[Chapter:32] (Raze De Leon)

719 38 1
                                        

[Chapter:32] (Raze De Leon)

Third PoV

Tahimik na nag mamanman si Val sa entranda ng bahay ni Iker Cabrera, nag babakasakaling mamataan kahit saglit ang lalaking nakita nila sa CCTV noong nakaraang linggo. Isang linggo narin ang nakalipas mula ng mapanood nila ang nilalaman ng CCTV at isang linggo narin silang nag mamanman sa harap ng bahay ni Iker Cabrera na hinala nilang sususnod na aatakihin ng lalaking pinaghihinalaan nilang si Code.

Naalimpungatan naman si Calles at Zylo na siyang kasama niya sa loob ng kotseng ginagamit nila pang manaman. "Any movements?" Tanong ni Calles habang napapahikab pa. Alas-dos narin kasi ng madaling araw at kanina pang ala-sais sila nandoon para mag bantay sa pwedeng mangyari.

Napabuntong-hininga naman si Val at umiling. "None, kanina pako titig na titig sa gate ng bahay nayan pero wala akong nakitang kahina hinala." Sagot nito kay Calles. Kumunot naman ang noo ni Calles ng mapatingin sa loob ng kabahayan. "That's weird, they turned off the lights upstairs." Binalingan naman siya ng tingin ni Val. "What's weird about that? Baka tulog na ang tao sa loob ng bahay kaya patay." Inirapan naman ito ni Calles. "Matogal na tiyong nag mamanman ditow di mo parin na caught ang habit nila?" Napahalakhak naman ng malakas si Val habang tahimik na natawa si Zylo sa likod dahil sa pag tatagalog ni Calles. Sumama naman ang mukha nito sa naging reaksyon ng dalawa. "Stop laughing! It's only been a month since I started learning your language." Nakasimangot nitong reklamo. Nalaman nilang may dugong Pilipino si Calles at lumaki lamang sa Spain dahil sa kagustuhan ng ama niya. Nakakaintindi ito ng tagalog ngunit hindi ito maalam sa pagsasalita nito.

"Cute." Mahinang bulong ni Zylo ngunit narinig naman ni Calles. Ngunit bago ka makapagsalita si Calles ay inunahan nato ni Zylo. "Lagi nilang hinahayaang bukas ang ilaw sa itaas dahil takot sa dilim si Iker. Hindu mo ba nahahalata na laging maliwanag sa buong kabahayan? Lalo na sa kwarto ni Iker." Paliwanag ni Zylo habang nakasilip sa kabahayan. "At ngayon patay ang buong ilaw sa itaas pati narin sa kwarto ni Iker." Dagdag nito.

"I think that guy is already inside the house. Nahilisihan tayo." Ani Calles. "Nasilisihan hindi nahilisihan." Pagtatama naman ni Zylo rito. Inirapan lang naman siya ni Calles. "Anyway, I think we should check it out. Calles might be right." Suhestensyo ni Zylo. Bigla naman nilang narinig ang boses ni Giovanni sa earpiece nilang suot. "I think you guys should hurry up. Half of the guards in the house are down and unconscious." Nagkatinginan muna silang tatlo bago sabay-sabay na lumabas sa kotse. Ngunit bago pa makapaglakad si Val papasok sa bahay ay pinigilan agad siya ni Zylo.

"You should stay here. Code would say the same if he was here." Anito. Winasik naman paalis ni Val ang kamay nitong nasa braso niya. "Wala naman siya rito at kailangan ninyo ng tulong. Hindi ako makakapayag na kayong dalawa lang ang susugod sa loob ng bahay nayan." Seryosong sabi ni Val bago mag tatakbo sa likod ng bahay kung nasaan si Calles at nag hihintay sa kanila.

Pagkalapit nila ay agad na sinabi ni Calles kung paano nila papasukin ang bahay. Bago sila makapasok sa loob ay narinig nila ang boses ni Gio sa earpiece na suot. "I'll be on standby if ever you need me." Ani nito. Naunang pumasok si Zylo at nang makasigurado itong walang taong makakakita sa kanila ay inalalayan na sila nitong pumasok.

Tinignan naman nito si Val. "Nakakakita kaba sa dilim?" Tanong nito at tumango naman si Val. "I trained myself to see things clearly in the dark because of Code." Sagot nito. Tumango naman si Zylo at nanguna sa grupo. Tahimik namang nakikiramdam sila Val habang mahigpit ang hawak sa baril nilang hawak.

Tumigil naman sila sa isang pinto na pinaghihinalaan nilang kuwarto ni Iker Cabrera. Sinenyasan ni Zylo ang dalawang babae na mag tago sa mag kabilang gilid ng pinto habang siya naman ang mag bubukas dito. Nag tanguhan ang dalawa hudyat ng pagbukas ng pinto ni Zylo. Dahan dahan na bumukas ang pinto habang dahan dahan ring pumapasok si Zylo tinutok ang nguso ng baril sa unahan nito.

Nang tuluyan ng makapasok si Zylo ay sumunod dito ang dalawa na tumitingin sa paligid ng kuwarto. Napasinghap naman si Val ng makita ang duguang katawan ni Iker na nakahiga sa higaan nito. Dahil sa liwanag na nang gagaling sa buwan ay kitang kita nila ang pag sulpot ng isang pigura sa likod ni Zylo na siyang sumisipat sa walang buhay na katawan ni Iker Cabrera. Naramdaman naman ito ni Zylo kaya't agad itong nakaiwas sa atake ng lalaki. "Tumabi kayo!" Tinulak ni Zylo patabi ang dalawa ng makita ang binabalak na pag sugod muli ng lalaki. May hawak hawak itong patalim at sinugod palapit sa dibdib ni Zylo, gumilid namna si Zylo para maiwasan ang atake nito at mabilis na pinilipit ang kamay nito para mabitawan nito ang patalim na hawak.

Napaigik ang lalaki at tumilapon palayo ang sandata nito. Tumigil naman ito sa harapan ni Calles, kinuha naman nito iyon at tinago sa likod nito. Nag patuloy ang pag lalaban ng dalawa hanggang sa makabawi ang lalaki, sinipa nito sa dibdib si Zylo, nawalan naman ng balanse ito kaya't ginamit nito ang pagkakataon nayon para tumakas. Tinulak nito sila Calles na nakaharang sa pinto, nakatayo naman agad si Val sa pagkakaupo sa lapag at mabilis na hinabol ang lalaking pakay nila.

Naabutan niya naman ito sa unang palapag, hinarangan ito ng mga guwardyang hindi niya napabagsak kanina. Mabilis ito kumilos at halatang praktisado ang mga galaw ngunit kapansin pansin ang mga pagkukulang nito sa pakikipaglaban.

Mag kaibang mag kaiba sila ni Code. Ani Val sa isip niya habang pinagmamasdan ito sa pakikipaglaban. Nakita niya na kung paano gumalaw si Code at perpekto ang lahat ng galaw nito, maliksi ang mga kamay nito at mabilis ang mga pagiwas. Hindi katulad ng lalaking nasa harapan niya ngayon, mabilis ito ngunit napakalayo nito sa lalaking na hinahanap nila. Dahil sa biglaan nitong pag talon ay nahulog ang hood ng jacket nito, pag bagsak nito sa lapag ay nakaharap na ito kay Val. Natulos sa kinatatayuan si Val ng makita ang mukha nito na walang tabing. Nanginginig ang kanyang labi dahil sa pagpipigil ng luha na gustong lumabas sa kanyang mata. "C-Code." Utal niyang sabi habang naluluhang nakatingin sa lalaking nasa harapan niya.

Kumunot ang noo nito. "Hindi ko kilala ang sinasabi mo." Ani nito sa malamig na boses. Umiling naman si Val. "Kung hindi ka man nakakaalala hayaan mong ipaalala namin sayo kung sino ka talaga." Aniya sa lalaki na kunot noo paring nakatingin sa kanya. Pinunasan nito ang dugong tumutulo sa kamao bago lumapit sa kanya. "Hindi ko alam kung bakit mo ko tinawag sa pangalan nayon pero eto lang ang masasabi ko. Mag kaiba kaming dalawa, maling tao ang nahanap ninyo." Sambit nito. "Ano bang pinagsasabi mo? Code Harrison! Tandaan mo ang pangalan mo, kung gusto mo naman ang totoong pangalan mo itawag ko sayo para lang matauhan ka ay gagawin ko. Bumalik ka lang sa dati." Nakangising umiling naman ito. "Hindi ako ang Code na hinahanap ninyo." Anito at yumuko para bumulong sa kanya. "Ako si Raze De Leon, hindi si Code Harrison." Lumayo naman ito matapos nitong sabihin iyon.

"P-Pero----," Naputol ang sasabihin niya ng bigla nalang sumulpot sa likod ni Raze si Zylo at sinakal ito, nanlaban ito ngunit hindi siya pinakawalan ni Zylo hanggang sa mawalan ito ng malay. Nag angat ng tingin sa kanya si Zylo. "Okay ka lang ba? Bat ka nakatulala jan?" Tanong nito ng mapansing hindi ito kumikibo. Umiling naman ito at ngumiti. "Ayos lang, medjo naguguluhan lang." Sagot niya bago lumabas ng bahay. Habang nag mamartsa palabas ay hindi niya maiwasan isipin kung bakit ang pangalang yun ang sinabi nito.

May iba pabang sikreto akong hindi nalalaman?

***

Someone PoV

Napangiti ako ng makita na siyang gising. Agad kong hinanda ang sarili ko para harapin siya. Sinilip ko muli siya sa salaming pumapagitan sa kuwartong kinalalagyan niya at sa kuwartong kinalalagyan ko. Kunot ang noo nito habang napapatingin sa paligid. Lumabas na ako ng kuwartong ginagamit ko para masilip ang kalagayan niya at pumasok sa kuwarto niya. Agad na napatingin ito sa akin habang hawak hawak ang kaliwang braso niya kung saan siya napuruhan nung sumabog ang isa sa mga hideout ng Cabrera's.

"Where the fuck am I?" Masungit nitong tanong. "I'm glad your awake Mr. Martiez or should I say Mr. Harrison?" Nakakaloko kong tanong dito. Naningkit ang mata nito sa naging sagot ko sa tanong niya. "Who the hell are you?" Ngumisi naman ako bago ilabas ang envelope na dala ko. "See for yourself." I said. Nag alinlangan pa itong kunin ang envelope na hawak ko ngunit sa huli ay kinuha nito iyon at binasa ang nilalaman. Lalong lumawak ang ngisi ko ng makita ang reaksyon niya. "Welcome back, President Code." I said while grinning from ear to ear.

***
Eto na ang update! Sana ma-enjoy ninyo, peace!

Code Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon