Aliana's POV.
"Andito na pala ang mag-asawa e."salubong sa'min ni Xander kasunod si Hendrix at tinulungan ang asawa ko na kunin ang dalawa naming backpack sa compartment ng Taxi.Hindi ko na nga namalayang nag-aagawan sa backpack ko si Axl at Xander.Busy kasi ako sa pagtitig kay Stacey hanggang sa matunaw s'ya sa harap ko.
Kung nakakamatay lang talaga ang pagtitig,siguro kanina pa 'to pinaglalamayan at nasa top news ang pagkamatay n'ya.
"Akin na kasi ang bag ng asawa ko!Walang sinuman may karapatan humawak sa asawa ko kahit pa sa mga kagamitan n'ya!Ako lang!"
Tss.Tuluyan nang nabaliw sa'kin.Napangiwi na lang ako.
"Huh!Baka kapag hinawakan ko ang asawa mo at inagaw ko sa'yo,iyak ka Bro!"sabi pa ni Xander.
Nilingon ko naman si Xander dahil sa sinabi n'ya.Nakita ko naman na tatawa-tawa pa ito nang makita ang reaction ko kahit hindi naman nakakatawa!
"Xander,below the belt ka na."awat naman ni Matt sa mga kaibigan nang mapansin n'ya siguro na napapahigpit na ang hawak ko sa Hermes Bag ko.
Tss.If I know,ngayon na s'ya tinatamaan ng konsensya n'ya.Mabuti naman.
Sandali kaming napatahimik dahil kay Matt hanggang sa nabigla na lang ako dahil sa paghablot ni Axl sa braso ko at hinila ako papasok ng Hotel.
"Tama nang dalawang beses lang ako naagawan ng Girlfriend ng mga tinuri ko'ng kaibigan.Hindi ko hahayaang pati ang asawa ko,maagaw sa akin."
Nawindang naman ako sa mga sinabi n'ya.Hindi dahil dun sa huli n'yang sinabi.Kundi sa nauna na n'yang sinabi.
w-what?
Dalawang beses?
E si Stacey lang naman ang alam kong ex n'ya?
Meron pa?
Bakit hindi ko alam?
Bakit hindi man lang n'ya sinabi?
>.<
Nakarating na lang kami sa Room namin na sobrang tahimik.Wala ni isa sa amin ang nagtatangkang mag-salita.
Kapag gantong may taong naglilihim sa'kin,hindi ko talaga kinakausap.Para nila akong pinagtaksilan o parang hindi pinagkakatiwalaan.
Alam ko'ng masyadong mababaw para magtampo ako ng ganito pero di ba,karapatan ko rin naman malaman ang past n'ya?Para naman kahit papaano maging aware ako.
Andito ako ngayon,nakaupo sa gilid ng upuan habang s'ya nakatayo sa harap ko at mukhang hinihintay na ang interrogation ng isang Prosecutor Housewife n'ya.
'Aly,can we talk?For the two of us lang sana.Girl to girl talk.Andito ako ngayon sa Sauna.'Basa ko sa message ni Stacey sa messenger.
Total naman,kailangan ko mag-unwind,mag-relax,perfect na ang sauna para gumaan naman ang pakiramdam ko.Tatayo na sana ako nang hinawakan ni Axl ang magkabilang balikat ko at pinaupo muli.
Tinignan ko naman s'ya ng masama.'Yung tingin na binigay ko sa kanya nung unang beses kami magkita sa school.
"Lalabas ako.Ano ba problema mo?"tumayo pa ako at tiningalaan s'ya at nag-cross arms ako,sign na malapit nang uminit ang ulo ko.
Nakita ko naman na napabuntong-hininga s'ya.Inismiran ko na lang s'ya.
"Alam ko galit ka.Nag-seselos ka ba dahil sinabi ko na dalawang beses ako naagawan ng girlfriend?At pangatlo ka sa kanila?"
"Pang-anim na to be exact!Wag mo kakalimutan na may dalawa kang Lola,isang nanay at DALAWANG EX-GIRLFRIENDS.At saka bakit ako magseselos?Galit ako sa mga taong masyadong malihim kahit sa sariling asawa!"sigaw ko sa kanya saka dali-dali ako lumabas ng room namin at tinungo ang daan papuntang sauna kung saan naghihintay ang First Love ng magaling ko'ng asawa.
Nag-eexpect ako ng explanation sa bruhang 'to dahil nararapat lang na mag-explain s'ya para naman maliwanagan na ako.
Dumiretso muna ako sa restroom para magsuot ng pangtapis sa katawan.Matapos ko magpalit ay nilagay ko muna sa locker ang mga damit ko at pumunta na sa kinaroroonan ng witch.
Nadatnan ko naman s'ya sa room at mukhang kanina pa s'ya nagpapainit dito.Agad naman ako naupo sa tabi n'ya upang magpainit na din.
"Of all places,bakit sauna pa?"Pagbasag ko sa katahimikang pumapalibot sa'min.Kaya lang naman ako nagpunta ng sauna ay para mag-relax.Hindi para mabuwiset kakahintay ng mga sasabihin n'ya.
"I know,threatened ka sa'kin.Don't worry,wala ako'ng balak agawin sa'yo si Axl because I already have this."turo n'ya pa sa tiyan n'ya sabay himas dito."At mahal na mahal ko ang ama ng batang 'to."
"Oh,dapat na ba ako ma-touch?"I took a glance at her tummy.Medyo halata na 'yung baby bump n'ya."Congrats.'Yan lang ba sasabihin mo?Saka,bakit naman ako mati-threatened sa'yo?Mas maganda ako kesa sa'yo noh."
"Kung talagang maganda ka,bakit di ka naging artista?"
"Bakit?Lahat ba ng magaganda,dapat maging artista?"Pamababara ko sa kanya saka inirapan."Enough of those craps.Ano ba talaga ang pino-point mo?"
"Babalik si Diana,this year."Napalingon naman ako sa sinabi n'ya.Sino'ng babalik?Diana?Who the hell is she?
Kung sinuman s'ya,pakialam ko kung babalik s'ya this year?E hindi ko naman s'ya kilala.E di bumalik s'ya!
"So?Pakialam ko sa kung sinong Diana na 'yan?E di bumalik s'ya.Hindi ko naman s'ya kilala e."I said as I took a sip on my wine.
"Kahit bumalik s'ya sa buhay ni Axl?"
Napatigil ako sa pag-inom ko sa wine ko sa sinabi ng bruhang katabi ko.
Loka 'to ah.Ano 'to?Bring back the past?
Now,I got curious.
Who's that Diana ba?
Sino s'ya sa buhay ng asawa ko?
"She's the ex-girlfriend that Axl can't get enough.Ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo,daig ng malandi ang maganda."sabi n'ya saka ito tumayo at iniwan ako'ng nakatulala sa kaiisip ng mga rebelasyong gumulantang sa'kin ngayong gabi.
But after all,bakit naman ako mati-threatened?Dugong Monteverde ako at s'ya ang dapat na ma-threatened sa'kin.
BINABASA MO ANG
Life with the BadBoy Husband
RomancePaano kung malaman mo na may Fiancee ka na pala kahit wala ka pa man din sa sinapupunan ng iyong ina? Paano rin kung ang Lalaking itinakda nila para sa'yo ay isang Dakilang Badboy? Paano rin kung ang Dakilang Badboy na 'yun ay ang mismong kaaway mo...