Aliana's POV.
Inis na inis ako'ng dumating sa Classroom naming dahil sa mga nangyari sa School Corridor.Ginigigil ako ng lalaking yun!Pwes ipapamukha ko sa kanya na ako ang COO at isang hamak na estudyante lang s'ya sa school na 'to.
Dire-diretso ako'ng pumunta sa pinaka dulo ng mga upuan dahil yun ang pinili ko'ng spot na para sa'kin.Actually,mag-isa lang ako sa hilerang yun katabi ang dalawa pang upuan.
Naupo na ako sa upuan ko at nilagay ang Hermes Bag ko sa katabi kong upuan.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mga irereport ko nung dumating na ang Prof naming na si Mrs.Ancheta.
At dahil wala ako sa mood,hindi ako tumayo para batiin s'ya ng Good Morning dahil una sa lahat,there's no good in my Morning!Everything was ruined!
"Class,I have an important announcement."Agad na nagbulungan ang mga kaklase ko at naririnig ko na iniexpect nila na baka walang pasok.
Walang pasok,mukha nila!Bakit mawawalan ng pasok e wala namang Holiday or Bagyo?!
"Class,hindi muna natin itutuloy ngayon ang report nyo for this week dahil may transferee at para naman maging fair kay Ms.Monteverde na walang partner sa reports n'ya."sabi ni Mrs.Ancheta na nagpataas ng kilay ko.
"Ge,ipamukha mo pa.Bukas asahan mo'ng wala ka nang trabaho."Banta ko sa kanya.Aba kahit s'ya ang pinaka strict na Prof ng Brent at kung ganto ang mood ko,wala ako'ng sasantuhin!
"Ms.Monteverde,I want you to meet your partner in my subject.He's from Xavier University."Nakita ko'ng naglakad pa sya papunta sa pinto para pagbuksan yung transferee na kasalukuyang kumakatok.
Nagulat pa ako nung Makita kung sino ang pumasok.Actually,pati classmates ko na nakakita ng bangayan namin kanina.
"Ikaw?!"Tumayo pa ako at dinuro s'ya.
Agad naman sya lumingon sa'kin.
Guwapo sana,pangit naman ang ugali.
"Oh,it's you again."May pag-smile pa sa'kin ang lalaking 'to.Inirapan ko lang s'ya.
"I'm Axl Slate Wu,nice to meet you everyone."narinig ko ang mga tilian ng malalandi ko'ng kaklase.
'Ang Guwapo pala talaga ni Axl sa personal,ano?Akala ko talaga sa newspapers ko na lang talaga s'ya makikita!'
'Na-love-at-first-sight ata ako sa kanya!'
'Nakita ko na ata ang soulmate ko!'
Napailing na lang ako sa mga bulungan ng mga malalandi na 'to.Tsk.Sayang ang binabayad na tuition ng mga magulang nila tapos paglalandi lang pala ang aatupagin sa school ko!Kung sana yung ibabayad nila dito sa Brent,idonate na lang sana nila sa mga Batang di makapag-aral dahil sa Financial Problems.
"Itigil n'yo na nga 'yang kalandiang nasa isip n'yo!Andito kayo para mag-aral,hindi para mag-boyfriend!Pag-aaral ang atupagin n'yo,mga buwiset!"asik ko sa kanila dahil naaawa ako para sa mga Magulang ng mga babaing 'to.
"Mr.Wu,you can now take your seat beside Ms.Monteverde since she's your partner in my subject.Or should I say,partner in life."and I heard him chuckled.
Pasensya sila,may fiancée ako at hindi ang lalaking katabi ng mamahalin ko'ng Bag.
Habang nagti-take notes ako ng mga pinag-aralan naming,iniisip ko kung ano ang itutulong sa'kin ng Axl na 'to sa report naming.
Total ayoko magpagod na naman,may naisip ako'ng paraan para s'ya naman ang mahirapan.
Nilabas ko ang folder na naglalaman ng reports ko at inilapag ng pasalampak sa desk nya.
BINABASA MO ANG
Life with the BadBoy Husband
RomancePaano kung malaman mo na may Fiancee ka na pala kahit wala ka pa man din sa sinapupunan ng iyong ina? Paano rin kung ang Lalaking itinakda nila para sa'yo ay isang Dakilang Badboy? Paano rin kung ang Dakilang Badboy na 'yun ay ang mismong kaaway mo...