HER PROPOSAL

1.4K 20 3
                                    

Maejesty: Guys sorry kung may KissWard submarines dito sorry po sa characters hindi ko ma change, hindi ko alam kung asan na yung save buttons. First, its not really for KissWard, as you can see para to kay Baby Camilla (just Love FifthHarmony) but later on KissWard sending me a lot of Kiligs so ibibigay ko nlng ito sa kanila. 


---------


"Lupre!"

Dali-dali kong isinuot ang aking eye glasses at hinanap ang isang pares ng aking tsinelas.

"Lupre ano ba!" muling sigaw ni Nanay.

Napakamot ako sa ulo. "Sandali po!"

Yumuko ako para hanapin ito sa ilalim ng aking kama.

Ah ayun! Ginawang unan ng alaga kong pusa. Ginapang ko ito para makuha.

"Lupre! Ano ba yan! Yung bisita mo naiputan na ng Adarna, naging bato na!"

"Narito na!"

Bago ako lumabas ng kwarto, pinasadahan ko muna ang imahe ko sa salamin.

Ay oily na ang face ko inabot ko ang aking baby powder. At sinuklay ang aking buhok.

Bago pa muling tumalak si Nanay ay bumaba na ako. Sino ba kasi ang bisita? At tanghaling tapat nandidisturbo.

Pagkakita ko sa bisita ko daw, bigla akong tumalikod.

"Priel!" tawag nya na ikinangiwi ko.

Huminto ako pero hindi ko sya hinarap.

"Priel naman, harapin mo nga ako." kahit hindi ako humarap alam kong nakanguso na naman ito.

"Nag aaral ako, Chammy..." sabi ko.

"Ano kaba, dalawang araw lang pahinga natin sa school tapos aral ka parin ng aral!" umikot ako para tingnan ito.

Biglang lumaki ang ngisi nito. "Ano kaya kung...."

"Kung?" udyok ko para ituloy nito ang sasabihin.

"Ako nalang ang aralin mo? Hayaan mo sisiguruhin kong mape-perfect mo ako...ako kaya si Miss Perfect.." ngumiwi ako sa sinabi nya.

Napatampal ako sa noo. "Umuwi kana at mag aral Chammy, Kung nakakalimutan mo bagsak ka kahapun sa long test."

Pabagsak itong umupo sa sofa at nag cross arms. "Alam mo bang sinadya ko yun?"

"Huh?"

"Oo, sinadya kong mabokya sa test...narinig ko kasi si Papa noong sabihin nya kay Tan-tan na pag zero ito sa test bibilhin nya ito tag bente...isa."

"Ano?! kaya ka ba zero sa lahat ng long test buong linggo?!" hindi makatinging tumango ito ibang klaseng babae.

Nakatingin lang ako ng masama dito. "Ilan ang zero mo?"

Nag-angat ito ng tingin sakin at may tumulong luha sa mga mata. Bigla akong nataranta at nilapitan ito.

"Hoy, wag ka nga umiyak dyan! Hindi naman kita inaano ah." alo ko dito.

"A-ang t-tanga..hik..hik..t-tanga ko." sabi nya.

"Huh? Bakit naman?"

"Iba pala ang qualifications ni Papa sakin." naguguluhan akong napatitig sa kanya. "Alam mo naman na top sa klase si Tan-tan, kaya d-nare sya ni Papa kong kaya nya ang ma zero natapos ang buong linggo ni isang mali wala kang makita sa test paper ni Tan-tan. Teka kuha mo ako tubig." sabi nya.

Kaya tumayo ako at dumiretso sa kusina. Pagbalik ko inabot agad nito ang baso at inubos isang lagukan lang.

"Tapos, tuwang-tuwa ako kasi magkakapera na ako 24 test kaya ang zero ko pero noong binigay ko ito kay Papa ang sabi nya ang dapat ko daw gawin para bilhin nya ang mga test result ko ay dapat ma perfect ko ito..." pag kukwento nito na parang bata.

"Yun naman pala, kaya umuwi kana at mag aral para sa sunod na linggo ma perfect mo na." nakakainis ang katangahan nito.

"Ayoko Priel, maligo nalang tayo sa ilog." niyugyug pa ako sa balikat.

"Umuwi kana at mag aral dahil mag aaral din ako." tumayo ako at naglakad na papunta sa hagdan.

"Sige na Priel...maraming gwapo dun!"

"Tsk. anong akala mo sakin bakla?" humakbang ako unang baitang.

"Maraming may crush sakin dun..sige ka.."

Humakbang ulet ako. "I dont care, hindi kita Girlfriend."

Nasa huling baitang na ako at nagsalita sya ng. "Nandoon ang Abs ng ating University Star player Andrie Go!"

Hahakbang na sana ako ng matalisod ako. "ARAY!"

"Huh?! sabi na nga ba! Di daw sya bakla! Pero nakadinig ng Abs natatapilok!" buska nya.

Tiningnan ko ito ng masama. Nginisihan lang ako nito.

"Hindi. Ako. Bakla!" i said.

"Ganun?!"

"Oo, ganern!" napatakip ako sa bibig ko.

Parang pasko ang mukha ni Chammy. Napakaliwanag nito parang nakikita nya si Santa naparating with his magic sliegh ang boxes of boxes of gifts.

"Kung ganern nga!" sabi nya. "Para mapatunayan na hindi ka bakla!"

"Ano? Bakit kailangang patunayan..tsaka baliw ka ba? You know me, kilala mo ang pamilya ko..At walang bakla sa lahi namin!" sigaw ko sa kanya na hinihilot lang ang paa kung natisod.


"Ah, dami mong sinasabi bakla!" sya.

"Bruha ka! Hindi ako bakla!" ako.

"Ah basta bakla ka!"

"Hindi nga!"

"Bakla"

"Hindi nga sabi eh!" naiinis kong sabi.

"Shatap!"

"HUH?"

"SHATAP AND BE MY BOY!" malakas na sabi nya.

Nakikita ko na si Santa eh, napatid sa puno ng cactus! Bumagsak sa lupa, kinain ng lupa!

Nababaliw na sya...Hindi kami talo ni...


"CHAMILLA ANIKA SUMPIL!!" nang gigigil kong sigaw.

"YEY! MGA KAPITBAHAY!" dumiretso ito palabas at nagsasayaw.

"MGA KAPITBAHAY DI NA AKO MAPAKALI NGAYONG ARAW MAGBABAGO ANG LAHAT, HATID NI SANTA MAY BOYFRIEND NA AKO!" napasubsob nalang ako.

"Aba'y sino ang Boyfriend mo Cha?" tanong ng kapitbahay.

"Si AZLUPRE GUADALUPE po!" sagot ni Chammy.

AYAYAYAY!



****

MAEJESTY






SHUT UP AND BE MY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon