[Chapter:36] (Motín)
Valerian
Isang linggo narin simula ng mag aral kami sa M.U at talaga namang napakaganda ng welcome ng mga tao dito. Unang araw namin ay kamuntikan nako makapatay sa inis, ikaw ba naman bigla nalang sabunutan habang nag lalakad at ilampaso sa sahig hindi ka mabubwesit sa inis? Mabuti nalang talaga may pumagitan sa bruhang bigla nalang nanabunot sa akin. Sa kasamaang palad isa din palang demunyo ang pumagitan, syota nung bruha. Sinampal ako nito sa pisngi dahil sinasaktan ko daw syota niya. Ngali ngali kong isagaw na 'paki ko?! Saksak ko pa sa baga mo yang taliparot mong syota!' di ko nga lang nagawa dahil to the rescue na agad si Zylo na nakita ang pag sampal sa akin ng lalaki. Binugbog nito yung lalaki kaya unang araw may warning na agad ang loko. Ang sabi naman niya ayos lang dahil naiganti naman niya ako sa gagong yun. Lakas makasampal din ng isang yun, pakiramdam ko hanggang ngayon namamaga pisngi ko, bakla ata yung sira-ulong yun eh.
Napabuntong hininga na lamang ako ng makitang palapit nanaman sa amin si Damian, isa sa mga lider ng apat na grupo na namumuno sa buong M.U. Simula ng makita ako nito ay lagi na lamang ako nito ginago. Malawak ang ngiti nito sa akin at kinawayan si Zylo na kasa-kasama ko. Papunta na kami sa cafeteria, nag cr kasi ako at nag alok sumama si Zylo, bantayan niya daw ako baka may bigla nalang mang away sa akin pag mag isa lang ako. "What do you want, Cid?" Tanong ko. Napangiwi naman ito ng tawagin ko siya sa kanyang apelyido. "I told you to just call me as Dam, I don't like hearing my surname in your pretty mouth." Literal na umikot ang eyeballs ko sa sinabi niya. "Can you just stop messing around with me? Don't you know that your fangirls are going crazy when they see you talking to me? And damn, they even dump a bucket of red paint on me, yesterday." Totoo, art class namin nun at tapos nako sa pag pipinta ng kung ano, nag hugas lang ako ng kamay at bumalik sa room ng bigla nalang may isang balde ng pulang pintura ang nahulog sa itaas ng pinto.
Alam ko namang yung grupo ng masasama ang budhi ang gumawa sa akin nun dahil tawanan ang mga bruha ng makita ang itsura ko. Kung hindi lang ako nahila palabas ni Lancer baka nasa infirmary na ang mga yun. Nagulat naman ito sa narinig. "They did what?" Tanong nito na parang nag kukumpirma na tama ba ang narinig niya. "I'm too lazy to repeat it. Just get the hell out of our way, I'm starving." Pagtataray ko, tahimik naman itong gumilid at sumunod naman ang tauhan nitong nakabuntot sa kanya.
Bigla naman bumulong sa akin si Zylo ng malagpasan namin ang grupo ni Dam. "Mukhang may pinaplano ang Cid nayun sa mga babaeng gumawa nun sayo. Ang lakas ng karisma mo, pati isa sa mga lider ng apat na grupo napapaikot mo." Natatawa nitong sabi. Inirapan ko naman siya at tinulak ang kanyang pagmumukha palayo sa akin. "Manahimik ka, Zylo kung ayaw mo balian kita ng buto." Natatawang nag taas ito ng kamay. "Gumaling ka lang sa pakikipaglaban naging ganyan kana. Tandaan mo hindi hindi mo matatalo ang nag turo sayo." I drew a small knife in my boots and threw it at him. Nanlaki ang mata nito at mabilis naman nakailag. "Shit!" Mura nito at masama akong tinignan. "Papatayin mo ba ako?!" Galit na tanong nito. Nginisian ko lang siya at kinuha ang maliit na kutsilyo at binalik sa itim na boots na suot ko. Inayos naman ni Zylo ang suot na leather jacket. Sabado ngayon at pwede kaming mag suot ng kung anong gusto namin. Ang suot ko ngayon ay simpleng puting t-shirt na pinatungan ko ng oversized denim jacket na nakita ko lamang sa aparador sa kwarto ko. Black pants at itim na converse shoe naman ang pang ibaba ko.
Pagpasok ko ng cafeteria ay matatalim na tingin agad ang bumungad sa akin. Parang lahat galit sa akin dahil pakiramdam ko lahat sila matatalim ang tingin sa akin, tagos na tagos sa kaluluwa ko. Pero hindi ko sila pinansin at hinanap sila Lisa. Nakita ko naman ang mga ito na kumakaway sa akin, ngumiti ako at deretso ang tingin na lumapit sa kanila. Sinalubong naman ako ni Lisa na pinapatulan ng sama ng tingin ang mga matatalim na tingin sa akin. "Kung tusukin ko kaya mga mata nila ng takong ng sapatos ko? Maka tingin sila parang may malaking kang kasalanang nagawa." Gigil nitong sabi. Matapang itong mag salita ng ganyan dahil hindi naman nakakaintindi ang mga ito ng tagalog. Mangilan ngilan lang ang kilala naming nakakaintindi ng tagalog.

BINABASA MO ANG
Code
Mystery / ThrillerLies and deceptions. The tightly knotted mystery about their past. What should they believe? Can they solve the mystery surrounding them? Their adventure begins now. *** [This is a Tagalog - English Story] [Mystery/Thriller] [Complete] [Cover by: At...