[Chapter:11] (The Decision)

1.2K 47 3
                                        

[Chapter:11] (The Decision)

Valeriana

Napamulagta ako ng gising ng maalalang nakatulog pala ako sa sofa sa sala habang hinihintay si Code.

Bwesit nayun, alas-dose na ng gabi wala parin. Pag lang talaga sumakit ang likod ko babalian ko siya ng buto. Mag hihimutok pa sana ako ng mapatingin ako sa paligid.

Book shelves full of academic and mystery/thriller books, black and white theme, and neat study table. It look like exactly my room.

"Paano naman ako napapunta dito sa kwarto ko?!"

Gulat na sambit ko at napabalikwas ng bangon sa kama ko. Hindi naman ako nag sle-sleep walk, kaya paano ako napunta rito?

Hindi kaya—no! Hindi ako bubuhatin nun hanggang dito. Mas imposible ding buhatin ako nun, mag hihimutok nag mag hihimutok ang isang yun. Kesyo ang bigat ko daw para sa isang payatot na tulad ko.

Pag labas ko sa sala ay aroma ng kape ang bumungad sa akin. Napatingin ako sa kusina ng makarinig ng mga yabag, at eksakto namang lumabas si Code na may hawak na tasa na nasisiguro kong kape ang laman.

Parang hindi na siya nagulat na makitang gising nako. Sabado naman ngayon kaya ayos lang.

"I already made coffee for the both of us. If you need anything knock on my door, I see what I can do."

Sambit niya at iniwan ako sa sala. Narinig ko ang pag bukas at pag sara ng pinto ng kwarto niya na katabi lamang ng kwarto ko.

Papasok na sana ako sa kusina ng maalalang may ikukumpronta nga pala ako sa kanya. Kinuha ko muna ang tasa kong nasa lamesa na may laman ng kape at dumaretso sa kwarto nito.

Walang katok katok na binuksan ko ito na ikinagulat niya bahagya.

He narrowed he's eyes to me with a frown plastered in he's face. "Diba sabi ko sayong kumatok ka?"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at sumandal sa gilid ng pintuan niya habang sinisimsim ang kape ko. Tinignan ko naman ang kabuuan niya, muscle shirt paired with rugged shorts.

Hmm...

"Anong oras ka nakauwi kagabi? At saan ka galing?" Deretsong tanong ko.

Narinig ko naman ang bahagya niyang pagtawa na bahagyang kinagulat ko, hmm, marunong naman palang tumawa ang isang to.

He eyed he's laptop, again, then spoke. "You sound like a jealous girlfriend." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

Napaalis ako sa pagkakasandal sa gilid ng pinto niya at matalim na tinignan siya.

"Kung ano anong lumalabas jan sa bunganga mo. Sagutin mo nalang kaya ang tanong ko?"

He chuckled lightly. "Nag pahangin lang ako sa labas at di ko na namalayan ang oras, dahil ang pinuntahan ko ay nakakapag pagaan ng loob."

Napataas naman ako ng kilay. "At saan naman yun? Wag mong sabihin sa parke?"

Umiling naman siya. "Hindi, masyadong madaming nakakasukang tanawin doon." Sambit niya na ikinatawa ko sa loob loob.

"Saan nga?" Pangungulit ko.

Napatigil lang ako ng seryosong tignan niya ako. "Daldalhin kita doon, pag sinipag ako ulit." Sambit niya at pinalabas na ako, mukhang seryoso ang ginagawa niya sa laptop niya at naiistorbo ko na.

Napatango na lang ako at sinara na ang pintuan ng kwarto niya. He really know how to intimated people and it's creepy.

~*~*~*~*~

Code Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon