Kabanata 10: Pain

457 13 0
                                    


Wala sa sarili akong nakaupo habang nakasubsob ang mukha sa lamesa. Maaga akong ginising ng mga tagapagsilbi dahil may mahalagang sasabihin daw si Cyver.

"Morning" napaayos ako ng upo nang marinig ko ang baritonong boses ng isang prinsepe.

Umupo ito sa harap ko at nakapanglumbabang tinitigan ako ng mapupungay nitong mata. Mukhang kagigising lang niya.

"Ah- hi!" Awkward kong bati dahil nakatitig lang siya sa akin. "M-may dumi ba ako sa mukha?" Nagtatakang tanong ko rito.

Nagulat ako nang tumayo ito at hinila rin ako patayo at mahigpit na niyakap.

"H-hoy! A-ano ba! Zuriel!" Nagpupumiglas ako ngunit mas lalo lang niyang hinihigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"Just five minutes..... P-please" umiiyak na sabi nito. Ramdam na ramdam ko ang pag-alog ng balikat niya at pagbasa ng balikat ko dahil sa luha niya. Di ko naman alam ang gagawin kaya nanahimik nalang ako at hinayaan siya.

Inalo ko nalang siya at niyakap pabalik pero mali ata ang ginawa ko dahil mas lalo lang itong humagulgol ng iyak. Dapak! Anong gagawin ko?!

"Ahm- may problema kaba?" Natanong ko nalang. Mariin akong napapikit nang na realize ko ang tinanong ko. Gaga! Syempre meron umiiyak nga diba?!

Nanlaki ang mata ko nang biglang pumasok si Raidon at nakita kami sa ganong posisyon. Nagmamadali ko siyang tinulak sa pagkakataranta pero mas humigpit ang yakap niya sa akin.

"Ahm- may tao!" Pagpupumilit ko pero di siya gumalaw, nakayakap parin siya sa akin. "Please" pagmamakaawa nito.

Tinignan ko si Raidon at nakakuyom ang kamao nito habang nakatiim-bagang kaming tinititigan. Tinaasan niya ako ng kilay at inirapan bago umalis sa harap namin at naupo sa pwesto niya.

Di na ako nakatiis at buong lakas ko siyang tinulak at tumambad sa akin ang namumugto nitong mata at pulang ilong. "Damn it!" Bulong ko dahil nakaramdam ako ng guilty sa ginawa ko, hindi dahil sa tinulak ko siya kundi dahil Pakiramdam ko niloloko ko si Raidon kahit hindi naman. Ano ba ito!!!

Naupo nalang ako sa sobrang pagkairita sa sarili ko. Naiirita ako dahil na giguilty ako kahit hindi naman dapat! Wala akong dapat ipag-alala! Wala! Tandaan mo Amaris may mahal na siyang iba at hindi ikaw yon!

Naupo si Zuriel sa tabi ko kaya agad na lumipad ang tingin ko kay Raidon. Madilim ang tingin nito sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin. Kinikilabutan ako sa titig niya!

Katahimikan ang namayani sa buong silid hanggang sa nagulat ako nang biglang bumulong sa akin si Zuriel.

"Sorry, Nanaginip lang ako ng masama" yun lang ang binulong niya at hindi na nasundan, sasagot na sana ako sa kanya nang nagsipasok naman ang ibang mga prinsepe.

Ang maingay nilang pag-uusap at pagtatawanan ay nawala nang madatnan nila kaming tatlong tahimik at awkward ang paligid. Isa-isa silang nagsiupo sa kani-kanilang pwesto habnag nakatuon ang pansin nila sa amin.

"Zuriel, pwesto ko yan ah!" Sabi ng isang prinsepe at kung di ako nagkakamali ay si Xymon.

"Palit nalang tayo" nakangiting sabi naman ni Zuriel. Kung kanina ay nakakaawa ito ngayon naman ay nakangiti na ito ng malapad.

Unpredictable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon