LWTBBH 13

980 19 0
                                    

3rd Person's POV.

"Kailan mo ba kasi mapapansin na hindi lang isang ka-arranged marriage ang tingin ko sa'yo.Ayan tuloy,nag-seselos---"ani ni Axl.

Hindi na natuloy ni Axl ang dapat na sana'y sasabihin n'ya nang mapansin n'yang tulog na pala ang kanyang asawa.

Pansamantala n'ya itinigil ang sasakyang upang pagmasdan ang magandang asawa.Para s'yang nagsisi na kung bakit si Stacey ang naging First Love n'ya.

Dahil kung ito ang mas nauna n'yang nakilala,sisiguraduhin n'yang mapapasakanya talaga ang asawa!

Itinigil n'ya ang kotse sa harap ng isang drugstore at saglit munang iniwan ang asawa sa kotse at pumasok sa loob ng drugstore para ibili ang asawa ng gamot para sa hangover.

'Tss.iinom-inom ng alak,hindi naman pala kaya!'

Napapailing na lang si Axl sa mga sinasabi n'ya sa isip n'ya.

Matapos bumili ng mga gamot,agad s'ya bumalik sa kotse at chineck ang lagay ng kanyang asawa.

Napansin n'yang namamantal ang balat ng kanyang asawa at sobrang init pa nito kaya agad s'yang nag-drive pauwi.

'Tss kung di lang kita ano eh...hindi ko babalaking asikasuhin ka.'

Nang masabi n'ya 'yun sa kanyang isipan,bigla na lang nag-flashback sa isip n'ya ang panenermon sa kanya ng kanyang ina dahil akala yata nito,pinapabayaan lang nito ang kanyang asawa.

Ngunit nagkakamali sila.

Flashback.

"Ikaw na bat aka,ano at nakasalubong ko ang asawa mo na nakasimangot?At ano 'tong sinumbong n'ya sa'kin na umuwi ka ng maaga para lang mag-uwi ng babae dito?Magkaroon ka naman ng kahit kaunting respeto sa asawa mo,aba."Panenermon sa kanya ng kanyang ina na nakapamewang pa sa harap n'ya habang s'ya naman ay nakaupo lamang sa couch.

"Mom,hayaan n'yo s'ya and 'yung nahuli n'yang halikan?That's not true!Hindi ko naman alam na sinundan ako nung psychopath na ex-fling ko na 'yun."Pag-eexplain pa nito sa kanyang ina saka ito tumayo."At paano ko naman irerespeto ang spoiled brat na 'yun?"

"Whether she's a spoiled brat or not,she's still your wife at pinapaalala ko lang sa'yo na kumpara sa psychopath girl na sinasabi mo,di hamak na mas maganda ang genes ni Aliana.Alalahanin mo,you should make her...you know...my apo.Don't forget your deal with your Lolo's last will.You need your own flesh and blood to claim that."Pagpapaalala sa kanya ng kanyang ina."And please lang anak,Malaki ka na.Be more responsible huh?Mag-mature ka naman kahit kaunti,hmm?Sige na.You should find her,explain then apologize."at hinaplos pa nito ang mukha ng kanyang nag-iisang anak bago ito tuluyang umalis sa unit ng mag-asawa.

End of Flashback.

Hindi na n'ya gugustuhing ipagpatuloy pa ang kanyang pag-flashback dahil nabubuwisit lang s'ya kung paano s'ya bulabugin ng babaeng nagngangalang Natalie Mendoza na bigla-bigla na lang mag-iiwan ng sandamakmak na voice messages at message requests sa kanyang social media account.Pero hindi nito maalis sa kanyang isipan kung sino ba si Natalie Mendoza sa buhay ng kanyang asawa at kung paano nito nalaman kung nasaan ang kanyang asawa.

Nang makarating na sila sa harap ng Condominium Building na kanilang tinitirhan,napag-desisyunan na lang nito na buhatin ang natutulog n'yang asawa.Ayaw n'ya ito gisingin sa takot na makilala ng personal si Wolverine.

"Hindi ka naman katabaan pero bakit ang bigat mo?"kausap n'ya sa asawa kahit alam naman n'yang natutulog ito at hindi s'ya nito sasagutin dahil sa ibang paraan s'ya nito sasagutin at sa ibang sitwasyon rin 'yun mangyayari.

Napapangiti na lang s'ya kapag bigla na lang napapa-fastforward ang isip n'ya at napupunta agad ito sa Future...sa Future nila ng kanyang asawa.

Nang makarating na sila sa kanilang unit ay agad din n'ya ito inilapag sa kanyang kama.Palabas na sana s'ya sa kanilang kwarto ng maramdaman n'yang may humawak sa kanyang kamay.

"Wag mo ako iwan..."mahinang sabi nang kanyang asawa.Agad naman ito'ng naupo sa tabi ng asawa at hinawakan ang kamay nito.

"Don't worry.I'll never leave you."

Aliana's POV

"Wag mo ako iwan..."Sabi ko kay Axl saka hinawakan ang kanyang kamay dahil sa takot na iwan na n'ya ako nang tuluyan para sa babae n'ya.

Hindi ko alam pero natatakot ako na ipagpalit n'ya ako sa babaing kasama n'ya kanina dito sa unit.Gusto ko,ako lang ang nakakasama n'ya.

"Don't worry.I'll never leave you..."nakahinga naman ako nang maluwag sa sinagot ni Axl.Mas mabuti nang 'yan ang isagot n'ya keysa i-straight to the point n'ya ako na gusto na n'ya ako iwan.

Naramdaman ko naman ang pag-upo n'ya sa tabi ko at paghawak n'ya sa kamay ko nang mahigpit dahilan upang hilahin ko s'ya papunta sa'kin at halikan.

At naramdaman ko naman ang pag-tugon n'ya sa halik ko...

Nagising na lang ako dahil sa panaginip na 'yun at sa sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana ng kwarto.Hindi ko man lang namalayan na nakauwi na pala ako.

Pero teka,bakit parang may naka-dagan sa tyan ko?

Nang tingnan ko kung ano ang naka-dagan sa tyan ko,nagulat pa ako.

Hindi pala ano,sino ang naka-dagan sa'kin.

Si Axl,nakaunan sa tyan ko habang nakaupo sa silya na katabi ng higaan tapos nakaharap pa sa'kin tapos ang fresh n'ya tignan kahit tulog OMG SHEEEEEMZ.Para s'yang anghel na natutulog.Kulang na lang naka-topless,wings,and halo.

Pero pag-gising,laging aburido.Mapang-asar.Ganun.

Hinayaan ko na lang na matulog s'ya sa tyan ko.Kung tutuusin,kulang pa 'to kumpara sa pag-aalaga n'ya sa'kin sa buong magdamag.

Nakita ko naman ang isang kumot sa tabi ko na s'yang ikinumot ko sa natutulog na si Axl.Hanggang ngayon,naiisip ko pa rin 'yung panaginip na 'yun.

My hand landed on my lips.Para kasing totoo 'yung panaginip na 'yun eh.

Parang totoo talaga eh...

Ah basta.Siguro dala lang 'to ng hangover,lagnat at panaginip ko kaya kung ano-ano na lang ang sumasagi sa matalino ko'ng isip.

Saglit ako'ng napatingin sa paligid at napansing nasa kama n'ya pala ako.Kunsabagay,saan naman ako hihiga kung pinaglalagay ko naman sa basurahan 'yung bedsheets at pillow cases ko at tanging kama at foam na lang ang natira?

Napatingin naman uli ako kay Axl.Marahan ko s'ya tinapik para palipatin s'ya sa kama.Kawawa naman.Ang tangkad na tao tapos magtitiis lang na matulog nang nakaupo?

Nang tapikin ko s'ya,agad naman s'ya napabalikwas ng bangon at agad pang kumuha ng thermometer.Ang OA masyado.Nakakapanibago naman.Hindi ako sanay na ganito ang Axl na nasa harap ko ngayon.

"Okay lang ako...Hindi ko na kailangang mag-thermometer pa.I feel so much better and at ease now."sabi ko habang pinipilit n'yang isubo sa'kin 'yung thermometer.

O diba?Masyadong OA.Gusto ko rin naman na ganto si Axl,'yung mabait.Pero huwag naman masyadong OA.Ang boring kaya kung masyadong mabait.

"Halos patayin mo ako sa pag-aalala kagabi tapos ngayon ayaw mo siguraduhin na okay ka talaga?"At nag-pout pa ito.

Aww...Ang cute n'ya pag nagpa-pout s'ya...Napapa-smile tuloy ako.

"Okay na nga kasi ako.Lumipat ka na sa kama at bumawi ng tulog.Lilipat na lang ako sa couch."

Patayo na sana ako nung mahiga s'ya sa kama at hinila ako papahiga ulit tapos pinaharap pa ako sa kanya saka n'ya ako niyakap.Hay naku.Umaandar na naman ang kamanyakan ng isang 'to!Keaga-aga...

"No.Tabi tayo and give me a kisspirin.I badly need that also,like how you badly need it last night."sabi n'ya while his naughty smile was formed on his face.

Napakunot naman ako ng noo sa sinabi n'ya.

Like how I badly need it last night?

Ano 'yun?

Life with the BadBoy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon