Aliana's POV.
Matapos ko'ng magbabad sa sauna,agad naman ako bumalik sa kwarto.Wala man lang ako nadatnang tao doon at ewan ko kung nasaan s'ya.Wala ako balak alamin.Basta ang nasa isip ko ngayon,ay ang mga plano ko oras na bumalik dito 'yung Diana na 'yun.
Tama naman kasi si Stacey.Daig ng malandi ang maganda.
Masakit man aminin pero maganda lang ako.May chance na matalo sa malandi.
Pero s'yempre,hindi ako papayag.Hindi ako papatalo.Malakas ang fighting spirit ko.
Nagpasya ako pumasok sa banyo para maghilamos muna.Medyo naparami kasi 'yung wine na nainom ko kanina habang kausap si Stacey.
Actually,hindi naman naparami.Ako nga lang ang umubos sa isang bote ng Vodka e.Alam n'yo na,bawal raw kasi sa buntis ang mag-inom ng alcoholic drinks kaya OA sa pag-iingat ang bruhang si Stacey.
Habang nakatingin sa akin si Stacey,parang biglang nag-reflect sa isip ko ang assurance n'ya sa'kin na never n'ya aagawin sa'kin ang asawa ko.
Para naman ako sandaling nakahinga ng maluwag dahil sa assurance n'ya pero napalitan naman ng panibagong tinik sa dibdib nang ikwento n'ya 'yung past ni Axl at Diana.
Habang busy ako mag-lagay ng moisturizer sa mukha ko,nagulat ako nang narinig ko ang kalampag ng pinto.
Takteng 'yan,sino 'yun?Makakalampag ng pinto namin,akala mo kaya n'ya palitan!
Hindi kaya pinasok kami ng Hostage Takers dito sa Hotel dahil nalaman na andito ang Future CEO ng Hotel na 'to at ang Future First Lady?
Halaaaaa,wag naman sana L hindi ko pa naman kasama ang asawa ko!Walang magtatanggol sa'kin!
Unti-unti ko binuksan ang pinto ng banyo para silipin kung sino ang pumasok sa kwarto namin.Kahit kinakabahan ako,ginawa ko pa'rin.Buwis buhay kaya 'to!
Habang unti-unti ko nakikita ang mga nakikita ko (lol)nakita ko ang paa na nakalaylay sa higaan namin at kilala ko na kung kaninong paa 'yun.
Nakahinga naman ako nang maluwag na si Axl lang pala ang pumasok,akala ko naman kung sino!
Lalapit na sana ako pero napaurong rin dahil kasama pala ng asawa ko ang kaibigan n'ya na si Matthew.Pumasok muli ako sa banyo pero nakasilip pa rin ako mula sa pinto ng banyo.
Hello!Naka-robe lang ako tapos makikita ako ng ibang tao na naka-ganito lang?And worst,ibang lalaki pa?!
"Anyare sa magaling ko'ng asawa?!Inaway mo,ano?!Kaya siguro nakatulog ng ganyan?!"Sigaw ko kay Matt saka ko s'ya pinanlakihan ng mata.
Malaman ko lang talaga na inaway ng isang 'to ang asawa ko,ako mismo ang gugulpi sa kanya!
"Oh,andyan ka pala.Hinatid ko lang asawa mo.Hindi ko s'ya inaway,wag ka mag-alala."sagot ni Matthew sa'kin."Nagalit ka daw kasi hindi n'ya na-kwento 'yung tungkol kay Diana.Isang malaking kataksilan daw 'yung ginawa n'ya sa'yo kaya nagpakalunod sa alak."
"Ang babaw,huh?Sige na,ako na bahala sa kaibigan mo'ng yan."sabi ko kay Matthew habang ako naman ay busy maglagay ng moisturizers sa mukha.
"Alam mo na ba ang mga posibilidad na gawain ni Axl kapag lasing s'ya?"
Agad naman ako na-curious sa tanong ni Matt.Napalingon naman ako sa kanya.
Ano nga ba ang gawain ng isang 'to kapag lasing?
Umiling na lang ako kay Matt bilang sagot dahil hindi ko naman alam."Baka mag-expect na kami ng Little Axl n'yan,9 months from now."and he chuckled before he leave our room.
BINABASA MO ANG
Life with the BadBoy Husband
RomancePaano kung malaman mo na may Fiancee ka na pala kahit wala ka pa man din sa sinapupunan ng iyong ina? Paano rin kung ang Lalaking itinakda nila para sa'yo ay isang Dakilang Badboy? Paano rin kung ang Dakilang Badboy na 'yun ay ang mismong kaaway mo...