Kabanta 5: Identity?

586 11 0
                                        


Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Tumambad sa akin ang gwapong mukha ng kaibigan ko.

"Maligayang kaarawan" masayang bati nito at marahan akong hinalikan sa noo.

Masaya naman akong napangiti sa kanya. "Ang akala ko ba walang magaganap na kaarawan ngayon?"

Nagkibit balikat lang siya kaya tumalim ang tingin ko sa kanya na ikinatawa lang niya. Di ko sila maintindihan kung kagabi lang halos mag-away-away kami dahil rito pero ngayon binabati nila ako ng maligayang kaarawan. Ganon rin si ina at tita dahil abala sila sa paghahanda ng aming ihahanda para sa kaarawan ko.

Wala na akong balak pa buksan ang usapan kagabi ayaw kong masira ang araw na ito.
"Anak" naiiyak na tawag sa akin ni ina kaya mahigpit ko siyang niyakap. "Ina" marahan kong hinaplos ang likod niya. "Bakit ho kayo umiiyak? Dapat po diba ay masaya kayo?"

Di siya sumagot at mas lalo pang naiyak. "Mukhang malalayo kana ng tuluyan sa akin anak"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni ina kaya kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya. "Ano bang sinasabi nyo ina?" Mas humagulgol pa siya ng iyak. Kaya hindi ko siya maintindihan. Eto nanaman ang pag-iyak niya ng hindi ko alam ang dahilan. Heto nanaman siya sa pananahimik niya na kahit kailan hindi ko nagustuhan at hindi ko magugustuhan.

"G- Gusto mo malaman ang lahat hindi b-ba? Na-nangako ako anak, kaya ngayon ko sasabihin ang lahat" lumuluhang sabi nito. Kumabog ang dibdid ko dahil sa sinabi ni Ina. Di ko siya makapaniwalang tinignan.

Oo masaya ako ngayon dahil sasabihin na nila ang sikretong tinatago nila pero di ko magwang maging masaya gayong nakikita ko si inang lumuluha sa harap ko at nahihirapan. Ganon ba kabigat ang sikretong tinatago nila? Kahit ako ay may masamang nararamdaman sa sikretong ito. Dapat ko ba talaga itong malaman at pakinggan? Gusto ko mang malaman pero sa pakiramdam ko masama lang maidudulot nito sa akin.......sa amin! Pero dahil sa kuryusidad ko pikit matang tumango ako kay ina.

Malalim na bumuntong hininga si Ina at tinignan niya si tita Ches na parang humihingi ng permiso dito. Mahina namang tumango si tita na naluluha na rin.

"Anak...... isa kang itinakda ng goddess realm upang pumuksa ng mga masamang nilalang rito sa mundo natin. Isa kang prinsesa ng kalangitan anak. Ikaw ang nasa propesiyang pupuksa sa mga masasamang demonyo at sa kanilang pinuno."

Manghang tinitigan ko si ina. "Ina ano po bang pinagsasabi niyo? Inuuto niyo nanaman ako no?" Natatawang sabi ko rito ngunit mariin na umiling ito sa akin at seryoso akong tinignan.





" Nahihibang na po ba kayo? Paano ako naging itinakda? May palatandaan po ba kayong isa akong itinakda?! Ina simpleng mamamayan lamang ako ng bayang ito na mahina at walang kapangyarihan! Anak niyo ko at hindi isang itinakda!" Biglang sigaw ko. Nahihibang na sila! Hindi pwedeng maging isa akong itinakda! Mahina ako! Ni wala nga akong kapangyarihan! Paano ko mapapatay ang malulupit na nilalang sa mundong ito?! Lalo na ang isang demonyo? Ni Wala akong alam sa pakikipaglaban!

"Anak makinig ka, meron kang kapangyarihan at lumabas na ang kapangyarihang iyon. Naaalala mo noong nanaginip ka tungkol sa batang namatay at kamuntikan nang pagkamatay ni Frey? Totoo yun anak, totoo ang lahat hindi yon panaginip" nahihirapang sabi nito habang umiiyak.

Doon ako tuluyang nanghina. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Totoo yun? Kung ganon may namatay nga? May namatay! At ang mas masakit ay mismong ina ko ang sumaksak sa akin?!

"Paano nyo nagawang saktan ako?!" Singhal ko sa kanya tuluyan na akong lumuha. Oo matatanggap ko kung iba ang sumaksak sa akin dahil isa akong halimaw noong araw na yon pero  sarili kong ina! Sarili kong ina! Sarili kong ina mismo ang may gawa!

Unpredictable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon