[Chapter:3] (Partners)
Valeriana
Pag bukas ko ng pinto ng apartment na pinagsasaluhan namin ni Code ay nakita ko siyang prenteng naka upo sa pang isahang sofa sa sala, habang may hawak na pulang papel.
Malakas ko namang sinara ang pintuan dahilan para mapatingin sa akin ito. Inirapan ko siya at pumasok sa aking kwarto, nag bihis muna ako ng pambahay bago lumabas at komprontahin ang kumag na lalaking nag may weird na pangalan na, Code Harrison.
Umupo naman ako sa katapatang sofa na inuukyupa ngayon ni Code. Binaba niya ang pulang papel at inaabot sa akin.
Taas kilay ko naman yun kinuha at binasa. Parang nahilo ako sa nakita ko sa papel, mga dot at dashes lamang ang laman nito. Mukhang itong code pero di ko alam kung anong uri.
Tinignan ko siya ng may pag tataka sa aking mukha. Nag tataka kung bakit niya ako binigyan ng isang papel na may code.
"It's a letter given by the killer." He said.
"Oh? Bakit mo binibigay sa akin?," takang tanong ko. Pinagsaklop niya naman ang kanyang kamay at nilagay sa kanyang hita.
"I've decoded it and it says Death is within you, GSHR."
Lalo naman tumaas ang kilay ko sa sinasabi niya. "So? Anong konekt ng gusto kong malaman sa nangyari kanina sa pinagsasabi mo?," tanong ko.
"You want to know what happened earlier right?," tanong niya, pinaikot ko naman ang mata ko.
"Malamang litong lito kaya ako kanina at paano mo kilala ang pulis na rumuspende kanina eh hindi ka naman pumupunta sa pulis station. Pwera nalang kung may katarantaduhan kang ginawa dati nung di pa tayo mag kakilala." Napailing naman ito sa sinabi ko.
"Hold your questioning for now. Help me solve this case, then I will tell you everything you want to know. But if you don't want too, it's fine with me. It's a favor to me actually," he said, tempting me.
Alam ko namang di ako makakatanggi eh, nakain nako ng kyuryusidad ko sa pagkatao ng lalaking to, na nakasama ko na ng matagal na panahon pero di ko parin pala ganun kakilala. Masikreto siya alam ko, hindi ako nag tatanong dahil baka mamaya serial killer pala ang kasama ko at pag nag tanong ako bigla nalang ako patayin.
"Fine, tutulungan kita sa kakayanin lang ng utak ko." napipilitang pag sang-ayon ko. Pumalakpak naman siya at tumayo na, kinuha niya naman muli ang pulang papel.
"Great, well start tomorrow, for now, rest. I'm sure that tomorrow will be a long day for the both of us," sambit niya at pumasok na sa kanyang kwarto.
Napailing nalang ako. Bakit pa nga ba ako pumayag sa kagustuhan ng lalaking yun?
Narinig ko naman ang pag bukas ng pinto ng kwarto ni Code. Pagtingin ko dun ay nakita kong nakasilip doon si Code.
"And may I remind you that you lost on our bet. Give me the one thousand pesos when we're done on the case," sambit niya at sinara na ng tuluyan ang pinto ng kanyang kwarto.
Inis kong hinubad ang sapatos na suot ko at binato sa dereksyon ng pinto ni Code, malakas na kumalabog lang ito doon. Ang saya siguro kung bubukas ulit iyon at idudungaw niya muli ang ulo niya, tiyak na masasapol ko siya ng sapatos ko.

BINABASA MO ANG
Code
Gizem / GerilimLies and deceptions. The tightly knotted mystery about their past. What should they believe? Can they solve the mystery surrounding them? Their adventure begins now. *** [This is a Tagalog - English Story] [Mystery/Thriller] [Complete] [Cover by: At...