LWTBBH 21

901 19 0
                                    

Aliana's POV.

"Magpapaalam na rin muna ako,Bessy.Papunta kasi kami ng Group namin sa Sichuan para sa isang Festival at mamaya na ang biyahe namin papunta dun.Tawagan mo lang ako if ever na awayin ka nitong asawa mo.3 sila ng Friends n'ya na magkakampi,iisa ka lang."Paalala ni Natalie sa'kin habang nasa labas na kami ng gate.

Tinignan naman s'ya ng asawa ko ng masama kay Natalie dahil na rin sa sinabi ng bruha na 'to at umakbay sa'kin.

Napabuntung-hininga na lang ako.Pikunin kasi eh.

"Bestfriend mo kaya ang nag-aaway sa'kin!Napaka selosa pa---"agad s'ya napatigil nang tingnan ko s'ya ng masama at nginitian na lang ako.

"Oh s'ya sige.Ingat ka Nat ha.Tawagan mo na lang ako kapag nandoon na kayo para hindi na ako mag-alala."at nagbeso-beso kaming dalawa at naglakad na s'ya paalis pero nakatingin pa rin samin ni Axl.

"Hoy Axl,alagaan mo Bessy ko ha!Saka please lang,madaliin n'yo na 'yung inaanak ko!"tatawa-tawa n'yang sabi at napailing na lang ako.

Kahit kelan talaga 'tong mga taong nasa paligid ko,halos lahat naghihintay ng magiging anak ko!Bakit hindi sila ang mag-anak total sila naman 'yung nag-eexpect eh!

Matapos umalis ni Natalie,sabay na kami pumasok ni Axl sa loob ng bahay.Napansin naman n'ya na hindi ko s'ya kinakausap mula nung nararamdaman ko na parang may tinatago sila sa'kin ng Friends n'ya.

Hmp.May pasecret-secret pa.Wala na ba ako karapatang malaman ang secrets n'ya total naman asawa n'ya ako.It's my right to know everything,di'ba?

"Hey,kanina mo pa ako di kinakausap ah?Dapat ngayon palang,binubugbog mo na ako para malaman kung ano 'yung sasabihin dapat kanina ni Xander..."Pagbabasag n'ya sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Agad naman s'ya naupo sa isang sofa at ako naman ay sa kabilang sofa at isang coffee table ang nasa pagitan naming dalawa.

Nagcross-legs ako at tinaasan s'ya ng kilay.

"Yun na nga eh.Pinatigil mo s'ya sa pagsasalita.May dapat ba akong malaman,AXL SLATE WU?!"In-emphasize ko talaga 'yung pangalan n'ya sa harap n'ya mismo para maramdaman n'ya ang pagka-curious ko.Pero gulat ang bumakas sa mukha n'ya.Ikaw ba naman ang pagtaasan ng boses,ewan ko na lang."Plano n'yong mambabae dito sa China kaya sila nakasunod dito,ano?!"

"Cookie naman.Andito si Xander for...their...company project and si Hendrix,bakasyon s'ya dito and as for me,it's no further use kung mambabae pa ako dito kung alam ko naman na kasama ko na ang pinaka maganda at pinaka sexy'ng babae sa buhay ko."sabi n'ya at lumapit sa pwesto ko saka naupo sa arm-rest ng archair na kinauupuan ko at niyakap pa ako.

"At plano rin sana namin na sana makapunta tayo sa Wedding nina Matt at Stacey na gaganapin sa Beijing.But before that,umattend rin daw tayo sa Wedding Shower nila total pinagbawalan ni Stacey si Matt na magpa-stag party at alam ko rin naman na hindi mo ako papayagan dun.Bukas na 'yung pa-wedding shower nila.Stacey wants you there."

"Mabuti naman at alam mo na hindi ako papayag.At teka,ayos lang sa'yo na umattend tayo dun?Hindi ba,AFFECTED ka pa sa past n'yo ni Stacey?She's your First Love,eh."Tanong ko sa kanya at diniin ang salitang affected.

Dun ko kasi malalaman kung may effect pa rin sa kanya ang past nila ni Stacey though alam ko naman na kahit kailan,hindi na sila magkakabalikan pa.

And I saw his reaction.He's smiling.

"No one really knows who's Stacey in my life before.Yeah,she's my first love and I loved her before.But that's 5 years ago already,My Lady."Pagbibigay assurance ni Axl sa'kin and he gave me a kiss on my forehead.

Life with the BadBoy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon