[Chapter:14] (Behind The Threat)

1.1K 52 1
                                    

[Chapter:14] (Behind The Threat)

Valeriana

"Isn't this too far? What if it's a home made bomb? Their risking students life." Sabat ni Night habang seryosong nagiisip.

Napailing naman si Melissa. "So what's your plan, Mr. Detective?" Tanong nito habang nakatingin deretso kay Code.

Pinagsamasama naman ni Code ang lahat ng papel at tinago sa kanyang bulsa. "Let's all meet at our booth, tomorrow. For now relax your mind, this students won't go too far from your expectations." Sagot nito.

"What if your wrong about them? Would you take the blame?" Hamon ni Night.

"If that's what your afraid off. I'll take the full responsibility then." At tumingin sakin. "Let's go." Aya nito at nauna na.

Alanganing tumungo naman ako sa dalawa at nag mamadaling hinabol si Code. Nang mag pantay kami ay hinampas ko siya sa balikat ng bag. "Masyado kang komportable. Ano nanaman ang tumatakbo sa ulo mo ha?" Tanong ko habang palabas na kami ng campus.

"The handwritten used is oddly familiar. Don't you think?" Biglang tanong niya. Kunot noo ko naman siya tinignan. Nilingon niya naman ako saglit. "Think about it. When was the last time you saw a handwritten like that?" Paguudyok pa niya.

Napaisip naman ako. "Teka! Wag mong sabihin siya may pakana nito?" Gulat na tanong ko ng mapagtanto kung saan ko nakita ang sulat kamay nayun.

Tumigil naman siya at binuksan ang pinto ng apartment namin. "Hindi isang estudyante ang may pakana nito." Usal niya at hinarap ako. "Mukhang gusto niyang kunin natin ang dalawang yun sa pamamagitan ng pag set up sa'tin bukas." Pagkasabi nun ay pumasok na siya sa loob iniwan akong gulat parin.

Pumasok nako sa loob at ni-lock narin ang pinto. Bago pabatong nilagay ko ang bag ko sa sofa at sinundan si Code sa kusina. Nakita ko naman siya sa counter nakaharap agad sa laptop at may kung anong ginagawa. Dahil na curious ako ay lihim akong pumunta sa likod niya at nakitingin.

Napakunot noo ako ng makitang nag babasa ng kung anong article ang loko. "Ano meron jan at binabasa mo? Di ka naman pala basa ng ganyan." Takhang tanong ko.

Sinara niya naman ang laptop niya at pinitik ako sa noo. "Chismosa ka talaga. Umalis ka nga jan at magsasaing ako. Baka mamaya pag ikaw pinagsaing ko ay wala nanamang tubig nakalagay." Pangaasar niya. Napasimangot naman ako at sinuntok muna siya sa braso bago mag tatakbo sa salas.

"Alam mo namang wala akong ka-alam alam sa kusina ako pa pinagsaing mo! Bwesit ka talaga!" Pahabol ko pang sigaw na ginantihan niya lamang ng singhal. Umupo nalang ako sa sofa at nanonood ng balita. Nag luto narin si Code ng ulam namin. Ang swerte ko at marunong mag luto ang isang yun kung hindi puro delata o di kaya sa mga restaurant nanaman ako kakain.

Swerteng naging ka dorm mate ko ang isang to. "Stop eye-raping me, Val. I know I'm attractive." Sinamaan ko naman ng tingin ang kaharap ko at sinipa sa ilalim ng lamesa ang kanyang paa. "Ang bunganga mo. Nasa harap tayo ng pagkain." Naiinis na suway ko, nginisian lamang ako ng loko at nag patuloy na sa pagkain.

Pagtapos namin kumain ay nagprisinta na si Code na siya nalang mag aayos ng pinagkainan namin at lumayas na raw ako sa kusina at baka makabasag pako. Inirapan ko nalang siya at pumasok na sa kwarto ko. Nakatingala ako sa kisame ng kwarto ko ng mag pop-up muli ang hinala ni Code sa kung sino may pakana ng lahat ng ito.

Bakit nga ba ito ginagawa ng headmistress? Anong motibo nito para gumawa ng gantong aksyon at para idamay ang dalawang inosenteng estudyante? Mababaliw ako sa kakaisip, mag tiya nga ang dalawanh yun. Walang kaduda-duda.

Napabalikwas naman ako ng bangon ng bigla nalang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Sinamaan ko ng tingin ang salarin. "Wala kang kamay? Ha?" Inis na tanong ko at nag indian-sit sa gitna ng kama ko.

Titig lang naman ang sinagot niya. "Let's go out. We need to buy something for our booth for tomorrow." Usal niya habang inaayos ang salamin.

Aba himala. "Baka kung ano nilagay mo sa adobo kanina ha? Bakit ka naman mag aaya para lang dun at sa gantong oras pa. Sa tingin mo ba may bukas pang tindahan jan na pang school supplies?" Sarkastiko kong tanong.

"Hindi naman kasi ganun ang binilhin natin. Mag ayos kana hihintayin kita sa salas. May tatawagan lang ako." Utos nito at lumabas na ng kwarto ko.

Ano nanaman kayang nasa isip ng isang yun? Naman eh! Gabing gabi na saan pa kaya kami sasakay nito? Wag niyang sabihing paglalakarin niya ko sasampigahin ko talaga siya.

Kahit inis ay napilitan nalang akong mag palit. Simpleng t-shirt at pants lang ang suot ko. Sinuot ko narin ang grey na jacket ko dahil malamig pag gabi. Pag labas ko ay nakita ko sa salas si Code na ayos narin.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Let's go." Aya niya at nauna ng lumabas. Siya narin ang nag lock ng dorm namin.

Yakap ko ang sarili ng makalabas kami. Tinignan ko naman ang kasama ko na patingin tingin sa paligid. "Ano ba hinahanap mo? Tara na at mag simula mag lakad kung saan man tayo pupunta dahil nasisiguro kong wala ng dadaan na jeep dito." Aya ko pa rito.

"Let's stop at the nearest mini stop first." Usal niya at nauna ng mag lakad. Tignan mo yun, isasama ako pero iiwan rin pala ako. Ang gulo rin ng isang yun eh. Iiling na pinantayan ko naman siya sa paglalakad sa malapit na mini stop sa street namin.

Pagpasok namin sa loob ng mini stop ay nahagip agad ng mga mata ko ang isang lalaking naka itim na jacket. Tahimik lang itong umiinom ng kape habang nakatingin sa labas. Hindi ko na lamang ito pinansin at sumunod kay Code na namimili ng maiinom at makakain. Eto ba ang sinasabi niyang bibilhin namin?

"I know that look in your eyes. My answer is no, this is not what we came for." Aniya bago pako makapagsalita. Minsan napapaisip ako kung may kapangyarihan ba talaga si itong kasama ko. Ganun naba kadali basahin ang mga iniisip ko?

"Yes, you're easy to read. Your face say it all." Pagsasalita nanaman nito.

"Ikaw, kanina kapa ah! Tigil tigilan mo ang pagbabasa sa'kin, hindi ako libro!" Napipikong sabi ko.

He just waved his hand dismissively. Aba't ang lalaking iyon talaga!

Naging sunod sunuran ako kay Code hanggang sa matapos siyang mag libot sa loob ng mini stop. Binayaran nito ang mga binili at umupo sa tabi ng lalaking nakita ko kanina.

"Bakit dito kapa pumwesto?" Mahina kong bulong sa kanya habang papaupo ako sa tabi niya.

"Dahil siya ang pinunta natin rito." Aniya at saktong lumingon sa amin ang lalaking naka-jacket at nag tatakbo palabas.

"Don't just stand there!" Ani Code habang tumatayo narin para habulin ang lalaking bigla nalang nag tatakbo palabas.

Waa naman akong nagawa kundi ang sumunod kay Code. "Paano ang mga binili mo?!" Tanong ko habang pinipilit makipantay sa bilis nito.

"Babalikan natin mamaya! Sa ngayon ay hulihin muna natin ang lalaking yon."

"Sino ba kasi siya?!"

"Isa siya sa mga posibleng may pakana ng lahat at hindi ko kaya baliwalain ang posibilidad nayon!" Sagot niya at mas binilisan pa ang pag takbo. What a morning exercise indeed!

**


Maikli, babawi nalang ako, ba-bye!

Code Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon