Aliana's POV.
[After 1 week.]
Isang linggo na mula nung nakauwi kaming mag-asawa dito sa Pilipinas and I can say na sulit naman ang stay namin sa China.Napaka memorable pa dahil dun kami naging official as in totoo na ang pagsasama namin!
Idagdag pa na nagmistulang reunion namin 'yun ni Kuya.Hindi ko malilimutan ang moment na 'yun dahil para sa'kin,isa 'yun sa pinaka memorable even though my Kuya steal the show of Stacey and Matt's Wedding.
After nga 'nun,kaliwa't kanan na 'yung mga umiinterview sa kanya.Monteverde rin ang laging nasa frontpage ng mga Business Newspapers lalo na kami ni Kuya dahil nga nakabalik na s'ya at nanganganib naman ako pagdating sa kung sino ang magmamana ng Company ng pamilya namin.
Wala namang kaso sa'kin kung si Kuya uli ang maging tagapagmana dahil s'ya naman ang panganay at s'ya ang lalaking anak ni Elvin Monteverde.
Speaking of my Devil Kuya,andito kami ngayon sa mansion namin.Sa Monteverde Mansion.S'yempre pa kasama ko ang asawa ko at parents n'ya.May simple kasi kaming pa-welcome party kay Kuya.Ngayon ang dating n'ya galing China.May inasikaso lang daw s'yang pangako kina Stacey kapalit nung pag agaw n'ya ng eksena.
I wonder kung ano ang kapalit na 'yun...
Kasalukuyan kami nagbe-bake ng asawa ko.Actually,ako lang dahil wala naman alam sa pagluluto ang asawa ko.Kumbaga,ako 'yung cook at s'ya 'yung assistant na pasaway.
Kesyo imbis na cookies daw ang gawin namin,'yung magiging tagapagmana na lang daw n'ya dahil napakaboring daw ng bahay namin dahil walang batang tumatakbo sa paligid.
Palibhasa kasi sa bahay nila,may anak 'yung isa nilang maid at hinahayaan na tumakbo sa paligid nila.
Dito kasi sa'min,puro dalagang filipina ang maids namin.Patunay na 'dun si Yaya Donna na tumanda nang dalaga dahil hindi daw n'ya kaya iwan ang pamilyang kinalakihan na n'ya.Sa amin na s'ya tumandang dalaga.S'ya na ang nag-alaga kay Daddy mula pagkabata hanggang sa amin ni Kuya Allen and hopefully,sa mga magiging apo rin ni Daddy.
"Dapat kasi 'dun ka na lang sa garden at tulungan sila sa preparations 'dun.Ginugulo mo ako dito alam mo namang paborito ni Kuya ang mga bini-bake ko at special request n'ya.Tamo talaga kapag nagkamali ako dito,isusumbong kita kay Kuya."Banta ko sa kanya habang busy ako sa paglagay sa oven ng mga cookies at brownies na talagang ni-request pa sa'kin ni Kuya kagabi nung nag-video call pa s'ya.
"Naman...Para isa lang eh."reklamo pa nya 'nung suwayin ko s'ya sa pagkuha 'nung isang cookie na kalalabas ko lang sa oven."Saka kung tumulong ako 'dun,paano ka dito?Paano kung mapaso ka sa oven tapos wala ako dito?Alam mo naman na ayaw ko'ng may masamang mangyari sa'yo."
"Alam mo,ang OA mo."natatawa ko'ng sabi sa kanya saka nilagay sa lababo ang mga ginamit ko."Paano ako matututo kung hindi ako masasaktan?"
"Hindi ka naman masasaktan,sinisiguro ko sa'yo dahil nandito lang ako palagi sa tabi mo."Pagbibigay assurance n'ya sa'kin and he gave me a forehead kiss.
"Ahem!Ahem!"Pag-singit sa'min ni Yaya Linda na ikinatawa ko naman."Mukhang nakakaistorbo yata ako pero pinapasabi pala ni Ma'am Theresa,pakihatid na lang daw ng iba pang cookies sa garden at gusto daw matikman nina Mr.&Mrs.Wu."
"May sinabi ba kami na titikaman namin?"tanong naman ng asawa ko na may pagka-slow.
D U H .Nalimutan ba n'ya na andito ang parents n'ya na mas nauna sa'min na maging Mr.&Mrs.Wu?Sapakin ko na kaya 'to?
BINABASA MO ANG
Life with the BadBoy Husband
RomancePaano kung malaman mo na may Fiancee ka na pala kahit wala ka pa man din sa sinapupunan ng iyong ina? Paano rin kung ang Lalaking itinakda nila para sa'yo ay isang Dakilang Badboy? Paano rin kung ang Dakilang Badboy na 'yun ay ang mismong kaaway mo...