Aliana's POV
[Kinabukasan]
Maaga pa lang,nakapag-ready na ako ng breakfast naming mag-asawa.Hindi ko maiwasan mapangiti pag naaalala ko 'yung surprise n'ya sa'kin kagabi.Sabi n'ya pa,si Xander at Hendrix ang magsu-supervise nun at next week na nila sisimulan ang paggawa sa magiging bahay namin.
Sinabi n'ya rin na balak n'ya sana na ipakita sa'kin ang lugar na 'yun once na natapos na ang bahay kaya lang daw hindi daw s'ya makatiis.Baka daw kasi hindi ko magustuhan ang magiging resulta ng bahay.
Okay na rin sa'kin na sinabi n'ya sa'kin ang mga 'yan dahil ayaw ko naman atakihin ako sa puso kung saka ko na lang makikita at malalaman ang plano n'ya e di sayang naman ang effort n'ya kung mamamatay lang din ako dahil sa sobrang pagka-surprise.
Maaga nga pala kami ngayon.Dapat 10 a.m palang,nasa simbahan na kahit 11 a.m pa naman ang simula ng Binyagan.
"Sure ka ba na sasama ka sa simbahan?Alam mo na,ayoko naman ma-biyudo ng maaga." Untag sa'kin ni Axl na noo'y katatapos lang mag-shower at kasalukuyang inaayos na ang suot n'yang white polo shirt.
Napaisip naman ako sa sinabi n'ya.Bakit naman s'ya mabi-biyudo dahil lang sa pagsama ko sa simbahan?
"Wag na lang kaya tayo umattend?Nag-aalala ako para sa'yo."
"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya habang busy ako maglagay ng mga niluto ko na ulam at kanin sa Dining Table namin pati na ang mga plato,kutsara at baso.
"Alam mo na,para lang sa mababait na tao ang Simbahan.Mamaya n'yan malusaw ka pa kapag pumasok ka pa sa simbahan."
"Ya!Wag ka mag-alala.Oras na mangyari 'yun,hindi ako nag-iisa.Isasama kita dahil wala ka naman pinagkaiba sa'kin." Sabi ko sa kanya at tinawanan lang n'ya ako."Halika na,kakain na.Kung ano-ano na lang ang pinagsasabi mo."
~
10 a.m na nang makarating kami sa simbahan at kasalukuyan palang nag-mimisa.Siksikan ang tao sa loob ng simbahan kaya naman nakatayo lang kami dahil wala nang bakanteng mauupuan.
Of all Churches,bakit ba naman kasi Antipolo Cathedral pa ang napili nina Jared at Vivien?Alam naman nila na crowded ang lugar na 'to.Tourist attraction pa at napaka laking simbahan.Hindi naman sa ayaw ko dito pero s'yempre marami ang makikiusyoso sa binyagan.Syempre pa,alam ko na maraming nakasunod na paparazzi sa'kin.
Nasisiguro ko na bukas,nasa Front Page na naman kami ng asawa ko.Wala naman bago dun eh.Lagi sila updated sa mga kaganapan sa buhay ng mga Monteverde at Wu.
"Oh andito na pala kayo.Mamaya magsisimula na ang binyagan.Halikayo,dun tayo sa harap.May reserved seats dun para sa mga bibinyagan at sa mga Ninong at Ninang." Sabi sa amin ni Vivien nang makita n'ya kami sa entrance ng simbahan.
Sumunod kaming dalawa ni Axl at naupo sa pinakaharap,sa mismong harap ng altar.Uupo na sana ako sa isang bakanteng pwesto ng upuan nang mapansin ko kung sino ang makakatabi ko.
Si Jordan.
Oo alam ko ilang taon na ang nakalipas pero masama pa rin ang loob ko pero ano ang magagawa ko?E sa ito ang nararamdaman ko e.
Atleast di'ba,nagpapakatotoo ako kesa magbait-baitan or sabihin na nating magpaka-plastic.Totoo lang talaga ako sa sarili ko.#Humble101.
"Nakatayo ka lang d'yan?Wala kang balak umupo?" Untag sa akin ni Axl nang mapansin n'yang hindi pa ako umuupo.
Alam n'ya kasi na ako 'yung tipo ng tao na ayaw napapagod,nangangalay,pinaghihintay.
"Pauupuin mo ako sa tabi ng isang tao na mismong nagsabi na magtitiwala s'ya sa Bestfriend n'ya at hinding-hindi n'ya 'to iiwan?" Pagpaparinig ko sapat na para tumama kay Jordan.
BINABASA MO ANG
Life with the BadBoy Husband
RomancePaano kung malaman mo na may Fiancee ka na pala kahit wala ka pa man din sa sinapupunan ng iyong ina? Paano rin kung ang Lalaking itinakda nila para sa'yo ay isang Dakilang Badboy? Paano rin kung ang Dakilang Badboy na 'yun ay ang mismong kaaway mo...