[Chapter:6] (Excuses)

1.6K 74 0
                                    

A/N: I'm sorry for the long wait. I'm currently finishing 'Xavier Academy' so I can focus on this story.

Sana ipagpatuloy ninyo ang pag suporta sa storyang to kahit na medyo mabagal ang updates.

Thank you for your understanding and happy reading, my dear readers. ❤

***

[Chapter:6] (Excuses)

Valeriana

"Maayos napo ba ang kalagayan niya?" I asked while eyeing Code whose unconsciously lying at the school clinic bed.

Ngumiti naman sa akin si Nurse Kayla. "Maayos na ang lagay niya. Buti na lamang at nadala ninyo agad siya dito, kung hindi baka lalong lumala ang sitwasyon niya."

Nakahinga naman ako ng maluwag at bigla na lang sumimangot. "Yan kasi eh. Lagi nalang pinagsasa-walang bahala yung mga ugok na lagi ng bubully sa kanya. Ayan tuloy ang naging resulta." Sambit ko habang nakatingin sa dereksyon ni Code.

Natawa naman bahagya si Nurse Kayla. "Umiiwas lamang yan sa gulo. Alam mo namang ayaw nan sa masyadong atensyon." Komento niya, napairap naman ako sa ere sa sinabi niya.

"Ayaw sa masyadong atensyon? Eh ano sa tingin niya ang magiging resulta ng pangingialam niya sa kaso ni Lois Lavender? Mas naghagilap pa nga siya ng atensyon lalo na sa mga local reporters nayun na ayaw kami tantanan!" Singhal ko.

Natatawang tinignan naman ako ni Nurse Kayla. "Maganda naman ang ginawa ninyo. You guys give justice to that young man's death." Seryosong sambit niya.

Napatingin naman ako sa kanya at napabuntong hininga. "Masaya naman ako at nakatulong kami sa kaso at nadikubre pa namin- ay mali! Siya lang pala ang nakadiskubre, extra lang ako." Sambit ko, napailing nalang si Nurse Kayla sa sinabi ko.

"Pareho naman kayong may naitulong. Namangha pa nga ako lalo sa katalinuhan ninyo ng ma i-close ninyo ang kasong yun. Dinaig ninyo pa nga yung detective ng kapulisan." Pang-uuto nito. Natawa naman ako.

"Kaya nga siguro nasa rango kayo pareho. Dahil pareho kayong matalino at may mabait na ugali." Dagdag nito.

Nginitian ko naman siya at napakamot sa ulo. Medyo nakakahiya palang pag usapan ang nagawa mong kagandahan sa ibang tao.

"Salamat Nurse Kayla. Kaya paborito kitang Nurse eh kesa kay Nurse Isabelle na napaka sungit kala mo naman kagandahan." Singhal ko. Napahalakhak naman ang kausap ko sa sinabi ko.

"Masyado ka naman hard kay Nurse Isabelle. Pero hayaan mo pareho tayo ng nararamdaman sa babaeng yun. Hindi nga lang natatanggal yun dahil may kapit sa school na ito." Iiling iling na sambit nito at bumalik sa table niya.

Nag kwentuhan at nilait namin si Nurse Isabelle na napakasungit na kala mo laging meron. Natigil lang ang masayang pag uusap namin ng makaramdam ako ng gutom.

Napatingin naman ako sa orasan na nasa clinic at napagtanto na hapon na pala at di na ako nakapasok sa umagang klase ko.

"Nako, patay. First time kong di pumasok sa mga subjects namin." Mahina kong sambit habang nakatingin sa orasan.

"Hayaan mo na. Isang beses lang naman at kailangan ka nan ni Code. Siguro naman at nakarating sa kanila ang nangyari jan sa batang yan." Pag papagaan ng loob na sabi ni Nurse Kayla.

Code Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon