Chapter 14.
Aliana's POV
"What do you mean 'like how I badly need it last night'?"I said while looking at him eye to eye.
Ewan ba.Kapag magkaharap kami ni Axl,nag-eeenjoy ako na tingnan ang magaganda n'yang mga mata.Hindi naman ganung kalakihan at hindi rin naman ganung kasingkitan.He has a perfect eyes only for perfect people like me.
"Wag mo sabihing nalimutan mo 'yung ginawa mo kagabi?'Yung nangyari kagabi between you and me."
Unti-unti ko namang pilit na inaalala kung ano 'yung mga nangyari kagabi.Mula sa bar,sa pakikipag-sagutan n'ya dun sa guy,pag-sundo at pag-sermon n'ya sa'kin sa parking lot,sa pag-uwi n'ya sa'kin dito sa unit,sa pag-halik---
And my eyes suddenly widened nang maalala ko kung ano 'yung next na nangyari O.O
I SUDDENLY KISSED HIM?
AS IN,AKO TALAGA 'YUNG HUMILA SA KANYA?
AS IN,AKO YUNG NANGKABIG NG BATOK N'YA?
AS IN,AKO YUNG HUMALIK SA KANYA?
Downloading...
Uploading...
Buffering...
"You're blushing."and he kissed me on my cheeks.
"No,I'm not.Ngayon mo lang napansin?Natural ang rosy cheeks ko.S-sige na.M-maghihilamos na ako."
Wait a minute,why am I stuttering while talking to him?
Aish,bahala na nga.
Dali-dali ako'ng tumayo at agad na dumiretso sa banyo upang tingnan ang sarili ko sa salamin.
At hindi s'ya nagkamali.
Namumula nga ang mukha koooooooooo!!!!!!!
Nakakainis >.<
Nakakahiya >.<
Napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa kahihiyan na dulot ko na naman >.<
Pagkatapos ko mag-linis ng sarili ko,agad na ako nagpunta sa kusina upang mag-luto ng breakfast namin.Light meals lang naman ang pareho namin gusto ni Axl sa umaga.Kadalasang ulam namin sa umaga ay itlog,hotdog,bacon or tocino at mahilig s'ya sa hot chocolate while me Fresh Milk lang ako.
Habang busy ako sa pagf-fry ng itlog,nagulat ako nung bigla na lang may yumakap sa'kin mula sa likod ko at hinalikan na naman ako sa pisngi >.<
"Ang bango naman ng niluluto ng asawa ko."sabi n'ya na tila buhok ko naman ang talagang inaamoy n'ya at hindi ang niluluto ko.
Ito'ng lalaki na 'to,mema talaga 'to e!Memanyakin lang!
If I know,nilalait na naman n'ya ang luto ko.Kapag nagluluto kasi ako,sasabihin n'yang 'hindi masarap' pero lagi naman n'ya inuubos at may kasunod pang round!
Ewan ko ba sa kanya.Ganun ba kahirap sa kanya na aminin sa'kin na masarap talaga ako mag-luto?
Kapag ma-pride nga naman talaga ang napangasawa oh...
"Ano na namang paandar 'yan,Axl?Wag mo na ako artehan d'yan.Alam ko'ng may hidden agenda sa likod ng pagiging sweet mo.Ano 'yun?Tell me."sabi ko sa kanya ng hindi man lang s'ya nililingon
Ganyan kasi 'yan,lagi n'ya pinagpa-practisan ang sweet acting skills n'ya para masanay daw s'ya na maging sweet kapag kaharap namin ang mga Business Tycoons para mahikayat sila na mag-invest sa gagawing conjoined business ng mga Monteverde at Wu.
And we are planning to have our very own RestoBar&Café.
"ito naman.Sweet lang,may kailangan agad?O sige ganto,sabihin na nating may hidden agenda ako total naman magdamag ako'ng puyat sa pag-aalaga sa'yo....You should treat me...Have a date with me..."
Literal na napa-jawdropped naman ako sa hinihingi n'yang kapalit.Ni hindi pa nga ako makamove-on dun sa kiss na kagagawan ko tapos dadagdagan pa n'ya?At ako pa ang sasagot sa date?
Pero wala naman ako choice.It's his wish at hindi ako makatanggi kapag gantong naka-pout pa s'ya sa harapan ko.
I took a deep sigh before answering him.
"Sure.Next week naman,holiday e.Right after the Convention in China." sabi ko at nilipat na sa plato ang mga ulam na iniluto ko.
5 Days after...
(3 a.m)
"Axl,gising na!Nakahanda na 'yung breakfast!Mali-late tayo sa airport dahil sa pagka-batugan mo eh!"Bulyaw ko sa kanya habang niyuyugyog pa.
"Bakit kasi kailangang nakasabay pa tayo sa schoolmates natin kung may private plane naman tayo?Ang aga pa Wifey,maawa ka naman."Pagmamaktol pa nito kaya naman hinampas ko s'ya ng unan.
"Ah ganon?I-cancel ko na lang kaya 'yung date na isang linggo mo'ng ipinipilit sa'kin?"
At mukha namang natakot s'ya sa banta ko kaya ito napabangon ng mabilis.
Nakapamewang lang ako sa kanya habang tinitingnan s'ya mula ulo hanggang paa,Gwapo!Perfect sana para sa isang magandang katulad ko,ugali na lang talaga.
"Bihis na.Nakapag-luto na ako.Bilisan mo."and he gave me a Good Morning kiss on my lips.
Ewan.Pero nasasanay na yata ako sa sweetness ng isang 'to.
Pero nakakalungkot rin isipin na baka kung tuluyan ako masanay sa sweetness n'ya,masasaktan rin ako sa huli lalo na at alam ko naman sa sarili ko na pansamantala lang ang pagsasama namin.
Nakarating na kami sa airport.Ang siste,magka-angkla kami ni Axl habang nasa kabila n'yang kamay ang maleta namin at sukbit ko naman ang shoulder bag ko na naglalaman ng passports at tickets naming dalawa.
"Akin na 'yung tickets natin.Ako na bahala para mas mabilis tayo."sabi ni Axl kaya naman kinuha ko sa bag 'yung passport at tickets namin.
"Bibili lang ako ng makakain natin."Paalam ko sa kanya saka naglakad papunta sa Food and Beverages area ng airport.
Kagabi pa sana kami mamimili ng babaunin namin pero sabi ni Axl na meron naman daw mabibilhan dito sa airport nila
Umorder na lang ako ng Hot Chocolate Drinks and sandwiches with snacks for Axl habang ako Juice lang ang inorder ko at newly baked bread lang.Nabusog na kasi ako sa kinain namin kanina sa bahay.
Habang hinihintay ko 'yung order ko,nagawi naman ang paningin ko sa Arrival Area.Ewan ko ba but I have this feeling na may tumutulak sa'kin na lumingon du'n
And there,I saw Jared.Mukhang may hinihintay s'ya at hindi ko alam kung sino dahil sa pagkakaalam ko,next month pa ang alis ng mag-ina n'ya para umattend sa wedding ng kapatid nito.'Yun lang naman ang nababalitaan ko mula sa mga tsismosang tenants ng tinitirhan namin.
Tinignan ko lang si Jared hanggang sa may lumapit na kung sino'ng lalaki sa kanya.
Hindi lang s'ya basta kung sino.
Kilalang-kilala ko kung sino ang kausap ni Jared.
Why is he suddenly got home?
BINABASA MO ANG
Life with the BadBoy Husband
RomancePaano kung malaman mo na may Fiancee ka na pala kahit wala ka pa man din sa sinapupunan ng iyong ina? Paano rin kung ang Lalaking itinakda nila para sa'yo ay isang Dakilang Badboy? Paano rin kung ang Dakilang Badboy na 'yun ay ang mismong kaaway mo...