FLASHBACK (1 year Ago)
Aliana's POV.
Nagkukumahog ako papasok sa Brent Academy na pinapasukan ko.Late na naman ako.Paano kasi,nag-yaya ang bestfriend ko na si Natalie na mag-shopping all day and movie marathon all night dahil matagal-tagal uli bago kami magkita.
Babalik na kasi s'ya ngayong araw na 'to sa Europe dahil napagdesisyunan ng parents nya na dun na mag-migrate para mag-focus sa Business nila sa London at para na rin mabantayan ang pagpapagamot ng bunsong kapatid ni Natalie na merong Leukemia.
Nakakalungkot lang isipin na simula na rin sa araw na 'to,wala na ako'ng bestfriend na makakasama sa School na 'to.I'm all alone now in this School.
Wala kasing sinuman ang gustong lumapit sa akin upang makipagkaibigan dahil sa isip nila,nakakatakot na magkamali sila sa akin.
Bakit nga ba hindi sila matatakot sa akin?
Prinsesa ang turing nila sa'kin dito kasi daw COO ako as in Child Of the Owner!
Natatakot daw sila na baka isang maling galaw lang agad nila,ay baka makarating din daw agad kay Daddy at mauwi sila sa expel!
Nangyari na kasi yun mula nung may nakipagkaibigan sa'kin at s'ya ang napagbintangang nag-nakaw ng phone ko nung High School kami at agad s'ya pina-expel ni Daddy.
Pero dahil na rin kahit papaano may mga tao pa ring may kunsensya,may agad ding umamin kung sino talaga ang nag-nakaw,isang linggo makalipas mula nung nangyari ang expalsion.Nagawa lang naman daw nya yun dahil nagseselos daw s'ya kay Jordan dahil crush daw nya ako at di ko daw s'ya pinapansin everytime na mag-aabot s'ya sa'kin ng flowers,chocolates,love letters at kung ano-ano pa na never ko naman tinanggap.
At dahil dun,pina-expel sya ni Daddy.Hindi lang basta expel,pinadagdag pa na ipa-block sa lahat ng Universities dito sa Pilipinas.
After ko malaman yun ,agad ko pinuntahan ang isang malapit na village kung saan nakatira si Jordan upang pakiusapan s'ya na bumalik na sa Brent dahil alam na ni Daddy kung sino ang talagang nagnakaw.Pinakiusapan ko rin si Daddy na tatanggapin muli naming si Jordan sa school at agad naman sya pumayag.
Ngunit hindi yun nangyari dahil nung puntahan ko ang bahay nila,iba na ang nakatira.3 days na daw mula nung ibenta sa kanila ni Jordan ang bahay at agad na lumipad papuntang Canada para dun na magsimula ng panibagong buhay.
Pinalaki kasi ako ng magulang ko na kuntento sa kung anumang bagay na meron ako.In other words,hindi nila ako pinalaking Dakilang Spoiled Bratinella at isa yun sa minahal ko sa magulang ko.
Nasa ganung isipan ako nung narealize ko na kanina pa ako tinatawag ni Mommy na kasalukuyang nasa tabi ko dito sa kotse.
"Sweety,kanina pa kita kinakausap.May problema ba?Andito na tayo sa School nyo"sincere na tanong sa'kin ni Mommy nung mahalatang malalim ang iniisip ko.
"Ah,wala Mommy.Iniisip ko lang kung paano ko idedeliver yung report ko sa Management Subject namin.You know,super strict ni Ma'am Ancheta kahit alam n'yang anak ako ng Boss n'ya."and that's what we call White Lie dahil ayoko namang mag-alala si Mommy once na malaman n'ya na iniisip ko na naman ang nakaraan ko at sasabihin na naman n'ya ang famous line n'ya na "Move forward to the future!"
Lagi n'ya yan sinasabi kahit sa harap ng Company Clients naming.Higit lalo sa akin.
"I should go,Mom.May ipapasa pa kasi ako kay Sir Delos Santos para sa Foundation Day next month."sabi ko nung pagkalabas ko sa kotse at isinara.Nakita ko pang binuksan ni Mommy ang car window.
BINABASA MO ANG
Life with the BadBoy Husband
RomancePaano kung malaman mo na may Fiancee ka na pala kahit wala ka pa man din sa sinapupunan ng iyong ina? Paano rin kung ang Lalaking itinakda nila para sa'yo ay isang Dakilang Badboy? Paano rin kung ang Dakilang Badboy na 'yun ay ang mismong kaaway mo...