LWTBBH 9

989 16 0
                                    

Aliana's POV

Sa ginawang 'yun ni Axl,tila ban a-freeze ako at hindi ako makagalaw.

But reality hits me nung may narinig kaming nag-doorbell dahilan upang itulak ko s'ya at mahulog s'ya sa sahig.

Nakita ko naman ang pamimilipit n'ya dahil tumama ang likod n'ya sa bedside table n'ya.

Hmp!Buti nga sa kanya!Nasayang ang first kiss ko nang dahil sa kanya!

"Wag ka mag-inarte d'yan,di bagay sa'yo!Pagbuksan mo na 'yung bisita mo!"utos ko saka nahiga sa kama sabay talukbong dahil sa kahihiyang dulot n'ya.Nakaka-bingo na s'ya sa'kin,umagang-umaga palang!

"Bakit ako?E ikaw ang HOUSEWIFE."reklamo n'ya.

Isa pa kinaiinisan ko sa kanya bukod sa hambog,arogante,antipatiko,at pagiging immature n'ya ay ang pagiging reklamador at hot tempered n'ya.

Jusko sa mga susunod na araw yata,mamamatay na ako dahil sa sari-sari n'yang ugali!Mamamatay ako ng wala sa oras dahil sa konsumisyon!

"Bakit ako?E ikaw 'yung HOUSE OWNER."Panggagaya ko pa sa facial expression n'ya."At isa pa,malay ko kung kapitbahay mo at mapagkamalan ko pang kabit mo,e di naka times 2 ako na napahiya?!"at inirapan ko lang s'ya."Bilis!"dagdag ko pa.

Napakamot pa s'ya sa ulo n'ya.Pagtalikod n'ya sa'kin,napansin ko na parang may dugo 'yung tumamang likod n'ya.Agad naman ako tinamaan ng konsensya kaya tumayo ako para pigilan s'ya.

"Ako na.Maupo ka na lang at kukunin ko na rin 'yung first aid kit."Sabi ko sabay takbo palabas.

Nagmadali na ako tingnan kung sino 'yung nag-doorbell.Pagbukas ko,si Vivien lang pala at may dalang ulam na nasa Tupperware.

"Mrs.Wu.Nag-luto nga pala ako ng adobo.Naisip ko na bigyan kayo,nakasanayan na kasi namin dito na tuwing may bagong kapitbahay e binibigyan namin ng ulam.Para na din 'to sa nangyari kanina.Pasensya na kung dito pa ako nakiligo."sabay abot pa n'ya ng ulam na niluto n'ya at tinanggap ko naman ito para ipakita na hindi naman ganon kasama ang ugali ko...

Medyo lang.

Para namang dumoble ang naramdaman ko'ng konsensya dahil umakyat pa s'ya dito sa unit para bigyan kami ng ulam at humingi ng sorry.Kung tutuusin naman,ako dapat 'yung mag-sorry dahil sa kung ano naiisip ng polluted ko'ng utak.

"Wala po 'yun,Mrs.Salvador.Pasensya rin kung naging immature ako kanina.You know,medyo moody lang talaga ako pero I swear hindi ko sinasadya na mag-taray.Nainis lang ako kay Axl na hindi man lang n'ya ako sinundo."Pag-hingi ko rin ng paumanhin.

"Naku,wag ka na mainis sa asawa mo.Ang totoo n'yan,susunduin ka na dapat ni Axl pero gusto n'ya,ipagluto ka muna ng breakfast para kakain ka na lang daw pagdating.Kaso ayun,di n'ya alam na pang-matagalan 'yung niluto n'ya.Tapos 'yung piniprito n'ya,nasunog.Favorite mo pa naman daw 'yung bacon.Na-frustrate s'ya kaya pinakain n'ya sa pusang gala na laging tumatambay sa lobby."

Nasho-shock ako sa mga sinasabi ng Vivien na 'to.Talaga ba'ng si Axl 'yung dini-describe n'ya?Hindi ibang kapitbahay?

O baka naman sinapian ng mabait na espiritu 'tong si Axl?Naku sana nga.

"Buti na lang at 'yung niluto n'yang nilagang baka,naisalba ko pa bago n'ya ibigay 'dun sa pusa.Maswerte ka.Talagang mahal na mahal ka ng asawa mo.Kay Jared kasi,talagang pag-aalaga lang ng bata ang aasahan ko sa kanya.Pero maswerte pa rin naman ako at sinisikap n'ya gawin ang lahat para sa'min"..."Mauna na pala ako.Pakakainin ko pa 'yung baby ko.''sabi pa n'ya at tinanguhan ko lang s'ya.

Pumasok na rin ako sa loob at nilapag 'yung bigay nilang ulam sa mesa at saka sinimulan hanapin ang first aid kit na natagpuan ko naman sa cabinet ng kitchen.

Pinagmasdan ko muna ang buong kusina ni Axl.Tanging living room lang kasi ang napagmasdan ko kanina habang inaatake ng katarayan ko.

I smiled kasi may taste din pala sa bahay 'tong si Axl.Medyo kasing-ganda ko ang Luxury Unit n'ya.Medyo nababagay ako dito.

Matapos ko mag-imagine ng kung anong pwedeng gawin sa bahay na 'to,agad na ako bumalik sa kwarto.Baka kasi naubusan na ng dugo yung hunghang na 'yun o mas Malala,baka namatay pa.Mapagbintangan pa na ako pumatay sa lokong 'yun!

"What take you so long?"sabi pa nito at halata sa mukha n'ya na iniinda pa rin n'ya 'yung likod n'ya na may sugat.

"Inasikaso ko pa kasi 'yung ulam na bigay nung kapitbahay at saka marami s'ya kinuwento about your cooking skills.Napaka galing mo daw."at saka ko s'ya tinawanan."Napaka galing mag-sunog ng ulam."sabi ko pa sabay hawak sa tyan ko at tumawa ng sobrang lakas nung nakita ko ang reaction n'ya.

"Tawa ng tawa,gusto na mag-asawa!"

"Nag-asawa na nga,diba?Tumalikod ka muna at gagamutin natin 'yang sugat mo.Baka ikamatay mo pa!"sabi ko saka nilagyan ng konting alcohol ang bulak at dinampi ko sa likod n'ya to make sure na hindi 'yun magiging peklat.

Halata kasi sa balat n'ya na hindi uso ang sugat sa kanya.

Matapos ko lagyan ng band-aid ang sugat n'ya,pinaharap ko s'ya sa'kin

"Thank you nga pala."I said while smiling at him.

Mukha naman ata s'ya na-curious kaya itinuloy ko na kung ano ang dahilan ng pag-thankyou ko.

"Thank you dahil kahit papaano,may reason ka naman pala kung bakit di mo ako nasundo at sa pag-effort na ipagluto ako...kahit SUNOG!"

At napuno ng tawa ko ang buong kwarto n'ya habang nakasimangot naman s'ya.

Nung sumapit na ang gabi,kanya-kanya na kami ng ayos ng puwesto namin sa higaan.S'yempre,nilagyan ko ng harang ang pagitan namin para hindi n'ya halikan o manyakin!

"Bakit pa kasi kailangan ng harang?Kung iniisip mo na baka may mangyari sa'tin,hindi Malabo 'yun dahil kasal naman tayo at kaya nila tayo pinagkasundo para na din daw maging maganda ang combination ng anak natin."

"Corny.As if naman na magkaanak tayo.Mas Malabo pa sa polluted water na magpapagalaw at magpapabuntis ako sa'yo.Kawawa naman 'yung bata kung ikaw ang tatay n'ya."sabi ko sabay talikod ng higa para di s'ya Makita."Kung magkaanak man ako,dapat dun sa lalaking mahal ako at mahal ko rin.Sa sitwasyon natin,wala ako'ng minamahal at ikaw naman,mahal mo pa si Stacey."

Napansin ko naman na natahimik s'ya.Nakonsensya na naman ako dahil pinaalala ko pa ang babaeng 'yun.

Akala n'ya kasi,eepekto 'yung pagpapaselos n'ya sa babaing 'yun at iniexpect n'ya na babalikan s'ya.Balak n'ya nga rin sana na mag-backout sa kasal namin kung sakaling balikan s'ya ni Stacey pero hindi na natuloy pa dahil nag-propose na 'yung Matt sa babaing 'yun.

"I'm sorry."

"Ayos lang.Malilimutan ko rin s'ya.Matulog na tayo,may klase pa tayo bukas."

Life with the BadBoy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon