LWTBBH 18

981 21 0
                                    


Aliana's POV

Pasado alas-onse na ng gabi nang makauwi kami ni Axl sa hindi ko kilalang lugar pero pagmamay-ari pa rin ng mga Wu.Paano ko nalaman?Nakalagay kasi sa mga gate ng mga bahay dito kung sino ang may-ari ng bawat bahay.

Kanino nakapangalan ang tinutuluyan namin ngayon?

Kay Mr.Axl&Mrs.Aliana Wu lang naman <3

Binili n'ya daw ang property na 'to bilang pansamantalang Sanctuary namin dito sa China.

"Tayo lang dito para atleast solo natin ang isa't-isa.Pinauna ko na dito 'yung mga gamit natin.Nalimutan ko magpabili ng 1week groceries natin,bukas ko na lang sasabihan 'yung driver natin—"Paliwanag nito sa'kin habang inaayos ang mga maleta namin papunta sa magiging kwarto namin.

At iisa pa rin ang kwarto,as usual.

"Tayo na lang mag-grocery bukas.Total,hapon pa naman 'yung seminar natin."Pag-volunteer ko.

Sa totoo lang,1 day seminar lang naman ang gaganapin.1 day para sa mga graduating and 5 days for the rest kaya naman may 4 days kaming vacation.

"Are you sure?Ayaw mo ba'ng mag-shopping tayo total 'yun ang stress reliever n'yong mga girls?"sabi n'ya saka ako sinamahan papunta sa magiging kwarto namin.

"Iisa lang ang kwarto?"saka ako umupo sa pinaka gilid ng kama at abala na pinagmamasdan ang buong laki ng kwarto.

Nasa 2nd floor ang kwarto na 'to at ang kasunod naman ay ang rooftop.Hindi ko pa nalilibot ang buong bahay pero sa tingin ko naman,maayos naman dito

Napakalaki ng kwarto na ito kumpara sa kwarto namin sa Condominium.Kunsabagay naman kasi,village naman 'to at Condominium naman 'yung tinutuluyan namin sa Pilipinas.

Hindi ko alam kay Axl kung bakit mas gusto n'ya sa Condo lang.Kasi kung ako ang tatanungin,ayaw ko ng akyat-baba mula 1st floor hanggang sa unit namin na 44th floor pa.Kamusta naman 'yun?

Dyahe pa kapag brownout,napipilitan ako gumamit ng hagdan makauwi lang sa unit namin.Haggardness overload ang peg ko 'nun.

"Hayaan mo pag magkakaroon na tayo ng Baby,ipaparenovate ko agad 'yung rooftop para gawing 3rd floor at 'yun ang magiging nursery room at playroom ni Axl Junior."saka s'ya naupo sa tabi ko at nginitian pa ako.

"Paano kung babae?Axla Juniora?"

"Kapag babae,syempre isusunod natin sa pangalan mo.At kung babae man,sisiguraduhin ko'ng hindi s'ya makakalabas ng bahay para walang manligaw sa kanya."sabi n'ya pa na tila ba sinasabi sa'kin na walang karapatang sumaya ang magiging anak namin kung sakaling babae ang magiging panganay namin.

Kuh,hindi ako makapapayag 'noh!Anak ko rin 'yun at susuportahan ko s'ya sa kung ano'ng gusto n'ya gaya ng pagsuporta sa'kin ng Mommy ko!

"At bakit bawal maexpose sa labas at sa mga tao ang magiging anak natin kapag babae?Ang unfair mo ha!Sayang ang ganda ng lahi n'ya."at inirapan ko s'ya

"Uy...Gusto n'ya rin magkaanak kami kaya ganyan s'ya ka-protective..."panunukso n'ya sa'kin saka tinutusok-tusok pa ang tagiliran ko kaya naman nakiliti ako.

At ako naman,todo-iwas.

"Like duh!Sabi mo nga,mag-asawa na tayo at di malayong mangyari 'yun lalo pa magkatabi tayo lagi matulog!Malay ko naman kung maisipan mo'ng gahasain ako nang hindi ko nalalaman at magugulat na lang ako na isang araw,buntis na pala ako diba?Sa ganda ko'ng 'to?Kaya ka nga na-fall sa'kin e."

Life with the BadBoy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon