Aliana's POV.
(After 8 months.)
Walong buwan na ang nakakalipas mula nung dumagok sa Pamilya namin ang pinaka masaklap at pinaka masakit na pangyayari sa amin lalo na sa bata pinapanood ko ngayon na masayang naglalaro.
Dinalaw ko ngayon si Carlisle dito sa mansion.Mula nung mawala ang magulang n'ya na sina Kuya Jared at Ate Vivien,sina Mommy at Daddy na ang nag-alaga kay Carlisle habang kami naman ni Axl ay tumutulong pa rin naman sa pag-aalaga sa bata.
Minsan nga kapag may Out of Town sina Mommy at Daddy,kaming mag-asawa ang nagbi-babysit kay Carlisle.Ipapasyal lang namin s'ya tapos minsan sinasama namin sa office.
Okay lang naman na kasama s'ya sa office dahil hindi naman s'ya malikot at isa pa,giliw na giliw sa kanya ang mga empleyado.
Andito ako ngayon sa bahay namin hindi para mag-babysit sa pamangkin ko.Dito ako matutulog ngayom dahil nag-away kami ni Axl.
In other words,nilayasan ko s'ya.Bahala s'ya sa buhay n'ya.Lahat na lang ng pagdesisyunan ko sa buhay ko,madalas n'ya kontrahin.
At isa pa nga pala,sinuko ko na ang pagigimg Heir Apparent ni Daddy.Narealize ko kasi na wala sa Hotels and Resorts ang Forte ko when it comes to business.Nagalit pa nga s'ya nung una pero wala naman s'ya nagawa dahil si Kuya Allen na mismo ang nag-volunteer na makabalik as his Heir.
Pero hindi ako mapakali ngayon.Feeling ko,hindi ako makakatulog ngayong gabi nang hindi kami nagkakaayos ni Axl.
Aisht.Bahala na nga!
Ayaw ko naman na magkaaway kami hanggang sa 1st Wedding anniversary namin at 2 months na lang 'yun.
"Ya!Ikaw na lang muna ang bahala kay Carlisle ha?May aasikasuhin lang ako!" Tawag ko sa isang maid namin na agad naman lumapit.
Kinuha ko ang shoulder bag ko na nasa sofa at saka tumakbo palabas ng bahay at agad ako'ng sumakay sa Porsche ko.
Habang nagda-drive ako,may unknown number na tumatawag sa phone ko kaya naman sinagot ko ito.
[Hello,Aly?Si Stacey 'to.Kamusta?Alam mo na ba 'yung balita?]
"What now?I know there's nothing interesting about that news." Walang gana ko'ng sabi at kasalukuyang tinahak ang intersection lane.
[Ano'ng 'There's nothing interesting' you're talking about?Your Husband's Ex is back!]
"Oh e di she's back!Who the hell cares?As if naman na maagaw n'ya sa'kin si Axl e Head over Heels sa'kin ang asawa ko na ex n'yo pareho."
[Ay grabe ka ha.Remember,nainform na kita 8 months ago about that Diana Girl 'noh.That Girl is a Total Bitch.]
"Well I'm the Super Totally Bitch.Ang tulad ko,hindi dapat ma-threatened sa katulad n'ya.Sige na.Ibababa ko na'to.Nasa biyahe pa ako."
[Sige but let me remind you,looks can be deceiving.Kung may makilala ka na friend ni Axl na sa palagay mo nagbabait-baitan,s'ya na 'yun.]
"Okay,okay.'Wag ka nang OA d'yan ha?That would be my battle and I'm going to win." Sabi ko at binaba na ang tawag.
Papunta ako ngayon sa tinatambayan nina Axl,sa Bar na malapit lang sa tinitirhan naming bahay.
And yes,nakalipat na kami sa bago naming bahay just 2months ago lang at sakop 'yun ng Wu Residence.
'Yung bahay namin,'yun ang pinaka malaki sa buong residence.Kapag pinagsama ang Wu at Monteverde Mansion,ang bahay namin ang kalalabasan.Ganun s'ya kalaki.
6 months bago natapos ang paggawa sa bahay namin.Walang araw na hindi nagtrabaho ang mga nag-construct sa bahay.Walang absent ang mga pinadalang Engineers at Architect na mula kina Xander at Hendricks.
Ang bahay namin ay may apat na palapag bukod pa ang Underground Basement.
Underground-May Swimming Pool,Mini Bar at Spa.
1st floor (Ground Floor)-Car Port,Kitchen,Dining Area,Receiving Area,Laundry Area,Veranda,Garden.
2nd floor-My Wardrobe and Parlor Area.
3rd floor-Master's Bedroom(Kwarto namin ni Axl) and 4 Guest Rooms.
4th floor-Axl's Toy Collection Floor.Ganyan ang naisip naming style ng bahay.Kumbaga,pinagsama namin ang Dream House ko at Dream House n'ya.Ganyan lang.
Nang makarating ako sa Bar,tinangka pa ako harangan ng mga Guard at hindi ko alam kung bakit?
Pero dahil powerful ako,wala silang nagawa at dali-dali ako'ng nagpunta sa VIP Room na tinatambayan nila kadalasan.
Pagbukas na pagbukas ko ng VIP Door,ganun na lang ang gulat ko sa nasaksihan ko.
Para ako'ng binuhusan ng napaka lamig na tubig.
Kaya siguro ako sinubukan harangan ng Guards.Siguro binayaran sila.
Nasa kama sila at may kahalikan s'yang babae...Mukhang natapos na ang namagitan sa kanila...
Napansin ko naman ang pagtingin sa akin nung babae dahilan upang matigil silang dalawa.
"Look who's here,Axl." Sabi nung babaeng haliparot at lumapit ako sa kanilang dalawa.Ganun na lang ang gulat ni Axl nang makita ako.
Tumabi pa sa kanya 'yung babae at talagang hinawakan pa ang kamay n'ya.
Pinagmasdan ko silang dalawa at pinapatay ko na silang dalawa sa utak ko saka pinagmasdan ang babae.
"Diana,umalis ka na.Ako na ang kakausap sa kanya." Rinig ko pang bulong sa kanya ni Axl kung bulong man ang tawag 'dun.
So s'ya pala 'yung Diana?Ang pangit n'ya.Kasing pangit ng role n'ya sa buhay ko.
"So ikaw pala si Diana?Nag-aapply ka bilang kabit?" Tanong ko sa kanya at tinaasan pa s'ya ng kilay."Hindi ka ba mahal ng Mommy mo kaya hindi itinuro sa'yo na masama ang mang-agaw ng asawa ng iba?"
"Cookie,tama na 'yan.Diana,umalis ka na."
Hindi ako nakinig kay Axl.Ni hindi ko nga s'ya tinignan dahil busy ako sa pagkilatis sa Diana na 'to.
"Excuse me,hindi ako kabit.Nauna naman ako sa'yo.Nag-arrange marriage lang kayo.So I'll get back what is mine."
So totoo nga na nakabalik na pala ang babaing 'to?Ni hindi man lang sinabi sa akin ni Axl?Kay Stacey ko pa talaga nalaman?
Tama nga si Stacey.Mukhang mabait lang ang babaing 'to pero may pagka-b*tchy.Humanda s'ya sa'kin.
"Nauna ka nga,pero hanggang Girlfriend ka lang naman.Pero sino ba sa atin 'yung pinakasalan?Sino ang talo?" I said and I smirked at her.
Tinignan ko naman si Axl.Pinigilan ko ang sarili ko na umiyak dahil sa panlolokong ginawa n'ya.Nananaig sa puso ko ngayon ang galit para sa kanya.
Hindi ako makapaniwala na kinaya n'ya ako lokohin.Puwes,kakayanin ko naman na bigyan s'ya ng literal na pasakit sa buhay.
"Let me tell you something for the two of you.Bad karma is a B*tch." And I slapped Axl."So and I." Sabi ko pa at sinadya ko'ng banggain ang balikat nung Diana at lumabas paalis ng VIP Room.
Nang makarating ako sa kotse ko,dun ko na ibinuhos lahat ng luha at galit na kanina ko pa pinipigilan at nagpasya ako na magdrive pauwi ng bahay.
Magsisisi ka sa ginawa mo sa akin,Axl.Pagbabayaran mo ang lahat.Kayo ng Diana mo.
BINABASA MO ANG
Life with the BadBoy Husband
RomancePaano kung malaman mo na may Fiancee ka na pala kahit wala ka pa man din sa sinapupunan ng iyong ina? Paano rin kung ang Lalaking itinakda nila para sa'yo ay isang Dakilang Badboy? Paano rin kung ang Dakilang Badboy na 'yun ay ang mismong kaaway mo...