[Chapter:34] (Attacked)

726 41 7
                                        

[Chapter:34] (Attacked)

Lasley Winford

Inis na pinatayan ko ng tawag si Dad na ilang araw nakong kinukulit kung bakit ako bigla nawala. Ayoko namang sabihin na nasa Spain ako para sa isang kaso. Siguradong magagalit nanaman ito at sasabihin ng kung ano anong masasamang salita si Code. Malaki ang utang na loob ko kay Code dahil siya ang nag ligtas sa akin noong kamuntikan nako mamatay. Actually, dalawang beses nako nito nililigtas sa binggit ng kamatayan. Hindi lang siguro ako nito nakilala dahil masama ang naging ala ala nito noon sa paaralang yun.

"Lasley." Napalingon naman ako sa aking likod ng marinig ang pamilyar na boses ni Faze. He has his both hands in his pocket while looking at me boredly. "What are you doing out here?" He asked. "They're already integrating the Raze, the dude they found, inside." He said while looking back inside.

"I was talking to my Dad." I said. Napatango naman ito. "I see, did he bad mouth your knight, again?" He asked. Tumango naman ako. "Lagi naman, hindi niya kasi matanggap na niligtas niya ako sa pangalawang pagkakataon." He chuckled. "Because your dad is jealous. Lagi nalang kasi na kay Harrison ang atensyon mo. Alam mo namang ikaw nalang ang meron siya." Anito at sumandal sa pader na nasa tabi niya lang.

"How about you? Still searching for that girl?" I asked. Napabuntong hininga naman ito. "Yeah, kaya lang naman ako pumayag na tumapak muli sa bansang ito dahil nag babakasakali akong makita siya." Malayo na ang tingin nito. Nabasag lang ang katahimikan na namutwi sa amin ng nag mamadaling lumabas si Wolf sa loob ng opisina at hatak hatak ni sa kuwelyo si Klein.

Natigilan ito ng makita kaming dalawa ni Faze. "Bakit kayo nasa labas?" Tanong nito. "Eh kayo? Bat parang nag mamadali kayong dalawa?" Faze shot back. Hindi naman siya sinagot nito at nilagpasan sila, hila hila parin nito si Klein. "I smell something fishy going on." I said at tumingin kay Faze na sinusundan ng tingin sila Wolf. "Mmm, let's follow them." Bigla nito hinawakan ang kamay ko at hinila pasunod kila Wolf.

Di ko mapigilang mangiti sa ginawa niya. My gosh ang isang Faze Fernandez ba naman ang humawak sa kamay mo ewan ko nalang kung di ko mawawala sa ulirat. Sa totoo lang matagal nakong may gusto sa hinayupak nato pero mukhang sa nasobrahan sa pagiging manhid ang lalaking ito at di ako napapansin, ang saklap lang. Last time akala ko aamin siya sa'kin na may gusto din siya sa'kin pero gusto lang pala makipagkaibigan ng loko. Aniya pa na ako lang kaisa-isahang tao na nakilala niya at pinagkatiwalaan niya ng buo.

Nasa kasuluksulukan na kami ng bahay ng tumigil sa paghila si Wolf kay Klein. Sa takot na mapansin ng dalawa ay hinila ako ni Faze patago sa likod sa isa sa mga pilar na nandoon. Dahil maliit lamang ang espasyo na pwedeng maitago ng pilar ay face to face kami ni Faze at malapit na lumapat ang aming mga mukha sa isa't isa. Napalunok ako ng makitang matiim ako nitong tinitigan at naging sunod sunod ang naging lunok ko ng bumaba ang paningin nito sa labi ko.

Naiilang na nag iwas ako ng tingin dito. Hindi ako makagalaw dahil mahigpit ang hawak nito sa parehong braso ko. "I—uhm—c-can you p-please l-let go of m-me?" Kandautal-utal kong sabi. Ngunit di ako nito pinansin at lalo pako hinapit palapit sa kanya. Natuod ako ng ilapit nito sa tenga ko ang bibig niya. "Shh, Wolf is looking behind him." He whispered, I felt a chill travelling down my spine when I felt his hot breath breathing in my neck. "Hmm, you smell good, Ley." Nanlaki ang mata ko ng maramdamang dumampi ng bahagya ang labi nito sa leeg ko. Nangilabot ang buong pagkatao ko at nanghina ang tuhod ko. Mabuti na lamang ay hawak ni Faze ang beywang ko ng mahigpit kung hindi kanina pako nakikipaghalikan sa lapag. Hindi naman alintana nito na nanghihina ako dahil patuloy parin ito sa ginagawa.

Code Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon