Aliana's POV
(After 7 Months:Vancouver Canada.)
Kabuwanan ko na.Ilang araw na lang,makikita ko na ang mga anghel ko.
Ayon sa ultrasound,Triplets ang mga anak ko pero hindi ko na inalam pa ang gender.Dahil ang gusto ko,malalaman ko 'yun oras na ipinanganak ko na sila.
"Nakaisip ka na ba ng gusto mo ipangalan?" Untag sa akin ni Natalie na s'yang nagbibitbit ng mga pinamili ko habang si Hendricks naman ang nagtutulak ng Pushcart na puno ng gamit ng baby na puro Neutral lang naman.
Marami ang laman ng pushcart at puro sagot 'yun ni Hendricks.Sa una pa lang,alam ko nang magiging magaling na Ninong 'to e.Hindi pa man din nakakalabas ang mga anak ko,nabilhan na n'ya ng mga Gifts.
"Wala pa.Basta ang alam ko,may Monteverde at Wu sa mga pangalan nila." Walang gana ko'ng sagot sa tanong n'ya.Tinignan naman ako ni Natalie na para ba'ng hindi s'ya pumapayag."E ano'ng gusto mo?Ipagdamot sa mga anak ko ang apelyido nila?"
"Bes,hindi naman sa ganon.Nakakapagtaka lang.Ayaw na ayaw mo na kay Axl tapos ipapagamit mo pa ang apelyido n'ya.Basta pag Boy ah,dapat may Darren ang name." Psh.Kahit nasa tabi lang n'ya ang Boyfriend n'ya,wala talaga s'yang pakialam.Ang importante palagi sa kanya,ay ang Crush n'ya na si Darren Chen.
"Kung maka-request ka na Darren ang ipangalan,parang wala ang boyfriend mo dito ah." Reklamo naman ni Hendricks at napatawa kami ni Natalie dahil sa kanya.
"Huwag ka naman mag-selos HoneyBee ko,ikaw lang naman ang 'The One' ko e." Sabay pinulupot ni Natalie ang kanyang braso kay Hendricks.Napailing naman ako.
"Respeto naman sa Single dito.Nananadya kayo ah." Pagbibiro ko."Oh s'ya,una na kayo sa pupuntahan n'yo.Ako na uuwi sa bahay mag-isa."
"Sure ka Bes?Kung gusto mo,ihatid ka na muna namin?" Suhestiyon ni Natalie pero umiling lang ako at kinuha na ang mga pinamili namin.
"Hindi na.Baka ma-late pa kayo sa pupuntahan n'yong Wedding.Nakakahiya naman sa ikakasal." Pag-protesta ko at tinulak na ang push-cart na kanina ay tulak ni Hendricks kaya wala na silang nagawa nung iwan ko sila.
Habang tulak ko ang mga pinamili namin,nakaramdam ako ng sakit ng balakang ko.Ilang araw na 'to.Sign siguro na malapit na ako manganak tapos kagabi lang,nakaramdam ako ng 10-15 minutes na pagkirot ng tiyan pero nawala din agad.
Patawid palang ako nang nakaramdam na naman ako ng pagkirot ng tiyan.Pero this time,mas masakit s'ya kesa sa naramdaman ko kagabi pero binalewala ko lang saka ako sumakay ng Cab at tinulungan naman ako ng Driver na ipasok sa Compartment lahat ng pinamili ko.
Habang nasa biyahe kami,pansin ko na kanina pa may nakasunod na Cab sa amin.Siguro kapitbahay lang kaya pareho ang dinadaanan namin.Hindi naman kasi ako close sa mga kapitbahay ko kaya hindi ko alam kung sino ang sakay 'nung nakasunod na Cab.
Nang makarating na kami sa bahay na tinutuluyan ko,tumigil rin ang Cab na nakasunod sa amin pero hindi ko na 'yun pinansin dahil umatake na naman ang sakit ng tiyan ko.As in super sakit.Para akong mamamatay sa sakit na nararamdaman ko ngayon.Ito na ata 'yung contractions.
Hanggang sa naramdaman ko na lang na may umaagos nang tubig sa hita ko nang makaalis na ang Cab na sinakyan ko.
"Sabi ko na nga ba,dapat talaga hindi ka namin iniwan e.Mabuti na lang kinulit ko si HoneyBee na i-check ka muna namin dito." Biglang dating naman nina Natalie at Hendricks at tinulungan ako'ng makapasok sa Sasakyan nila.
Habang nasa biyahe kami,patuloy pa rin ang pagsakit ng tiyan ko.Anytime,lalabas na ang mga anak ko.
Akala ko,katulad lang ng normal na pagsakit ng tiyan ang contractions.Mas malala pa pala 'to.
Namalayan mo na lang na nasa harap na kami ng Hospital at sinalubong naman kami ng mga nurse at inilagay nila ako sa stretcher habang nakasunod naman sina Natalie at Hendricks.
"Kaya mo 'yan Bes ha?Andito lang kami.Kung gusto mo,sasama ako sa loob." Umiling lang ako.Alam ko kung gaano katakot sa dugo itong si Natalie.
Baka hindi pa man din ako nakakapanganak,mahimatay na s'ya.
"Bes naman eh...Paano kung may mangyari sa'yo tapos di mo ako kasama?"
"Okay lang ako.You know me,I'm strong." Inis na sabi ko sa kanya.
"Ma'am,Sir,hanggang dito na lang po kayo sa labas." Rinig ko'ng sabi ng Nurse kina Hendricks at Natalie saka ako ipinasok sa loob ng Delivery Room.
(After almost 3 hours.)
Nagising na lang ako na nasa loob ng isang kulay puti na kwarto.Lahat,puti ang makikita.As in.
Nasa Langit na ba ako?
Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita ko si Mommy na hawak ang isang baby at nakita ko naman ang dalawa pang babies na nasa crib at mahimbing sila na natutulog.
Napalingon naman ako kay Kuya Allen na noo'y mahimbing rin na natutulog.
Sakto naman na pagtingin ko sa may pintuan,bumukas ito at niluwa sina Kuya Jordan,Hendricks,Matthew,Stacey,at Natalie na may mga dala pa na mga balloons at mga prutas saka sila nagpasabog ng confetti.
"Congrats!" Sabay-sabay nilang bulong nang makita nila na may natutulog na babies sa crib.
Uupo pa sana ako pero kumirot ang sugat sa bandang ibaba ng katawan ko.Agad din namang lumapit si Kuya Jordan at Mommy para alalayan ako.
"Wag mo piliting tumayo,Bes.Ikaw talaga oh.Mabinat ka pa." Panenermon sa akin ni Natalie at inilapag ang Hospital Bag ko at ang tatlong baby bags.
Inilapit naman sa akin ni Mommy ang baby na bitbit n'ya.
"Ito 'yung bunso mo.Lalaki silang lahat." Saka n'ya ibinigay sa akin ang Baby Bunso ko na gising na gising at gumagawa ng mumunting ingay na para bang may sinasabi s'ya.
"Hey there,Little Axl---" lahat naman ay napatingin kay Stacey lalo na ako.
"Little Axl ka d'yan?" Sabay bato sa kanya ni Natalie ng nadampot n'yang tissue."Huwag ka nga magmura d'yan."
"Eh ano gusto n'yo?Little Aly e puro lalaki 'yan?" Well,she do have a point.
"May naisip ka na ba'ng ipapangalan?" Sabat naman ni Hendricks dahilan para matigil na sa pag-aasaran sina Natalie at Stacey.
Nakaisip na talaga ako ng pangalan noon pa.Ilang buwan ko inisip ang magiging pangalan kapag boys ang mga anak ko.Ang gusto ko kasi,malapit sa pangalan namin ni Axl whether they like it or not.Ako ang Nanay,ako ang magdedesisyon.Ako ang batas.
Alex (Aliana) Sky (Slate)
Axrael Skyie (Axl)
Aldrich (Aliana) Sloat (Slate)"Alex Sky,Axrael Skyie and Aldrich Sloat." Simpleng sagot ko habang nilalaro ang bunso ko na si Aldrich."No more buts."dagdag ko nang makita ko pa na mukhang aangal pa sila.
Tatlong araw pa bago ako na-discharge sa Hospital at pinauwi na kami ng Doctor kasama ang mga anak ko.
Nagkaroon pa ng simpleng salo-salo sa bahay bilang pa-welcome sa Triplets ko.
Sana ganito na lang palagi kasaya.
Pero alam ko sa sarili ko na darating ang araw,muli kaming magkakaharap.
BINABASA MO ANG
Life with the BadBoy Husband
RomancePaano kung malaman mo na may Fiancee ka na pala kahit wala ka pa man din sa sinapupunan ng iyong ina? Paano rin kung ang Lalaking itinakda nila para sa'yo ay isang Dakilang Badboy? Paano rin kung ang Dakilang Badboy na 'yun ay ang mismong kaaway mo...