Aliana's POV
Nagising na lang ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pintuan ng kwarto ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa kaiiyak.
Hanggang ngayon kasi,hindi pa rin magsink-in sa isip ko na may taong kaya ako'ng saktan at sariling asawa ko pa.
Tama na rin siguro muna na mag-bakasyon muna ako.Hindi ko alam kung kaya ko'ng humarap muna kay Axl to clear things out.
Pero s'yempre,papayag ba naman ako'ng magpakabog sa Diana na 'yun?I'll take this vacation as my advantage.Bubuwelo muna ako bago ko atakihin s'ya.
Hindi isang tulad n'ya ang kakabog sa akin at hindi ako ang tipo ng tao na madaling matalo laban sa kanya.
Pagkabukas ko ng pinto,ganun na lang ang pagkagulat ko nang bumungad sa akin ang dalawa kong Kuya at nasa likod nila si Yaya Linda.
Bakas sa mga mukha nina Kuya ang galit.Lalo na ang mukha ni Kuya Allen na mukhang handang manakmal anytime.
Jusme,sana naman hindi sinabi ni Yaya Linda.Ayoko namang lalo pang magkagulo.
"G-Gabing-gabi na ah.Ano meron at kinakatok n'yo ako ng gantong oras?" Garalgal ko'ng tanong sa kanila.
Jusko.Paano na 'to?Mukhang alam na nila ang totoong nangyayari sa buhay namin ni Axl?
Paano na lang kung malaman nilang may babaeng unggoy na umeepal sa relasyon naming mag-asawa?
Naku naman,baka makapatay pa ng hayop ang mga Kuya ko tapos mababawasan ang kayamanan namin dahil s'yempre pagmumultahin sila ng Animal Welfare tapos makukulong pa sila dahil lang sa unggoy na 'yun.
Hell no!Hindi ako makakapayag na mabawasan ang kayamanan namin at makulong pa ang mga Kuya ko dahil lang sa katulad n'ya!
"Huwag mo na balaking mag-sinungaling,sinabi na sa amin ni Yaya Linda ang totoo." Ani ni Kuya Jordan na s'ya namang ikinalunok ko.
Hindi kasi ako ready sa mga possible questions nila.Feeling ko,nasa Hot Seat ako.
Feeling ko anytime,maiiyak na naman ako pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.
Napabuntong-hininga na lang ako.
"Pasensya ka na iha.Hindi kasi ako tinigilan ni Kuya Allen mo kaya napilitan ako'ng sabihin na sa kanya 'yung totoo." Paghingi pa ni Yaya Linda sa akin ng paumanhin at tumango na lang ako sa kanya.
Hindi ko naman magawang magalit sa kanya dahil naiintindihan ko naman si Yaya Linda.Kung ako rin naman ang nasa posisyon n'ya at kung alam ko namang naiipit na ako sa ganitong sitwasyon,magsasabi na rin ako ng totoo.
"Ayos lang,Ya.Hindi naman natin 'to maitatago forever eh." Sabi ko kay Yaya Linda saka ko tinignan sina Kuya Allen at Kuya Jordan."I caught him,making out with his other woman.Ang masakit pa du'n,sa ex pa n'ya."
Napayuko ako after ko sagutin ang mga tanong nila sa akin.Ayokong makita nila na nasasaktan ako.
"Gag* talaga ang lalaking 'yun.Humanda s'ya sa'kin." Galit na turan ni Kuya Allen kaya naman mas lalo ako'ng kinakabahan sa puwede n'yang gawin.
Matapos sabihin 'yun ni Kuya Allen,agad s'yang lumakad paalis sa harap namin.Kinakabahan ako sa mga puwede n'yang gawin.
"Ya Linda,kayo na muna ang tumingin-tingin kay Carlisle sa kwarto.Susundan ko lang s'ya." Utos ni Kuya Jordan kay Yaya Linda.Mukhang pati s'ya,alam n'ya kung ano ang maaaring gawin ni Kuya sa asawa ko.
Mahirap na.Baka pagtulungan nila ang asawa ko.Dalawa sila,nag-iisa lang si Axl!
"Sasama ako!" Pag-prisinta ko kay Kuya Jordan pero umiling lang s'ya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Life with the BadBoy Husband
RomancePaano kung malaman mo na may Fiancee ka na pala kahit wala ka pa man din sa sinapupunan ng iyong ina? Paano rin kung ang Lalaking itinakda nila para sa'yo ay isang Dakilang Badboy? Paano rin kung ang Dakilang Badboy na 'yun ay ang mismong kaaway mo...