LWTBBH 11

975 21 0
                                    

Aliana's POV.

Pagkatapos ng klase namin,hindi ko na hinintay si Mokong palabas ng room.Mabilis ako'ng umalis nang hindi man lang s'ya pinapansin.Kaya eto,nagkukumahog s'yang nakasunod sa'kin at panay ang papansin.

"Huy,sorry na!"

"Wifey ko."

"Tigil-tigilan mo ako sa kaka-wifey mo ah!Bingo ka na talaga sa'kin!"sabi ko habang patuloy na naglakad at tinungo ang Hall dahil nga may mahalagang announcement si Daddy para sa lahat ng students.

"Sorry na.Hindi na mauulit.Promise,hindi na kita tatawanan."Tiningnan ko naman s'ya ng masama.Paano naman ako maniniwala na hindi na n'ya ako tatawanan kung ngayon palang,nakikita ko na 'yung nakakabwiset n'yang bungisngis.

"Kung makatawa,parang walang bukas.Ge tawa ka lang d'yan hanggang sa mamatay ka,ha?"and I tapped his back saka nagtungo sa Hall.

Pagkarating ko rito,agad na ako nagpunta sa pinakaharap upang du'n maupo.Bilang tagapagmana,ako ang dapat na laging nauuna at nasusunod.

Kasunod ko naman na dumating ay si Mokong at naupo sa katabi ko'ng upuan at pasimple ako'ng inakbayan.

Hinayaan ko na lang dahil ayokong mahalata ng mga tao dito na 'we're not in good terms' talaga at baka pilitin nilang alamin kung bakit kami ikinasal.

Ang alam kasi ng mga tao dito,nalove-at-first sight daw sa'kin si Axl kaya agad na nag-propose which is imposibleng mangyari.Never in our wildest dreams.

'To all business management and business administration students,we will have a Business Convention for all of you that will be held in Shanghai,China...'

Wow,bongga.Dati,hanggang Cebu lang ang pa-business convention ni Daddy.Ngayon,naging International na!Hanep ah!

'All airplane expenses will be managed by Mrs.Amanda Wu,the mother of my Son-In-Law since their company has one of the Greatest Airports in Asia.This Business Convention Event are for 2nd year-Graduating Students only.And to those Non-Business Course,you will having Job Training to other Companies.If any of those have concerns about this,you can approach my Daughter or your Head Teachers.That's all."

Napanganga naman ako dahil sa mga rebelasyon ni Daddy.So ang nag-sponsor pala ng International Business Convention na 'yan ay ang Biyenan ko?

Life is really full of surprises nga talaga.

Pero okay na rin 'yon.Nakakasawa naman kasi na laging dito nalang sa Pilipinas.Gusto ko naman maka-discover at makaranas ng International Business Convention para naman may matutunan kaming mga estudyante sa Business Industry ng ibang bansa.

Mas malaking opportunity na rin kasi pag ganon.Baka makakuha na rin ako ng ibang sponsors na gusto mag-donate sa Charities para sa mga bata dito sa Pilipinas.

'Cause I believe that every child in this world deserves a better life and better future.

Dahil sa announcement na 'yun ni Daddy,expected na ang excitement ng ibang estudyante dito.Rinig na rinig naman ang mga bulungan nilang mga plano nila pagdating sa China na alam ko namang mauuwi sa DRAWING.

Bakit?

Dahil hindi ko hahayaang mangyari 'yun dahil sa pagkakaalam ko,Convention ang ipupunta naming du'n at hindi Vacation.

Nung uwian na,hindi kami magkasabay ni Axl at nakadagdag 'yun ng inis ko sa kanya.Magtitiis ako mag-commute at hindi ko gusto 'yun!

Wala naman ako'ng choice kundi ang mag-taxi na lang pauwi sa condo.Hindi kasi pwede ngayon 'yung Driver ni Daddy dahil dawn aka-leave daw ito kase walang mag-aalaga sa nag-iisa n'yang anak na may sakit ngayon.

Nang makauwi ako sa unit,isang sorpresa ang bumulaga sa'kin.

Si Axl,may kahalikang babae.

At dun pa talaga sila nakapwesto sa bago ko'ng kama na kakadeliver lang siguro kaninang umaga.

Kaya pala nauna s'ya sa'kin umuwi dahil sa babae n'ya.

"Masarap ba sa kama KO?!"tanong ko sa kanila habang nakapamewang pa ako sa kanila at mukhang natigilan sila sa ginagawa nilang kababalaghan sa kama ko!

Hindi ko sila pinansin at nagtuloy-tuloy ako sa kama ko at tinulak ko sila paalis ditto kasama ang bedsheets ko pati na rin pillowcases saka ko sila hinarap.

"Pwede ba kung magdadala ka ng babae dito,wag sa kama ko ha?Bwiset."sabi ko habang dala ang pillowcases ko at bedsheets sa basurahan.MADUMI na e!

Kakainis kang Axl ka!Ano pa ang dapat ko'ng pagdaanan sa'yo?Mag-sama kayo ng babae mo!

'Bye.Pasensya ka na sa asawa ko ah.'

'Ayos lang.Kasalanan ko naman.Di ko alam na may asawa ka na.Pakisabi na lang,sorry.'

'Sige.'

Rinig ko ang pag-uusap nila habang nakatayo at nakasandal sa malaking TV rack,sapat na para Makita nila ang emotionless ko'ng mukha na nanonood sa kanila.

"Tapos ka na?Pwede ka na umalis."utos ko saka ako tumalikod para pumunta na ng kwarto at simulan ang assignments ko.Ulirang estudyante kasi ako.Hindi katulad mo na puro wattpad ang inaatupag.

JOKE LANG (^.^)

Sa inis ko,nalimutan ko na Group Projects nga lang pala ang meron kami for this week.

Pagpasok ko sa kwarto namin,agad ko sinuot ang hoodie ko at headphone para ipakita at iparamdam sa kanya na kahit anong sorry n'ya,hindi ko s'ya pakikinggan!

Nagsuot na lang din ako ng pantalon at rubber shoes.May pupuntahan kasi ako.Pupunta ako sa lugar na kung saan,masaya ako.

Palabas na sana ako nung mag-bukas ang pinto at pumasok ang isang bakulaw.Tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa,maganda!na s'ya namang ikinairap ko.

"Saan ka naman pupunta?"

"Sa lugar na hindi mo alam or should I say,sa lugar kung saan ako masaya."sagot ko saka lalagpasan na sana s'ya nang hablutin n'ya ang braso ko.

"Dito ka lang."sabi n'ya saka tinignan ako ng mata sa mata.

Nakakatakot ang titig n'ya sa'kin ngayon pero hindi ako magpapatinag.Ang unfair naman kung s'ya nagpapakasaya,habang ako plano n'yang ikulong sa kalungkutan.

"Sino ka naman para utusan ako at hadlangan kung ano ang gusto ko?"

"I'm your—"

"You're my husband,yes I know that.Pero ginagampanan mo ba 'yang role na 'yan?Kunsabagay,fake lang naman 'tong relasyon na 'to e.Kasal tayo sa papel,yes.But it doesn't mean that you have the rights to control my life."at bago ko pa s'ya lagpasan nang tuluyan,may idinagdag pa ako.

Sisiguraduhin ko'ng uusigin s'ya ng konsensya n'ya after ko'ng sabihin ang dapat ko'ng sabihin.

"Before I go,gusto ko lang sabihin na I promised to myself before na kahit arranged marriage lang 'to ay susubukan ko'ng gawin ang lahat para kahit papaano,mag-work naman ang set-up na 'to because it's your LOLA's WISH."I emphasized the word LOLA since mahal na mahal n'ya ang lola n'ya at alam n'yang sasama ang loob ng lola n'ya if she found out what her loving grandson's doing to our marriage.

"But I guess,you just wasted Lola Sylvia's trust and effort.Kawawa naman s'ya at nagkaroon s'ya ng apo na katulad mo."

Life with the BadBoy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon