puno ng kakaibang nilalang. Mundong puno ng takot at kabihasnan. Mabubuo ang isang di inaasahang pag-iibigan. Hindi hadlang ang isang propesiya para sa taong nag-iibigan ngunit ano ang magagawa ni...