LWTBBH 6

1K 16 1
                                    

Aliana's POV.

Isang oras din kami bumiyahe bago kami nakarating sa Hotel nila.Naipit na naman kasi kami sa Traffic na 'yan.

Pesteng traffic,hindi na mawala-wala sa mundo!

Agad ako inihatid ni Axl sa VIP Room para simulan nang ayusan ako at umalis din kaagad para maging hands-on sa preparation ng Party n'ya.

Dalawang oras na lang pala at magsisimula na ang Party n'ya.

I looked around all over the room.Habang pinagmamasdan ko ang room,napadako ang tingin ko sa higaan na kung saan nakalatag ang jewelries and jelly shoes.

Wow,alam na alam ni Axl ang taste ko!

Habang busy ako na tingnan at obserbahan ang mga ito,nagulat na lang ako nang may biglang pumasok.

Isang matandang babae nan aka-wheelchair kasama ang isang private nurse at Hotel Staff na may bitbit na malaking kahon.

"H-hi.Sino po sila?"alanganin ko'ng tanong sabay kaway sa kanila.

Mukhang Chinese 'yung matanda at mukhang masungit.Napalunok tuloy ako ng wala sa oras.Feeling ko mahihimatay ako anytime dahil sa lakas ng dating n'ya!

"Tunay nga'ng napaka ganda mo sa personal,Ms.Monteverde.I'm Celeste Chen-Wu.I am Axl's Grandmother."

Nanlaki naman ang mata ko sa pakilala n'ya sa'kin.

Grabe.Parang puzzle pala ang Family Tree ni Axl.Ngayon,alam ko na kung saan n'ya namana ang 'masungit look' n'ya!

"Nice to meet you po."saka ako lumapit at nag-mano sa kanya.

"Axl was very lucky to have you as his fiancée.Nandito ako para sana Makita ka ng personal at iabot sa'yo 'to"Tinuro n'ya pa ang hawak ng Hotel Staff nila ang isang malaking box at inilagay sa ibabaw ng kama."I personally designed that one for my future Granddaughter-in-law.I hope you'd appreciate it."

Ewan ko ba pero parang natutuwa ang puso ko dahil for the first time,may nagbigay sa'kin ng bagay na pinaghirapan nila mismo.

Yung mga natatanggap ko kasi na gifts,bili nila at halos lahat ng ibigay nila ay meron na ako or kaya ko namang bilhin.

"Papapasukin ko na ang mag-aayos sa'yo Hija and Congratulations."sabi pa nito at iniwan nila ako'ng nakatanga sa room.

Congratulations?!

Feeling ko tuloy,may mangyayaring kakaiba mamaya!

3rd Person's POV.

Habang abala ang lahat sa pag-aasikaso sa Function Hall kung saan gaganapin ang Party,si Axl naman ay mukhang balisa at busy sap ag-mememorize ng proposal speech n'ya.

Oo,magpo-propose s'ya at nakalinya 'yan sa plano n'yang pag-ganti dahil nabalitaan n'yang ila-live coverage sa USA ang Party n'ya dahil kasulukuyang nakabase sa USA ang ex-girlfriend n'ya.

Nalaman din n'ya na ngayon din gaganapin ang unexpected engagement party nila dahil narinig n'ya ang pag-uusap ng parents n'ya na mas lalong nagpangiti sa kanya dahil umaayon ang lahat sa plano n'ya.Dadagdagan na lang n'ya ng kaunting twist dahil invited din sa naturang event ang mga reporters mula sa iba't ibang network.

At magpopropose s'ya kay Aliana para gawing makatotohanan ang lahat.

"Sir,may gusto pa po ba kayo idagdag sa mga segments natin?"tanong sa kanya ng event coordinator sa kanya.

"Yeah.Ibigay mo 'to sa kanya."saka n'ya inabot ang papel.Napaghandaan na n'ya lahat ng gusto n'yang mangyari sa Party n'ya.

Nanlaki ang mata ng coordinator n'ya nang mabasa nito ang nilalaman ng papel.

"Magpo-pro---"

"Shh!I want you to took care of that privately.Ikaw na ang bahala d'yan.Sabihan mo rin 'yung emcee at Music Staff.Oras na bigyan kita ng sign,pabaguhin mo 'yung Music Background.Okay?"

"Yes,Sir!"saka umalis ang coordinator.

Sa lagay ngayon ng binata ay mahahalatang kinakabahan s'ya.

Hindi naman n'ya mahal ang ka-arrange marriage n'ya ngunit bakit ganon na lang s'ya kabahan?

"Ganito siguro talaga kapag magpo-propose kahit nag-aawayan kami.Hays.Bahala na nga.Kung di lang talaga s'ya darating e."sabi ng binata sa sarili at nag-pasya nang pumunta sa entrance ng venue upang salubungin ang kanyang mga bisita.

Ang party n'ya ay dadaluhan lang naman ng bigating personalidad mula sa Business Industries,Pulitiko,at maging ng mga artistaLingid kasi sa kaalaman ng mga dadalo sa party na s'ya lang ang nag-iisang tagapagmana ng mga Wu at Dela Torre.

Sa edad n'yang 19,marami na s'yang napatunayan sa larangan ng negosyo.S'ya kasi ang pinaka batang big time stock holder sa buong Asya dahil sa laki ng naipon n'ya sa Stock Markets.

Dahil sa titulo n'yang 'yun,marami ang nag-cover sa kanya na business magazines at mga diyaryo.Hindi lang Good Looks ang namana n'ya sa kanyang mga magulang,kundi maging ang pagiging business minded din ng mga ito kaya naman ganung kalakas ang naging impact n'ya sa negosyo nila.

Habang abala s'ya sa pag-entertain ng mga naunang bisita,napansin n'yang nagkakagulo ang mga reporters sa labas dahil sa pag-dating ng kanilang huling bisita.

'Yung tipong magkakaroon ng stampede sa labas ng Hotel nila dahil sa hindi magkamayaw na fans ng huling bisita.

At dahil alam n'ya kung sino 'yun,lalo lang s'ya napangiti dahil hindi n'ya lubos maisip na personal na masasaksihan ng huling bisita na ito ang kanyang pag-propose...sa ibang babae.

Nang mapansin n'yang kaharap na n'ya ang huling bisita kasama ang escort nito,nginitian lang n'ya ang mga ito.

"Long time no see...Stacey and Matt."at nag-smirk pa s'ya sa mga ito.

OMG.Who's Stacey and Matt in Axl's life kaya?!


Life with the BadBoy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon