3rd Person's POV.
"Long time no see...Stacey and Matt."
"It's been 5 years since we've last met,Axl."Ngiti sa kanya ng babaeng si Stacey Marquez.
Si Stacey Marquez ay ang artistang ex-girlfriend ni Axl na diumano nang-iwan sa binata upang ipagpalit sa kasama nitong si Matthew Gonzales,ang ex-bestfriend naman ni Axl.
"Hindi na sana kami aattend dahil alam ko'ng may galit ka pa sa'min.As your ex-bestfriend,concern pa rin naman ako sa'yo.Pero mas concerned ako kkung hindi tayo kumpleto dito."mayabang na sabi nung Matt.
Dahil sa pagkainis ni Axl sa sinabi ng kanyang ex-bestfriend,binaling n'ya ang tingin sa iba upang hindi ipahalata ang pagkainis n'ya.
"Para ka namang ewan.Alam mo naman na matagal na ako moved-on sa inyo.Ikaw lang naman 'yong hindi na nagpakita pa.Saka dude,alam mo naman kung kanino 'tong revenge ko."ngisi ni Axl kay Matt at tinapik pa ang balikat nito.
Ewan n'ya ba n'ya kay Matt kung bakit hindi na ito nagpakita man lang e patatawarin naman n'ya ang kaibigan dahil Bestfriend n'ya ito.
Dahil naibaling n'ya ang kanyang tingin sa hagdan,napansin n'ya ang isang dalaga na pababa rito.Oras na para ipakilala sa kaibigan ang kanyang mapapangasawa.
Halos lahat ng bisita ay nakatingin sa Dalaga na pababa ng hagdan.
"She's here,Gonzales..."sabay alis nito upang salubungin ang kanyang fiancée.
Aliana's POV.
Natapos na ako mag-ayos ng aking sarili sa tulong ng aking secretary.Late na s'ya dumating dahil s'yempre pa,traffic na naman sa daan.Palagi naman eh.Ano nga ba'ng bago dun?
"Ma'am,napaka ganda n'yo!Angat kayo sa lahat sa bisita!Sigurado,taob lahat ng mga artista na invited sa event na 'to!"sabi n'ya habang may kinukuha sa loob ng isang paper bag.
"Eto nga po pala 'yung necklace,Ma'am."sabay abot nito sa'kin at agad ko naman itinago sa purse ko.
"Dahil d'yan,expect your salary increase.Ipapa-implement ko na lang kay Daddy."sabi ko and I flashed ang big smile."Medyo maganda kasi mood ko dahil feeling ko,may kakaibang mangyayari tonight."
"Ayan,ganyan Ma'am!Always wear your best smile!Hindi bagay sa isang matulunging katulad n'yo ang laging naka-poker face e."sabi pa nito at tiningnan ang relo n'ya."Ma'am,tara na po.Baka magsimula na po 'yung party."
Tumayo na ako saka lumabas ng kwarto.
Habang pababa ako ng hagdan,mistulang nakakita ng anghel ang mga bisita ngunit di ko 'yun masyado pinansin dahil hinahanap ko 'yung mokong.Dahil bukod sa puro empleyado lang ang kilala ko dito,s'ya lang ang lagi ko'ng nakakasama keysa sa ibang bisita na nandito ngayon
And there I found him,staring at me.
Agad rin naman n'ya ako sinalubong sa dulo ng hagdan na naging dahilan upang magbulong-bulungan ang mga tao.
'Kapag 'tong dalawa na 'to ang nagkatuluyan,Wu at Monteverde na ang mga magiging pinaka malakas sa mga negosyo natin.Madali na lang sa atin ang talunin ang mga kalaban'
'Siguradong marami na namang investors ang lilipat sa mga Wu at Monteverde.Maraming investors,mas maraming pera ang maipapasok!Hanga talaga ako sa mga angkan na 'yan!"
Yan ang mga bulung-bulungan nila kung bulungan man ang tawag do'n dahil rinig na rinig ko sila.
Pagkasalubong sa'kin ni Axl,agad n'yang in-offer ang kanyang braso upang umangkla sa kanya.Napataas naman ang kilay ko dahil sa ginagawa n'ya.I crossed my arms.
BINABASA MO ANG
Life with the BadBoy Husband
RomancePaano kung malaman mo na may Fiancee ka na pala kahit wala ka pa man din sa sinapupunan ng iyong ina? Paano rin kung ang Lalaking itinakda nila para sa'yo ay isang Dakilang Badboy? Paano rin kung ang Dakilang Badboy na 'yun ay ang mismong kaaway mo...