Aliana's POV
"Hindi mo na sana pinatulan 'yung Cashier.Kawawa naman 'yung Cashier.Tayo ang sasagot sa pagpapaburol n'ya kung sakaling binugbog mo,akala mo ba.Masasayang pera natin sa kanya."
Natawa na lang ako sa sinabi ni Axl.Mabuti naman at hindi n'ya kinakampihan ang babaing 'yun.
"Tapos,makukulong ka pa.Ayaw ko namang maghirap ka sa selda.Dapat mong paghirapan ay ang panganganak---"
"Ge ituloy mo at ikaw ang ibuburol ko."pananakot ko sa kanya habang tinutulungan s'yang ipasok sa compartment ng kotse ang mga pinamili namin.
Kasalukuyan kaming nasa Parking Lot ng store na pinamilihan namin.Pagkatapos namin ipasok ang lahat ay sumakay na kami para makauwi sa tinutuluyan namin.
Actually,ihahatid lang namin ang mga pinamili namin sa Bahay kasi nag-text na si Daddy na 1 pm na ang start ng Seminar at anong oras na ngayon?11:30 am na!Dadaan pa kami sa mahaba-habang traffic!
"Sya nga pala total naman,nasa totohanan na tayo e bakit hindi tayo lumipat sa mas malaking bahay?I know,masyadong maliit 'yung unit natin especially pag nadagdagan na tayo a year from now."suhestiyon n'ya habang nakahawak sa manibela ng sasakyan at nakatingin sa daan.
Napalingon naman ako sa kanya at mamangha-mangha ko pa s'yang tinignan.
"Wow,naisip mo 'yun kung kelang mag-2months na ang pagsasama natin?Hindi naman halatang masyado mo tinipid 'yung pagsasama natin ano?"sagot ko sa kanya.
"I just want to make sure first na mapapasaakin muna ang puso mo bago ko pagplanuhan ang magiging Love Nest natin sa Pilipinas.At sa Love Nest natin na 'yun,dun natin bubuuhin ang ating mga pangarap."
Napangiti naman ako dahil kahit papaano,may pangarap na pala para sa aming dalawa si Axl at natitiyak ko'ng marami pa 'yun.
"At ano naman ang pangarap na 'yun?"
"Pangarap nating isang malaki at masayang pamilya.Ayos na sa'kin 'yung apat na anak."sabi n'ya saka lumingon sa'kin at kumindat pa.
Inismiran ko naman s'ya sa naiisip n'yang pangarap.
Apat?Wow,palibhasa kasi hindi s'ya ang magbubuntis,hindi tiyan n'ya ang mababanat at higit sa lahat,hindi s'ya 'yung makakaramdam ng sakit habang nanganganak.
Balita ko kasi kay Mommy,nasa hukay ang isang paa ng babaeng buntis at ang pakiramdam daw habang nanganganak ay para naman daw pinapatay.
"Apat?!Ikaw na lang kaya ang manganak?!Feeling mo,ganung kadali?!"sagot ko sa kanya habang abala ako sa panonood ng mga bata na nagsisilabasan sa isang Private School na nasa gilid namin.Medyo traffic dahil lunch time at oras ng pag-uwi ng mga pang-umagang estudyante.
Habang pinapanood sila,isang mag-anak naman ang nakakuha ng atensyon ko.Isang masayang pamilya.'Yung bata,siguro nasa 4-5 years old tapos nakahawak pa sa kamay ng parents n'ya at mukhang masayahin rin s'yang bata.
Ganyan rin kaya ang magiging buhay namin ni Axl 5 years from now?
'Yung tipong isa kaming masayang pamilya.Sabay naming ihahatid at susunduin sa school ang anak namin tapos iti-treat namin ang anak namin dahil sa excellent performance n'ya sa school,ipapasyal.
At s'yempre,ipaparamdam namin ang buo naming pagmamahal sa kanya.
Ang sarap isipin kung ganyan ang mangyayari.
Hindi kasi ako sigurado na ganyan ang magiging buhay namin pagdating ng panahon.Lalo pa ngayon at kasisimula pa lang namin ni Axl.
"Pagdating ng araw,tayo naman ang maghahatid-sundo sa magiging anak natin."turan ni Axl na hindi ko namalayan na pinapanood rin pala ang isang masayang pamilya na kanina ko pa pinagmamasdan.
BINABASA MO ANG
Life with the BadBoy Husband
RomancePaano kung malaman mo na may Fiancee ka na pala kahit wala ka pa man din sa sinapupunan ng iyong ina? Paano rin kung ang Lalaking itinakda nila para sa'yo ay isang Dakilang Badboy? Paano rin kung ang Dakilang Badboy na 'yun ay ang mismong kaaway mo...