[Chapter:21] (Rian's Death)

958 43 2
                                    

[Chapter:21] (Rian's Death)

Valeriana

Bakit ba pag palagi nalang nag papaka detective ang isang to ay napupuruhan? Nabuntong hininga nalang ako at napatingin sa kamay kong puno ng dugo ni Code. Natuyo na ito kakaintay ko sa pag labas ng doktor na nasa loob ng O.R.

Kasama ko ngayon si Aver at Night, ang iba naming kasamahan ay nasa condo ni Rian at nag hahayag ng kanilang komento sa nang yari. Napalingon ako sa dalawang tahimik lang ding nag iintay. Napatayo naman ako ng makita ang doktor na lumabas sa O.R, nilapitan ko ito at kinamusta ang lagay ni Code.

Ngumiti ito. "The operation went well so you can be at ease now, Ma'm." Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nito. Tumungo ito at nag paalam ng aalis, nakangiting tumango ako pabalik at nag pasalamat.

Saktong lumabas na si Code sa O.R habang tulak tulak ng ilang doktor. Lalapitan ko sana ito ng may pumigil sa akin sa likod, nilingon ko ito at nakita si Aver na seryoso ang mukha.

"Bakit?" Takhang tanong ko.

"Rian Roxas is dead." Mahina nitong sambit. I gasped in shock, parang kanina lang ay kasama pa namin itong akayin si Code.

"Anong nangyari? Bakit? Paano? Aver kasakasama lang natin siya kanina!"

"Calm down, Val. Nasa ospital tayo." Mariing usal niya. Nilapitan naman kami ni Night na hawak hawak ang kanyang telepono.

"Ako na ang maiiwan rito. Pumunta na kayo sa condo ni Rian, nandoon silang lahat ngayon." Suhestensyo pa nito.

"Sure ka? Baka pag balik namin dito pareho na kayong nakaratay jan sa hospital bed?" Naniniguradong tanong ko, tumango siya at nginitian ako. Nilagay pa nito ang kamay sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.

Sinampal ko naman palayo ang kamay niya at inis na inayos muli ang buhok ko. "Tara na nga Aver." Hinila ko na si Aver palabas ng ospital at nag tawag ng taxi.

"Saan po?" Tanong nung driver sa amin.

"Sa Kings building, kuya." Sambit ko at tumango lamang ito at nag simula na mag drive.

***

Pag baba namin sa taxi ay nakita ko agad ang mga nag kalat na kotse ng pulis at ambulansya na may sinasakay sa likod na may tapal ng makapal na puting tela. Hinayaan kong mag bayad si Aver kay manong driver at nauna ng makipagsiksikan sa mga tsismosa't tsismosong tao na naroon. Pag lusot ko sa pulis line ay agad akong hinarang ng isang pulis.

"Bata crime scene to hindi maaring basta basta ka nalang pumasok." Mariing sabi nito at talagang tinulak pako pausod. Isa pa sige hahambalusin kita, pakialam ko kung pulis ka.

Inalis ko naman ang hawak niya sa balikat ko. "Isa ako sa mga kasama ni Rian Roxas. At kilala ako ng Inspektor na naka-assign sa kasong to!" Inis kong sabi rito.

Pagak itong tumawa. "Masyadong tirik ang araw para managinip ng ganyan bata. Walang ka close na bata si Inspektor Villanueva." At hinawakan nito sa braso at hihilahin na sana palayo roon ng may sumigaw sa likod.

"Val!" Agad namang nag tatakbo palapit si Lisa sa dereksyon namin ng makitang hinihila ako palayo ng buwesit na pulis nato.

Tinignan niya naman yung pulis. "Sir, she's with us together with Mr. Aver Montreal." Sabi nito rito at hinila ako palapit sa kanya.

Mukha namang napahiya sa manong pulis sa akin. "Sigurado kaba? Baka masermunan ako ni Inspektor Villanueva pag pinalagpas ko yan." Pag dadahilan pa nito. Ulol! Napahiya ka lang sa harap ng madaming tao, ayaw nalang tanggapin na kasama ako sa mga lulutas ng kaso eh.

Code Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon