LWTBBH 5

1.3K 19 0
                                    

Aliana's POV.

Nakarating kami ni Axl sa isang lugar kung saan pupuwedeng manood ng mga star sa langit habang nakaupo lang sa bench

Hindi ko malaman kung bakit dito n'ya ako dinala.

Ah,baka walang budget pang-date?

Di bale na,maganda rin naman yung lugar.Nasa tabi ng isang lake tapos nakaupo lang kami sa bench habang nanonood ng stars.

"Bakit ka nga pala hindi tumutol sa arranged marriage?For sure,may mas malalim kang dahilan."Tanong ko sa kanya habang nakatingala kami sa langit.

"Siguro,crush mo ako kaya hindi ka tumutol nung nakita mo'ng ako yung ka-arranged marriage mo?"

"Sira.Ang swerte mo naman kung crush kita no."

"Hindi masamang umamin.Samantalahin mo na habang nasosolo mo pa ako."Panunukso ko sa kanya."At saka,bakit dito mo ako dinala?Wala ka ba talagang sweet bone sa katawan?Wala kang naiisip na paraan para mahulog sa'yo ang Crush/Future Wife mo?"

"Dito kita dinala kasi dito,tahimik.Mapagpaplanuhan natin ang lahat.Unahin na natin ang Family Plan---"Hindi na n'ya natuloy ang sasabihin n'ya nang mabatukan ko s'ya.

"Ituloy mo 'yan.Talagang lulunurin kita d'yan sa lake!"Pagbanta ko sa kanya.

"Eto naman,ang dami pang arte eh dun din naman ang patutunguhan natin.S'yempre sa una,hahayaan nila tayo na mabuhay on our free way dahil nga nasa College pa tayo.Then after Graduation,maiisip nila na nakakainip na wala nang Baby sa Pamilya.Uunti-untiin nila tayong kukulitin about sa progress natin at aalamin kung may Baby na 'yang tiyan mo kaya dapat lang na pagplanuhan na natin ang magiging Pamilya natin."

"Wow naman,ang advance mo naman mag-isip!Sino naman may sabing magkakaroon tayo ng anak e maghihiwalay din naman tayo in the future?E di kawawa rin 'yung Baby?Mag-isip ka nga at saka I won't give myself to you.I'm warning you now Boy,it will never ever happen!"Pagpoprotesta ko sa kanya.

Totoo naman,bakit ko naman hahayaang ibigay ang sarili ko sa kanya at ipagbuntis ang anak n'ya kung alam naman naming maghihiwalay din kami dahil hindi naman namin gusto ang isa't isa?Ayokong lumaki ang magiging anak ko sa isang Broken Family.

"Aba,ikaw pa ang lugi sa'kin?Guwapo naman ako,mayaman.Lahat ng pinapangarap n'yong mga Babae sa isang lalaki,nasa akin na."

"Bahala ka nga d'yan.Mag-Family Planning ka mag-isa mo!"akmang tatayo na sana ako nang hawakan n'ya ang braso ko.

Napatingin naman ako sa kamay n'ya na nakahawak sa braso ko.

"Naman 'to,nagjo-joke lang eh.May plano kasi talaga ako kaya ako pumayag sa gusto nila kahit alam kong ayaw ko sa idea nila na ikasal tayo."

Muli akong umupo sa tabi n'ya upang makinig sa mga maaaring dahilan n'ya.

"Gusto ko'ng patunayan sa lahat ang sarili ko lalong-lalo na sa isang taong nanakit sa'kin.Gusto ko iparamdam sa kanya ang panghihinayang."

Nagulat pa ako sa dahilan n'ya.Mukhang may pinagdadaanan ang mokong na'to ah.

Pero loko s'ya.Balak yata ako gawing kasangkapan n'ya sa paghihiganti n'ya.

"So gagawin mo ako'ng panakip butas,ganon?Ikaw,may mapapala tapos ako wala?"reklamo ko sa kanya.

"Kahit ano'ng gusto mo,susundin ko and I will make sure that you'll feel heaven hangga't kasal tayo."Pagbibigay pa n'ya ng assurance sa'kin.

"Installment 'yung school projects,presentations,power points and reports saka natin pagplanuhan 'yang gusto mo."and I winked at him.

Today is Saturday.Weekend.Sabado.Rest Day.

Life with the BadBoy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon