Aliana's POV
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo ngayon sa isip ni Axl.Basta ang alam ko,hila-hila n'ya ako at ako naman ay nagpapahila na lang papunta sa lugar na hindi ko alam.
"Dito tayo."sabi n'ya nang makarating kami sa isang Filipino Restaurant na halatang simple lang at agad na pumasok dun.
Kami pa lang ang tao dun kaya naman pinili namin 'yung spot na maganda.Hindi masyadong maaraw at hindi rin masyadong madilim.
At ang mokong,pinaghila pa ako ng silya na s'ya namang ikinagulat ko.First time n'ya maging gentleman sa'kin ah?Ano kaya nakain nito?
Ah alam ko na.Yung sandwich sa airport nila sa Pilipinas.Pag-uwi namin sa Pilipinas,ibibili ko s'ya ng 10 truck ng sandwich na 'yun para lagi s'yang gentleman.
Pagkaupo namin,s'ya namang lapit sa'min ng waiter para kunin ang mga order namin.
Gutom na rin ako kaya naman umorder ako ngpagkaing mabilis lang lutuin.Hindi ko na carry ang gutom ko at wala na ako pakialam kung masira ang diet ko basta ang mahalaga ngayon,makakain ako!
"Bakit mo naisipang makipag-date sa'kin all of a sudden?Nafa-fall ka na ba sa charm ko?"sabi ko saka nagpa-cute para lang asarin s'ya at nakita ko naman ang pag-ingos n'ya na s'ya namang ikina-pout ko.
"Magda-dalawang buwan na tayong kasal but we never had a time to go on a date kaya naman naisip ko ang idea na ganto.Yung biglaan.Naisip ko 'to mula nung iopen mo 'yung topic about that Jordan."
Deny pa s'ya na hindi s'ya nafa-fall sa charm ko e halata namang nag-aalburoto s'ya kapag si Jordan ang topic!
Boys nga naman,laging in-denial!
"S'ya nga pala,mag-eenroll sa Brent by next semester ang friends ko kaya naman baka hindi mo ako madalas na makita.You know.Gimmicks,chicks."dagdag pa n'ya.
Bigla naman umakyat ang dugo ko hanggang ulo.S'ya,pwede mag-chicks whenever he wanted and hang-out with some friends tapos ako lagi n'yang pinagbabawalan makipag-usap sa mga lalaki sa school kahit na school projects ang topic?!
Ang unfair naman!S'ya lang ang well-benefited sa kasal na 'to tapos ako 'yung lumalabas na martir at sunud-sunurang asawa!
"Chicks and gimmicks?Samantalang ako,lagi mo pinagbabawalan makipag-usap sa mga lalaki?E lintek naman pala e.May asawa kang tao tapos magbu-buhay single ka?Kunsabagay,sino nga ba naman ako sa'yo?"sabi ko sa kanya na halatang ikinagulat n'ya saka ako lumabas ng restau.
Nakita ko pa na hinabol n'ya ako pero hindi ko na pinanasin.Sumakay na lang ako sa may subway station na saktong nagpapapasok na ng mga pasahero.
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ganon na lang ang reaction ko.Masyado lang siguro mataas ang in-expect ko lalo na nung mga nakaraang araw ay masyado s'yang sweet sa'kin.
Kung tutuusin,wala naman dapat ako kainisan dahil alam ko naman sa sarili ko na pansamantala lang 'tong kasal na 'to.
Pero bakit walang tigil ang pag-agos ng luha ko pag naiisip ko na pansamantala lang pala ang lahat ng 'to?
"Umiiyak ka na naman."sabi ng isang napaka pamilyar na boses saka ako inabutan ng panyo.
Dahan-dahan ako tumingala kung sino ang nag-salita.Agad ko naman ito niyakap nang mahigpi.
"Natalie naman eh!!!"hagulgol ko at pinaupo ko s'ya sa tabi ko at agad na niyakap ako habang ako,iyak ng iyak habang nakasandal sa kanya.
BINABASA MO ANG
Life with the BadBoy Husband
RomancePaano kung malaman mo na may Fiancee ka na pala kahit wala ka pa man din sa sinapupunan ng iyong ina? Paano rin kung ang Lalaking itinakda nila para sa'yo ay isang Dakilang Badboy? Paano rin kung ang Dakilang Badboy na 'yun ay ang mismong kaaway mo...