[Chapter:12] (Ms.Vice President)
Valeriana
"STD club, seriously?" Tumango naman ito at humalikipkip sa lamesa.
Bumuntong hininga naman siya at pinaglaruan ang ball pen na kanina pa nito hawak. "I didn't name the club. It's the headmistress decision, and I cannot do anything about it."
Weird but unique. Mag tita nga ang dalawang to, pareho silang weird at nakakatakot, minsan.
"At ano naman ang problema mo ngayon? You agreed to her offer and you've signed the contract papers, there's no more turning back." Sambit ko na ikinaikot ng mata niya. Umupo siya ng tuwid at kinuha ang notebook na nasa lamesa at nag sulat sulat doon.
Nagtatakang tinignan ko naman siya. "Ano bang ginagawa mo?" Naguguluhang tanong ko habang umiinom ng tubig.
"Nag-iisip kung paano makapukaw ng atensyon sa mga estudyante sa darating na club fair bukas." Deretso niyang sagot at dahil nasa kalagitnaan ako ng paginom ay naibuga ko iyon sa mukha niya.
Tinignan naman niya ako ng masama habang hinuhubad ang salamin niyang nabasa. "Iinom inom ka tas ibubuga mo sa'kin. " umiiling na sambit niya habang pinupunasan ang lens ng salamin niya.
"Nangbibigla ka kasi! At hindi ko alam na bukas na pala ang club fair! Paano na tayo nan? Siguradong pag di natin na reach ang limit ay bye-bye tambayan na-I mean bye-bye club na." Napapakamot sa batok na sagot ko.
Napailing nalang siya muli at hinubad ang blazer na suot. "You literally soaked me wet. Gaano ba kadami ang kaya mong ilagay na tubig jan sa bibig mo at basang basa ako?" Naiiling na tanong niya at sinunod ang necktie at sumunod naman ang butones ng long sleeved na suot niya. "Tignan mo oh. Pati looban na damit ko basa. Tsk." Naiinis na sambit nito at tuluyan ng hinubad ang long sleeved na suot.
Napapamaang na nakatingin lang ako sa kanya na may nanlalaking mata. Ang tarantado lakas ng loob mag hubad sa cafeteria! Napatingin naman ako sa paligid at nakitang ang daming babae at bakla ang pinagnanasaan ang katawan ng lalaking to.
"What's with the look?" Tanong nito habang nag susuot ng panibagong long sleeved at binutones iyon.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Lakas kasi ng loob mong mag hubad nalang bigla sa loob ng cafeteria pa talaga. Kung saan madaming babae at bakla ang nag papantasya sayo."
May munting ngisi naman sa kanyang labi ng matapos akong mag salita. "Jealous? Don't worry, sayo parin naman ako umuuwi at hindi sa kanila. So you'll see my half naked body every day or even my full body naked." Wika niya na ikinaluwa ng mata ko sa gulat.
Naiinis na kinuha ko ang tray na pinaglalagyan kanina ng pagkain ko at walang pag-aalinlangang hinampas sa mukha niya. "Gago ka! Kung ano ano na lumalabas jan sa bunganga mo. Kung isalaksak ko kaya sayo tong tray?! Nako! Nako! Okay nako sa dating ugali mo, ibalik mo na dali. Mas gusto ko pa makipag usap sa hangin at masungitan kesa mamanyak ng bunganga mong yan." Sambit ko habang patuloy na inahahampas ang tray sa dereksyon niya.
Wala naman siyang reaksyon at sinasalag lang ang paghahampas ko. Sa huling hampas ay pinigilan niya na ang kamay ko gamit ang pag hawak sa pulsuhan ko. Medyo diniinan niya ang pag hawak dito kaya't nabitawan ko ang tray na hawak at nahulog ito sa mesa.
Binitawan niya na naman ang pulsuhan ko ng mabitawan ko narin ang tray. Kinuha niya ito at binato sa kabilang table, ganun din ang ginawa niya sa tray na pinaglagyan kanina ng pagkain niya.
He then eyed me. "There. Wala kanang maiihampas o di kaya mababato na masyadong masakit, pwera nalang sa plato at bote na nasa lamesa nato. And if you dare to do it again with what's left in the table, I swear. Matutulog ka mamaya sa sala, ilo-lock ko ang kwarto mo para hindi ka makapasok." He warned me, coldness coated every word he said.
BINABASA MO ANG
Code
Mystery / ThrillerLies and deceptions. The tightly knotted mystery about their past. What should they believe? Can they solve the mystery surrounding them? Their adventure begins now. *** [This is a Tagalog - English Story] [Mystery/Thriller] [Complete] [Cover by: At...
