[Chapter:19] (The Newbies)

1.1K 51 2
                                    

A long update to celebrate the 1k reads! Thank you for the love, goodnight!

***

[Chapter:19] (The Newbies)

Code

"Are you sure your alright?" Muling tanong ko kay Val na ngayon ay sukbit sukbit na ang kanyang bag. Nakita ko namang inirapan ako nito dahil sa salaming nasa kanyang harap.

Kinuha nito ang suklay na naka patong sa gilid ng lamesa at nag suklay. "Ayos nga lang ako. Dalawang linggo din tayong di pumasok, baka mamaya tinutulak na tayo paalis ng mga geek sa listahan." I sighed in surrender. Wala nako magagawa pa para pigilan siya kung ganto ka eager siya pumasok.

"At ayoko na humiga ng humiga sa kama. Namamanhid na likod ko. Jusko ikaw kaya humiga ng isang linggo? Ewan ko nalang kung di mamanhid yang likod mo." Naiinis pa nitong reklamo. Isang linggo siyang nakaratay sa higaan dahil narin sa pag pupumilit ng magulang niya.

Binaba ko naman ang basong hawak ko at walang sabing binato sa kanya ang susi ng bahay. "I'll wait for you at the ground floor." Yun lamang ang sinabi ko at nag lakad na paalis. Sumakay ako ng elevator papuntang ground floor at doon hinintay si Val.

Saglit lamang ang tinayo ko roon at nakita ko agad si Val na palabas ng elevator. Nakapokus ang kanyang atensyon sa kanyang telepono at kitang kita ko ang pag kunot ng kanyang noo habang may binabasa rito.

"What?" Tanong ko.

Hinarap nito ang mensahe na nasa inbox niya, galing ito kay Melissa Locket.

From: Lisa Locket

'The team is being assembled by the Headmistress. The new comers is in the list also.'

"Hmm, team?" I asked curiously.

Binalik naman nito ang telepono sa bulsa. "Yes, team." She said. "I've entered some people you may know in the club and the Headmistress is butting in again." She sighed.

"And what gives you permission to do that?" I asked.

Tinuro niya ako. "If I remember it right, you gave me the second in command in the club. Tutal halata namang wala kang balak mag recruit, I handle everything when I'm on leave." She said with a smirk and left the building.

A small smile formed in my lips. "Very well, I guess I could use some company." I mumbled and followed her.

***

Valeriana

Nalibot na siguro ni Code ang buong kwarto kung saan kami mag kukuta. Sawakas ay tumigil ito, sa tapat ng book shelf at pinadausdos ang daliri niya rito. Agad naman kumapit ang makapal na alikabok sa kanyang daliri.

He looked around for the last time and settled himself in a swivel chair next to the book shelf.

Tinignan ako nito at pinagpag ang kamay. "That old lady, she really gave us the old stock room for an office, unbelievable." Sarkastiko nitong usal.

Humila naman ako ng isa sa mga upuan na nasa mahabang table na naroon. "At least, tinaggal na nila lahat ng nakatambak dito noon." Tinapik ko ang lamesang mahaba na nasa harapan ko, maalikabok ito kaya naman kahit mahinang tapik lamang ay umaangat na agad ang alikabok sa ere. "They even gave us stuff's to use. Maalikabok nga lang." Nakangiwi kong sambit. I heard him snorted.

Nilingon nito ang pintuan. "Base on Locket message, the team should be here anytime." Pinagdiinan pa talaga nito ang salitang team.

Code Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon