LWTBBH 31

793 13 0
                                    

Aliana's POV

(After 3 weeks.)

Nagpasya ako na magbakasyon dito sa Canada para ihinga dito ang mabibigat na problemang dinadala ko noong nasa Manila pa ako.

Sobra-sobra ako'ng naii-stress plus to the fact na kinukulit pa ako ni Daddy na umuwi na ng Pilipinas dahil naman na daw ako dalaga na at isa pa,gusto n'ya ako bumalik sa Company kahit na hindi na bilang Heir Apparent n'ya.Training ko daw para sa pagpapatayo ko ng sarili ko'ng Clothing Line.

Paano ko naman maitetrain 'dun 'yung pinapangarap ko'ng Clothing Line e puro Hotels and Resorts ang mina-manage 'dun?!Kaloka!

At isa pa, feeling ko malapit na ako mag-balik bilang isang Dalaga.Paano ba naman kasi,ilang araw nang hindi nagte-text or nagcha-chat si Axl.Siguro nagpalandi na nang tuluyan sa Diana na 'yun.

Bahala s'ya sa buhay n'ya!Basta ako,nandito sa Canada!Period!

"Bes,ang takaw mo masyado ngayon ah.Pinahirapan mo pa ako'ng maghanap ng manggang hilaw dito sa Vancouver!Duh!Mabuti na lang talaga,may nahanap ako sa Filipino Market kaya lang sliced na." Salubong sa'kin ni Natalie nang makarating s'ya dito sa Two Storey House na binili ko one week ago.Nahihiya na kasi ako'ng makituloy sa kanya e

"Bakit sliced na?!Gusto ko,ako 'yung magbabalat!" Singhal ko sa kanya at mukhang nagulat naman s'ya sa pag-sigaw ko.

"Grabe ka naman,Bes!Pag-tyagaan mo muna 'yan!Ewan ko sa'yo kung bakit pati balat ng mangga,pinapatos mo!Saka ito na rin 'yung pinapabili mo'ng siopao na dinayo ko pa sa Mini Chinatown dito at itong favorite mo'ng Coco Jam na galing pa sa Alberta.Pero nagtataka ako,hindi mo naman favorite ang mga 'yan dati.Ang lalakas kaya makabigay ng fats ang mga 'yan!" Sabi pa n'ya nang isa-isa n'yang ilabas ang mga nirequest ko na pasalubong n'ya dahil kagagaling lang n'ya sa isang Fashion Show sa Cochrane,Alberta at isa s'ya sa nakuhang make-up-artist.

"Well,people change.Thank you nga pala." Sabi ko nang lantakan ko ang Coco Jam na bigay n'ya.

"Oh e kamusta na ang asawa mo?Nagparamdam ba man lang sa'yo?Tinadtad ko na 'yun sa messenger pero ni 'ha' or 'ho' wala ako'ng nakuhang reply sa asawa mo.Nakakaimbyerna s'ya.Tapos ito namang si Hendricks ang sabi n'ya,wala na silang pakialam pa kay Axl kaya wala rin s'yang balita then nasa Taiwan pa s'ya.Nagkaproblema raw sa isa sa mga branch ng Post Office nila 'dun." Pangangamusta n'ya sa napaka galing ko'ng asawa.

"Ewan ko ba 'dun.Bahala s'ya.Magpakasasa s'ya sa kabit n'ya.Buwiset s'ya.May padrama-drama pa s'ya bago ako umalis,hindi naman pala kayang panindigan." I answered saka ako tumayo at pumunta sa refrigerator para kumuha ng freshmilk.

Pero nang mainom ko 'to,dumirecho ako sa lababo at isinuka ang freshmilk.Hindi ko alam kung bakit pero ilang araw nang hindi tinatanggap ng tiyan ko ang freshmilk kahit pa 'to 'yung kinasanayan ko nang inumin tuwing umaga.

"Okay ka lang,Bes?Baka naman panis na 'yang freshmilk na 'yan?Bumili na lang tayo paglabas natin saka ng ibang pang-personal hygienes mo.Hindi ka man lang prepared sa pagpunta mo dito sa Canada.No shampoos,sabon,napkin..." Sabi pa n'ya habang iniisa-isang ilabas ang mga gamit ko na nasa maleta pa.

Pero napukaw ng salitang 'napkin' ang atensyon ko.

Hindi ako sigurado pero ilang weeks na ako'ng delayed.Sa dami nang iniisip ko nitong mga nakaraang araw,hindi man lang 'yun sumagi sa isip ko ang possibility na 'yun.

"Haaaayst!" Pagta-tantrums ko pa saka ako napahilamos sa mukha ko at ginulo-gulo ko pa ang buhok ko.

"Oh bakit?Naalala mo na kung ano pa ang nakalimutan mo'ng pang personal hygienes?Ilista mo na.Bibilhin natin mamaya."

Life with the BadBoy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon