LWTBBH 27

781 16 0
                                    

Aliana's POV.

Nagising ako sa isang kwarto na sobrang sakit ng ulo.

Yeah,hindi ko namalayan na nawalan ako ng malay dahil sa rebelasyon na ibinunyag ni Mommy.

Nakita ko na bumukas ang pinto ng kwarto na hindi ko naman alam kung kanino at nakita ko'ng pumasok ang asawa ko na halatang nag-alala pa yata.

"Mabuti naman at gising ka na." Bungad nito sa akin at agad ako'ng nilapitan."Okay na ba ang pakiramdam mo?Are you feeling well?"

"Yeah.I feel much better and at ease now.Nasaan tayo?"agad ko pang tanong dahil curious talaga ako kung nasaan kami.

"On my house." Rinig ko'ng sagot na nanggaling sa tao na nasa bungad ng pinto.Si Jordan.

So hindi talaga panaginip 'yung naganap?
As in literal na sina Jordan at Jared ang mga Kuya ko?

Kuya?

Hindi ako sanay na may tatawagin ako'ng iba na Kuya except kay Kuya Allen.

Sa mga naisip ko ngayon,parang gusto ko na lang uli mahimatay at matulog na lang ulit o kaya naman,lamunin na lang sana ako ngayon ng lupa!As in now na!

"Cookie,sila ang hinahanap n'yo na Kuya mo.Aren't you happy?" Tanong sa akin ni Axl.

May point naman s'ya.Dapat nga masaya ako dahil sa wakas,nahanap at nakita ko na rin ang mga kapatid ko.

Ewan ko.Abnormal na ata 'tong pakiramdam ko.

"I'm happy." Sagot ko sa asawa ko at nilingon si Jordan or I must call him Kuya Jordan from now on even though I don't like it."Thanks for allowing us to stay here and for taking care of us,Kuya."

"Magpalakas ka.Mataas ang lagnat mo kagabi.Hindi na nga nakatulog yang asawa mo e.After that,gusto ko sana makapag-usap tayo for my further explanations." Sabi n'ya at tumango lang ako bilang sagot saka s'ya lumabas muna ng kwarto.

Kagabi?So it means,nag-overnight stay kami dito?

Pero bakit dito?May sarili naman kaming bahay.May malalapit naman na Hotel na puwedeng tuluyan.

"Ops.Alam ko na ang sasabihin mo.Kesyo may sarili naman tayong bahay,bakit dito ka namin dinala?Malayo ang bahay natin kumpara dito sa place ni Jordan na kaharap lang ng reception.Kung mag-hohotel naman tayo,mapapagastos pa tayo.E di mas mabuti pa na dito na lang atleast nakatipid tayo." Ani ni Axl pero inirapan ko lang s'ya.

"Joke lang!Eto naman!Hindi naman sa tinitipid kita pero si Mommy Theresa na kasi ang mismo nag-prisinta na dito ka na lang dalhin.Teka,gutom ka na ba?Ikukuha kita ng makakain."

"Hindi.Wag na.Umuwi na lang muna tayo.Nakakahiya at nakakaabala tayo dito." Sabi ko saka ako tumayo sa kama at kinuha ang bag ko.

Sakto naman na paglabas namin ng kwarto ay nadatnan namin si Kuya Jordan na nagkakape at nakaharap sa TV.Tumikhim muna ako para mapansin n'ya ang presensya naming mag-asawa at hindi naman ako nabigo dun.

"Oh,aalis na kayo?"

Ay hindi!Magc-CR lang!Malamang,aalis!

Kung may boses lang ang utak ko,malamang narinig na n'ya 'yan!

"Ah,Oo.Salamat nga pala sa pagpapatuloy sa amin dito buong gabi.Kailangan na rin namin umuwi,baka kasi nakakaabala lang kami dito." Asawa ko na ang mismong sumagot dahil alam n'ya ang estado ko kapag wala sa mood makipag-diskusyunan.

"Hindi naman kayo abala dito ah?And besides,Aliana is my sister.Hindi na kayo iba sa akin kaya feel at home lang."

"To tell you the truth,hindi kasi ako komportable na makasama ka.You know,it feels awkward." Biglang sagot ko kaya naman napatingin silang dalawa sa akin.Pareho ko sila inirapan.

Life with the BadBoy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon