LWTBBH 20

914 21 0
                                    

Aliana's POV.

Maaga ako nagising kasi s'yempre magluluto ako ng agahan namin.S'yempre ako lang naman ang maaasahan sa pagluluto sa buong pagsasama namin ni Axl.

Pero pagkagising ko,wala si Axl sa tabi ko.Nagtaka naman ako bigla kasi usually kapag aalis s'ya ng maaga,ginigising pa ako nun para lang magpaalam at babatuhin ko naman s'ya ng pillow dahil sa pang-iistorbo n'ya sa tulog ko.

'Baka nagtampo?'nalungkot naman ako bigla nang maisip ko na baka nga naman nagtatampo.Ikaw ba namang paasahin na may mangyayari kagabi at aasahan na ang pagdating ng Baby after 9months.

Kaya naman kahit tinatamad ako'ng bumangon dahil sa possible reason na 'yun,ginawa ko pa rin.Kailangan ko makabawi sa kanya.

Tinamad na ako maghalungkat ng damit kaya dinampot ko na lang 'yung tshirt ni Axl na nasa pinaka ibabaw ng maleta at yun nalang ang isinuot ko saka ako lumabas ng kwarto namin.

Pagkalabas ko sa kwarto,nakarinig naman ako ng nagha-hum.Hum ng isang babae na sobrang pamilyar sa'kin.Nagha-hum kasi s'ya kapag masaya s'ya.Alam na alam ko 'yun.

Sinundan ko naman ang boses na pinagmumulan ng hum na 'yun hanggang sa naabutan ko s'ya sa kusina.

Nakaka-frustrate ang ginagawa n'ya.May hawak s'yang spatula sa kaliwa n'yang kamay at potholder naman sa kanan at may kung ano s'yang niluluto na sa tingin ko,sunog na.

Kakanta-kanta pa s'ya nung "Bboom Bboom."Yung sikat na dance craze ngayon.

May naisip naman ako'ng paraan para makabawi sa kalokohang ginawa nila nung isang araw.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ko at sinimulan ko ang pagvi-video recording sa kanya.

Ipo-post ko 'to sa Facebook mamaya at ita-tag ko s'ya ^.^

"Give it to you my nunununununbit~ssodajineun my teoteoteoteo-touch!"at may pag-sway pa s'yang nalalaman.

Ako naman,pigil na pigil sa pagtawa.

Matapos ko ivideo ang Dance session/Frustrating Cooking Show n'ya,agad ko naman ito ini-post sa Facebook.

"The Frustrating Cooking Session of Natalie Mendoza."Pag-lagay ko sa caption and I click the 'Post' button.

Narinig ko naman ang pag-beep ng phone n'ya kaya naman kinuha n'ya ito mula sa bulsa ng apron na suot-suot n'ya.

Ganon na lang ang gulat n'ya nang makita ang notification n'ya saka lumingon-lingon sa paligid n'ya hanggang sa nakita na n'ya ako'ng nakangiti sa kanya at nakasandal ako sa pinto ng kusina.

"Ikaw talaga!Burahin mo 'yun!"utos n'ya habang dinuduro-duro pa sa'kin 'yung hawak n'yang spatula habang ako naman ay tinatawanan lang s'ya at nakahawak pa ako sa tiyan ko.

"I won't."at umiling-iling pa ako sa kanya at nilapitan ko pa s'ya at inagaw ang hawak n'yang spatula at kinalkal ang nasusunog na kung ano na nasa kawali.

"Never in my wildest dreams na gusto mo patayin ang bestfriend mo kaya naisipan mo magluto 'noh?Para kung sakali man na hindi ako mamatay sa pagkakasunog mo sa bahay namin ni Axl,atleast mamamatay naman ako sa luto mo."puna ko sa niluluto n'ya at in-off ang stove saka ko itinapon sa garbage can ang niluto n'ya.

"Yah!Bakitmo tinapon?!"mangiyak-iyakn'yang usal sa'kin dahil sa ginawa ko."Alammo ba na nagising ako ng napakaaga dahil sa pambubulabog ng magaling mo'ng asawa sa messenger ko na samahan kita dito at ipagluto ka ng breakfast?"

Life with the BadBoy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon