LWTBBH 8

996 21 0
                                    


Aliana's POV

(After 1 month)

Isang buwan na ang nakalipas mula nung biglaang wedding proposal and 1 week na rin ang nakalipas mula nung nanggaling kami sa China para ikasal.

Yes,kasal na kami sa China.Private ang naging wedding namin.No reporters,business partners.Tanging Family and Friends lang ang invited kase napag-usapan namin ni Axl na we just want a simple yet intimate wedding.

3 araw na mula nung bumalik kami sa Pilipinas but dito muna ako nag-stay kina Daddy para ayusin ang mga gamit ko na ililipat sa Pent House Unit ni Axl.

At ngayong araw na 'to ay ang araw nang paglipat ko sa poder n'ya.

Napatingin muna ako sa kaharap ko'ng Building sabay tanggal ng shades.

"Hmm...Not bad..."sabi ko at tuloy-tuloy na pumasok sa loob hila ang dalawa ko'ng malalaking maleta na naglalaman ng mga gamit ko.

Pagkapasok ko ay dumiretso na ako sa elevator at ni-press ang 44th/Last Floor.

Humanda talaga sa'kin ang lalaking 'yan!Ni hindi man lang ako sinundo!May basketball practice daw!

S'ya nga pala,nalimutan ko sabihin.Ang Pent House Building na 'to ay negosyo mismo ni Axl.Galing sa naipon n'yang investments.

*44th floor ting!*

Lumabas na ako ng elevator at saka tinungo ang nag-iisa at pinaka luxury na unit,Axl's Unit.

Agad naman ako nag-doorbell at bumungad ang isang babae na mukhang katatapos lang maligo.

"Ay,sorry.Nagkamali ata ako ng room."Hinging paumanhin ko.

Aalis na sana ako nung marinig ko ang isang pamilyar na boses.Automatic naman na umakyat ang dugo ko.Kung kanina nasa Calm Level pa,ngayon nasa Monster Level na!

'Vivien,sino 'ya---Wifey?!'

Lumakad ako pabalik while crossing my arms at pinaningkitan ko s'ya ng mata.Nakakagigil 'tong lalaking 'to!

Isang linggo palang kaming kasal,may kabit na!

Tinabig ko si Axl dahilan upang ma-out of balance s'ya at saka dire-diretsong pumasok sa loob at hindi sila pinansin.Naupo ako sa couch at pinagmasdan sila.Lalo na yung Vivien.

"Sino ka naman?"agad na tanong ko at tinaasan ko s'ya ng kilay.Pinagmasdan ko rin s'ya mula ulo mukhang paa.

"Nasiraan s'ya ng Water Outlet sa baba kaya dito muna nakiligo."Pagdadahilan ni Axl sabay kamot sa ulo n'ya.

Malaman ko lang talaga na nagsisinungaling ang dalawang 'to.Makikita nila.Sabay ko talaga sila ihuhulog mula dito sa 44th floor!

"Kailangan talaga makiligo sa bahay ng ASAWA KO kung pwede namang tumawag sa staffs?"

"Babe,tapos ka na ba?Sorry na-late ako ah!Nagising kasi si Baby e!"napalingon ako sa nag-salita.

He looks so very familiar...

Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyan ko na s'ya makilala.

"Jordan?"agad na nasabi ko habang titig na titig sa lalaking nasa pinto ng Unit ni Axl.

"Ahm Mrs.Wu,he's not Jordan.He's Jared,Jordan's Twin Brother and my...Husband..."agad na paliwanag nu'ng Vivien sabay angkla dun sa Jared.

Takte!Nakakahiya!Napahiya ako dun ah!Nakakahiya talaga!Ayoko na!Lupa,kainin mo 'ko!

Ay shete,nasa 44th floor nga pala kami at hindi ako makakain ng lupa!

Never in my whole life na napahiya ako ng ganito katindi!

And there it goes,I heard his annoying laugh!

Kaya naman sa sobrang inis ko sa letseng tawa n'ya,binato ko s'ya ng throw pillow sabay takbo papasok sa isang kwarto na hindi ko alam kung kanino at saka ni-lock.

Or should I say,kwarto namin?Dahil makikita sa buong kwarto ang nakasabit naming Wedding Portrait,halos mag-patayan kami habang pinipicturan dahil ayaw n'ya ngumiti!

Nakikita ko rin sa kwarto na 'to ang mga nakasabit naming pre-nuptial photos at yung mga pictures na ginamit n'ya sa proposal-kuno n'ya.

And there,I saw his childhood photos on his bedside table.

Habang busy ako sa pagmamasid,nagulat ako n'ng bigla pumasok sa kwarto si Axl.

Teka...

Ni-lock ko 'yun ah!

Paano s'ya nakapasok?!

"Baka nalilimutan mo,bahay ko 'to at may spare keys ako."sabay wagayway nito sa'kin ang susi na tila ba nababasa n'ya ang iniisip ko.

Nilingon ko muna ang pinto dahil baka andun pa 'yung kapitbahay naming nasiraan ng ng tubig.Alam n'yo na,ayaw ko'ng magkaroon ng Part two 'yung kahihiyang inabot ko kanina!

"Wala na sila."

Inirapan ko s'ya upang hindi n'ya mahalata na nahiya ako sa mga nangyari kanina "Nasaan nga pala 'yung magiging Room ko?"Pag-iiba ko ng usapan dahil kilala ko si Axl.Hindi s'ya titigil hangga't di ako napapaamin kung bakit ko 'yun nagawa kanina!

"Correction,OUR ROOM."Pagtatama n'ya pa.

What?!

At dahil hindi ako payag na sa iisang kama kami,nakaisip ako ng paraan.

"Okay.Dun ka sa couch."at akmang hihilahin na sana ang mga maleta ko nang bigla n'ya ako itinulak sa kama at pumaibabaw sa'kin

Sa ginawa n'yang 'yun,nanlaki ang mata ko dahil sa gulat at nag-simula nang kabahan.

No Lord,please!Hindi pa ako handa isuko ang bataan at hindi 'yun para sa kanya!

Palapit nang palapit ang mukha n'ya hanggang sa halos 1 inch na lang ang pagitan ng mga mukha namin.Kaunti na lang,'yung virgin lips ko!

Oo,virgin talaga dahil sa noo n'ya ako hinalikan nung kinasal kami!

"No one will sleep in my couch and you should know on what married couples do inside the bedroom."sabi pa nito with his lower voice and pressed his lips to mine na nagpatigil ng mundo ko.

O.O

HE

KISSED

ME

ON

MY

LIPS!

OMG!!!MY FIRST KISS!!!

SI AXL?!SYA TALAGA?!

Life with the BadBoy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon