[Chapter:15] (Two Way Crime Scene)

1.2K 57 4
                                        

[Chapter:15] (Two Way Crime Scene)

Valeriana

Napapahikab na lamang ako sa umagang klase namin. Paano ba naman ay ala-una na kami nakauwi ng sira-ulong si Code. Idagdag pang sinama niya nanaman ako sa mga katarantaduhan niya.

Kinakabahan nako para mamayang hapon. Dahil doon na mag sisimula kung ano mang pinaplano ni Code. Sana naman ay maging maayos ang takbo ng kanyang plinaplano kung hindi ihahampas ko ang ulo niya sa lamesa.

Nag bell na, sign na tapos na ang pang umagang klase at simula na ng club fair ng SIU. Napasinghap ako ng may bigla nalang humila sa'kin kung saan. Nang tumigil kami ay nakahawak parin ito sa pulsuhan ko.

Nasa liblib na parte kami ng building namin. Kahit kinakabahan ay nakapagsalita parin naman ako. "Sino ka? Anong kailangan mo sa'kin?" Tanong ko habang palihim na kinakapa ang ballpen na binigay sa'kin ni Code noon. Ang akala ko ay di ko nato magagamit nag kamali pala ako, buti na lamang at dala dala ko to lagi.

"We told you, didn't we? The game has started Ms. Thompson. And if you're planning something, stop it now. You don't know what can I do to you." Magaspang ang boses ng lalaking nasa likod kona ngayon. Mukhang di estudyante dahil sa medyo may katandaang boses nito.

Nang mahawakan kona ang ballpen ay siya namang pagsasalita ko ng mawala ang atensyon nito sa galaw ko. "Bakit ninyo to ginagawa? Ano bang motibo ninyo?" Tanong ko muli habang hinahanda ang isang kamay ko para itulak palayo ang lalaki sa akin at itarak sa kanya ang ballpen na nasa kaliwa kong kamay.

"Masyado pang maaga para mag salita. Sa ngayon sumama ka nalang nang di ka masaktan." Sagot nito at hihilahin sana uli ako palayo ng hawakan ko ang kanyang braso at ibalibag sa baba. Habang iniinda pa nito ang sakit ay siya naman tarak ko ng parang taser na ballpen sa kanyang leeg. Nangisay ito saglit at di na gumalawa kalauna. Alam ko namang di pa ito patay dahil may pulso pa ito ng tignan ko.

Kinapa ko ang cellphone ko sa paldang suot ko at tinawagan si Code.

Isang ring palang ay sinagot na nito ang tawag ko na animo'y hinihintay talaga niya ito. "Mukhang tama ka nga. Puntahan mo ko dito sa likod ng gym sa pinakaliblib. Bilisan mo baka magising pato." Rinig ko naman ang boses niya sa kabilang linya na pinaalis ang mga taong nasa daraanan niya. Rinig ko din ang mabibilis niyang yapak at ang pag hinga niya ng malalim.

"Umalis kana jan! Mukhang nag kamali tayo sa may pakana nito! Hindi ligtas sa lugar nayan, Val! Hindi lang sila isa, madami sila!" Rinig kong hiyaw ni Code habang nag hahabol ng hininga. Napakunot noo naman ako. Ano banh sinasabi ng isang to?

"Hoy! Kung balak mo ko takutin wag ngayon dahil gumagana. Paano tayo magkakamali? Eh sa tugma lahat sa kanya to. Ang sulat tas saktong ngayon nga sila umatake. Anong mali don?" Takhang tanong ko habang pinagmamasdan ang lalaking nasa paanan ko.

"Just listen to me and get the hell out of there! The person behind this already started they're show and it's not what we think it is! Get the hell out of there now, Val. Before something happened to you, you dumbass." Gitil na hiyaw nito.

Naiinis na tinignan ko naman ang screen ng cellphone ko at mag sasalita pa sana ng may brasong pumulupot sa leeg ko. Nanlaki ang mata ko at pinilit man laban. Kung kailan kailangan ko ang skill ko sa karate siya naman pang hihina ng katawan ko.

Code Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon