LWTBBH 29

737 12 0
                                    

Aliana's POV

Pagkarating ko sa bahay,hindi ko pinansin ang mga katulong na masaya pa ako'ng binati sa kabila ng sitwasyong nagpaguho ng mundo ko.

"Aly,ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Yaya Donna na sumalubong sa akin at nakita n'ya na tuluyan na ako'ng umiiyak.

Agad ko naman s'ya niyakap.

"Ya,aalis na tayo dito ngayon.Mag-impake ka na.Aalis na tayo bago pa tayo madatnan ni Axl.Mamaya ko na lang ikukwento ang lahat." Sabi ko sa kanya at tinalikuran s'ya saka ako umakyat papunta sa Wardrobe area ko at kinuha ang mga nakahanger ko na damit at lahat ng gamit ko dito na s'yang pinabitbit ko sa mga katulong paakyat sa kwarto.

Binitbit ko ang ilang natira kabilang na ang mga maleta ko paakyat sa kwarto.Hindi ko pinahalata sa mga katulong ang pagiging emosyonal ko ngayon.Ayokong malaman nila ang nangyari.

"Umalis na kayo.Ako na ang mag-iimpake nito." Utos ko sa kanila pero nagpaiwan pa ang isang kasambahay na pinagtaka ko naman.

Tinignan ko s'ya ng masama  nararamdaman ko.Ayokong mahalata n'ya ang gulo sa pagitan namin ni Axl ngayon.Ayoko maging masaya sila dahil nasasaktan ang tulad ko'ng napaka maldita nilang amo.

"Ahm Ma'am,hindi n'yo po ba ipapakuha ang mga damit ni Sir Axl?May bakasyon po ba kayo?" Tanong naman nito na ikinairap ko.

Kung minsan naiinis ako sa pagka-slow ng mga tao,ngayon natutuwa ako dahil hindi naman s'ya nakakahalata.

"Kinikuwestiyon mo ba ako?Kapag sinabi ko'ng umalis kayo,aalis kayo.Wag nang magtanong pa!" Sigaw ko sa kanya kaya agad naman s'yang sumunod dahil alam n'ya kung ano ang maaari ko'ng gawin oras na hindi s'ya sumunod.

Pagkaalis ng katulong,s'ya namang pagpalit ng taong sumira ng gabi ko.

Ang taong nagpaguho ng mundo ko.

"Hindi mo naman kailangang umalis.Pag-usapan natin 'to." Pagsusumamo pa sa akin ni Axl habang hawak pa ang kamay ko.

Binawi ko ang kamay ko at tinignan ko s'ya ng napaka sama.'Yung tipong ngayon lang n'ya nakita ang ganon ko'ng expression.Sapat na para maramdaman n'ya ang matinding galit na nararamdaman ko.

"Talaga?Sige.Kailan mo pa ako niloloko?Kailan pa bumalik si Diana sa buhay mo?!" Sigaw ko sa kanya saka ko s'ya muling sinampal.

"Hayaan mo naman ako makapag-explain!Nadala lang ako and I'm very sorry!" Umiiyak pa n'yang sabi pero sininghalan ko lang s'ya.

"Nadala?Kunyare naniniwala ako,Axl Slate Wu ha.Remember this,I can turn your life into a living hell.Hindi ko palalagpasin ang ginawa mo." Sagot ko sa kanya at sinara na ang mga maleta ko.

Hihilahin ko na sana ang mga maleta ko nang hawakan n'ya ito na tila ba pinipigilan ako'ng umalis.

"Ano ba'ng problema mo?!Ito naman 'yung gusto mo di'ba?!Para makapagsama na kayo ng babae mo!"

"Kapag umalis ka,makikipag-divorce na ako sa'yo." Pagbabanta pa n'ya sa'kin na akala naman n'ya matatakot ako.

"Go.Kung gusto mo,ako pa ang mag-initiate ng divorce natin." Pagtanggap ko pa sa hamon n'ya saka ako tuluyang umalis at iniwan na s'ya ng tuluyan.

Nakarating kami ni Yaya Linda sa Monteverde Mansion.Kinuwento ko na sa kanya ang mga nangyari at napagkasunduan namin na wag na lang sasabihin kina Mommy at Daddy.

Wala sina Mommy at Daddy nang makarating kami.Nasa Out of the Country Business Trip sila pareho.

"Oh,bakit ka nandito?Tulog na si Carlisle.Nasa kwarto rin n'ya si Jordan.Nilayasan mo na naman ba s'ya?" Salubong sa'kin ni Kuya Allen na noo'y busy manood ng movie.

'Kung sasabihin ko sa'yo ang dahilan Kuya,baka mapatay mo pa si Axl.'

Napabuntong-hininga na lang ako.Sakto naman na may dumaang kasambahay kaya ipinaakyat ko na rin ang mga maleta ko.

"Hindi Kuya." Sabi ko at pilit pa ako ngumiti."Nagpaalam ako kay Axl na sasama sa seminar mo sa Korea sa weekend tapos s'ya naman,may Foundation na pupuntahan sila ni Mama Amanda.Ako lang mag-isa sa bahay kaya naisip ko na dito muna ako."Pagdadahilan ko pa.

Pasensya na Kuya,pero ayaw ko na mag-alala ka pa.

"Aakyat na muna ako,pagod kasi ako buong araw eh." Paalam ko kay Kuya at tumango na lang s'ya bilang sagot.

3rd Person's POV.

Kasalukuyang nag-lalasing sa Mini Bar ang naiwang asawa ni Aliana na si Axl.Kasama pa nito ang kaibigang si Xander.

"Sabi ko naman kasi sa'yo eh.Hangga't maaga pa,iwasan mo na si Diana.Ano na mangyayari sa'yo?Mapapatay ka nina Allen at Jordan lalo na ng Daddy nila,naisip mo ba 'yun?" Panenermon sa kanya ng kaibigan n'ya na aminadong nagui-guilty rin dahil alam rin n'ya ang ilang araw nang pagkikita nina Axl at Diana.

Kung alam lang ni Xander ang totoo,hindi s'ya nito pagagalitan.

Bina-blackmail kasi ni Diana si Axl na oras na hindi ito makipagkita sa kanya,may mangyayaring hindi maganda sa kanyang asawa kaya naman napipilitang ang lalaki sa mga ipinapagawa sa kanya.Huwag lang mapahamak ang kanyang asawa.

"Sobra ko s'ya nasaktan.Hindi ako nararapat na maging asawa n'ya.Napaka sama ko'ng tao!" Sisi n'ya sa kanyang sarili at pinagsusuntok ang pader na katabi.

Agad naman s'yang inawat at inalo ng kanyang kaibigan na si Xander.

"Lasing ka na.Ang mabuti pa,ihahatid na kita sa kwarto n'yo tapos bukas na natin pag-uusapan ang problema n'yong mag-asawa.Aayusin natin 'to." Sabi ni Xander sa kaibigan na noo'y patuloy ang pag-iyak.

"Bakit pa aayusin kung puwede mo namang iwan na ng tuluyan ang kapatid ko para hindi na s'ya masaktan pa?!"

Nagulat sila sa boses na kanilang narinig.

Paglingon nila,bumungad sa kanila ang galit na galit na si Allen kasunod si Hendricks na noo'y pumipigil sa kanya sa kung anumang puwede n'yang gawin.

"A-Allen,relax lang pre!Pag-uusapan natin 'to." Pag-awat ni Xander kay Allen na noo'y masamang nakatingin kay Axl.

Ngunit hindi s'ya pinakinggan nito.Ni hindi man lang s'ya nilingon at agad pa na sinugod si Axl.

Kinwelyuhan n'ya pa ito at sinuntok sa sikmura.

"Kuya!Tama na!" Sigaw ni Aliana na noo'y kararating lang kasama si Jordan dahil sinundan nila si Allen sa pangamba sa kung anumang puwede nitong gawin sa kanyang asawa.

Life with the BadBoy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon