[Chapter:16] (Rescue Team)

1.2K 66 0
                                        

[Chapter:16] (Rescue Team)

Night

"Guys! May nakita akong footprints malapit lang sa kakahuyan!" Kita namin ang pagtakbo ni Udyr sa dereksyon namin habang sinisigaw iyon.

Tumigil naman siya sa harap ni Code na siyang sinalubong si Ocampo. "Where did you saw it?" Agad na tanong nito di pinahalagahan ang paghahabol ng hangin ng kasama namin. Mabuti na lamang at dumating sila Melissa na inabutan ng bote ng mineral si Udyr.

Nang mag pantay na ang paghinga nito ay siyang simula nito mag paliwanag. "Hinala ko nag mamadali ang kung sino man sa pag-alis base narin sa itsura ng mga prints. Ngunit ang nakakapagtaka dadalawang print lang ang visible ang mga sumunod ay purong ginago na." Paliwanag nito at saktong pagdating ni Inspektor Villanueva.

"Nasa lab na ng police team ko ang relong nahanap ng iyong team, Code. Mga mamaya siguro ay malalaman kung kanino tumugma ang mga markang naiwan roon." Iporma nito kay Code na napatango naman. Napatingin naman ang inpekstor kay Udyr. "Oh, hijo. Bakit ganyan ang itsura mo? May nahanap kaba?" Tanong nito, tumango naman si Uydr.

"He found footprints near the forest behind the walls of our university. But what strange is the footprints have only two visible the others are mess up by the culprit." Paliwanag ni Code kesa kay Uydr. Wala naman naging reaksyon ang iba sa pagsapaw ni Code. Siya narin kasi ang tumayong lider ng nabuong team namin ngayon.

Napatango tango naman ang inspektor. "Mas maganda kung makikita natin ng personal ang sinasabi ng kasama mo. Tara na't tignan, hijo pangunahan mo na." Utos nito kay Udyr na sumunod naman agad.

Mabuti na lamang ay may daan para makapasok sa kakahuyan na nasa likod lang ng gym namin. Yun nga lang madalang itong magamit dahil wala namang masyado napapadpad rito. Halata ang katandaan ng gate ng makita namin. Kinakalawang ng ang buong katawan nito at may sabit sabit pang mga dahon.

Maingat na binuksan ni Uydr ang gate dahil baka masira ito at magalit ang tiya ni Code na siyang headmistress ng unibersidad nato. Ilang lakad lang namin ay kita na ang sinasabing footprints ni Udyr. Mabuti na lamang at may semento pa bago ang mismong lupa kung saan nandun ang footprints.

Kita rin namin sa malayo ang mga nababoy na yapak di kalayuan sa pares ng footprints sa harap namin. Sa pagkaka-alam ko ang kalalabasan ng kakahuyan nato ay dome ng siyudad namin. Masyado ding mahigpit ang seguridad ng dome dahil baka raw may mag tangka mag pasabog nito para sirain ang lugar namin. Praning rin ang Mayora namin.

Napatingin ako sa gilid ng makita si Aver na pinipicturan ang mga footprints kasama narin ang prints na nababoy. "What are you doing? Isn't that a job of those crime-shit policeman?" Mahinang tanong ko dahil baka marinig ako ng mga pulis nayun.

Inilingan niya naman ako at pinicturan muli ang footprints. "Baka may mahagip ang camera ko na makakatulong satin. Manahimik ka nalang jan at mag masidmasid baka may mahanap ka." Sagot niya at nag picture na ng kung ano ano.

Lumayo naman ako sa kanya at nag masid masid nga. Tinignan ko ang mga markang naiwan, base rito ay di maaring tumakbo sa ibang dereksyon ang salarin. Dahil makikita ito agad dahil masyadong basa ang lupa. Tumingala naman ako sa itaas. Posibleng umakyat naman ito sa itaas ng puno at doon dumaan.

Naramdaman ko naman ang pagtabi ng kung sino. "I think we have the same thoughts in mind Coleman." Boses palang ay kilala ko na kung sino ang tumabi sa'kin. Siya lang naman ang tumatawag sa'kin sa apelyido ko.

Nakatingala rin ito sa itaas at pinagmamasdan ang mga tangkay ng puno. Tinuro niya ang isang tangkay na naputol. "That branch is thick but it broke because of extreme pressure poured on it. There's a very high possibility that the culprit uses these tree to escape and execute he's/her plan perfectly." Lumapit naman siya sa isang puno na kaharap lamang ng pares ng footprints.

Code Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon